You are on page 1of 3

PROYEKTO

SA
FILIPINO

IPINASA NI:

IVAN FRED TIQUIL

MARSO 22, 2019


IBA’T IBANG NGALAN NG HANGIN
ni Mikael De Lara Co

(Unang Gantimpala, Carlos Palanca Awards for Literature, 21108)

Marahil ipinagtataka mo kung ano

Ang ginagawa natin ditto

Di ko rin nasisiguro kung paanong nangyaring

Gabito. Kausap kita, ngunit walang paraan

Upangb makatugon ka. Pagtutuos

Sigurong maituturing ito. O pagtatapat,

Itim na sagat sa papel

Na maghihilom lamang kung bubulong ka

Nang gamit ang aking tinig.

Hayaan mo akong magpakilala sa ito:

Kapangalanko ang pinakamatalik mong kaibigan,

At kung minsan, ang pinakamarahas

Ng halimaw ng iyong pagkabata.

Kung minsan, ikaw.


Hilig kong pag-usapan ang kamatayan

At kasalanan, at kung tatanungin mo ako

Ukol sa pananalig, titingin ako sa malayo

At hihinga ng malalim at sasabihing “Oo.”

O kung minsan, “Hindi,” depende marahil

Sa hihip ng hangin o sa kulay

Ng nagdaang takipsilim.

You might also like