You are on page 1of 3

Pamantasang Nornal ng Leyte

Lungsod ng Tacloban

Banghay Aralain sa Araling Panlipunan

Ika-9 na Baitang

Pangangailangan at Kagustuhan

Inihanda ni:

Ms.Iris F. Costillas

I. Layunin

A. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga


pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-araw-
araw na pamumuhay,

B. Pamanatayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay naisasabuhay ang pag-unawa sa


mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na pang-
araw-araw na pamumuhay at;

C. Pamantayan sa Pagkatuto: Nasusuri ang kaibahan ng kagustuhan (wants) sa


pangangailangan (needs) bilang batayan sa pagbuo ng matalinong desisyon at nasusuri ang
hirarkiya ng pangangailangan. (AP9MKE-Ic-7 at AP9MKE-Id-9)

II. Pamamaraan

A. Pangunahing Gawain

Gawain: Ilista Natin

Ang mga mag-aaral ay magtatala ng sampung mahahalagang bagaya bilang isang


estudyante. Isulat ito ng sunod-sunod batay sa kahalagahan. Susundan ito ng mga
pamprosesong tanong.
B. Pagganyak

Gawain: Why o Why Not

Susuriin ng mga mag-aaral ang bawat aytem na nasa Column A at B. Pagpasyahan kung
ano ang pipiliin nila sa dalawa. Isusulat sa ikatlong column ang kanilang desisyon. Pagkatapos
nito ay ang mga pamprosesong tanong.

C. Paglalahad ng Layunin

Gawain: Initial na Kaalamn

Alamin at iorganisa ang kanilang paunang kalaman tungkol sa paksang-


aralin at paano makatutulong ang kalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa
pagbuo ng matilong pagdedesiyon. Ihanda ang klase para sa sunod-sunod na bahagi ng aralin
upang higit na maunwaan ng malalim ang konsepto ng pangangailangan at kagustuhan.

D. Pagtatalakay ng Bagong Aralin

Itatalakay ng guro ang konsepto ng pangangailangan at kugustuhan, at personal na kagustuhan


at pangangailangan. Susundan ito ng gawain sa pisara. Saaagutan ng mga mag-aaral ang nasa
screen. Isulat ang Gusto ko/kong/ng o Kailangan ko/kong/ng.

E. Pagtatalakay ng Bagong Aralin 2

Hahatiin ng guro ang klase sa limang (5) pangkat. Ang bawat grupo ay aatasang basahin
unawain at ilahad sa klase ang kanilang kalaman tungkol sa naatas na paksa. Gawin lamang ito
sa loob ng sampung (10) minuto, at sa pagprepresenta ng kalaman ay gawin lamang sa loob ng
liamang (5) minuto.

F. Paglalahat

Magtatanong ang guro ng mga katanungan (HOTS) tungkol sa natalakay na paksa.

G. Paglalapat

Magtatanong ang guro sa kanyang mag-aaral kung anu-ano ang mga importanteng bagay na
natutunan nila sa naitalakay bilang isang mag-aaral, anak at mabuting mamayan sa bansa.
Itatanong kung ano ba ang kahalagan sa pag-unawa ng mga ito. Gayung alam na nila ang
kaibahan nga pangangailangan at kagustuhan, maapekto o nababago ba ang pananaw nila sa
pgdedesisyon sa buhay bilang mamamayan at matalinong mamimili.

H. Pagtataya

Gawain: Baitang-Baitang

Isususlat ng mga mag-aaral ang bawat batayan ng pangangailangn at kagustuhan ayon


sa teorya ni Maslow. Lagyan ito ng kahulugan at halimbawa. At sa ikalimang baitang ay
maglagay ng pangalan ng kilalang tao sa inyong komunidad na sa tingin mo ay nakaabot sa antas
na ito.

III. Kasunduan

Basahin ang mga salik ng pangangailang at kagustuhan

You might also like