You are on page 1of 5

Magsisimula ang kwento na makikita si manang linda na may hawak na mga sobre.

MANANG LINDA: ito may utang pa sakin. Ito naman patay na. diyos ko ano nang gagawin ko sa mga
taong to

(may kakatok mula sa labas at maingat nyang pagbubuksan ng pinto. Makikita nya si benjie.)

MANANG LINDA: o, buhay ka pa pala.

BENJIE: bakit ang tagal mong magbukas?

MANANG LINDA: kanina ka pa ba jan?

BENJIE: nakailang katok na ko eh. Kabado ka pa rin ‘no?

(papasok si benjie sa pinto. Tatanggalin muna nya ang sapatos nya)

MANANG LINDA: papanong di ako kakabahan? May mga tinatago akong TNT, mga bilog, ditto sa gusali
ko.

BENJIE: kung makapagsalita ka naman parang di ka isa samin dati ah.

MANANG LINDA: pasensya ka, hindi na ngayon. Bilog ako noon pero ngayon legal na ko (mayabang na
ngingiti).

BENJIE: wala nanaman ba yung mister mong sakang?(titingin sa paligid ng apartment)

MANANG LINDA: nandiyan, di mo lang nakikita.

BENJIE: (may iaabot na sobre kay manang linda) ano siya, patago-tagong kagaya naming?

(bibilangin ni manang linda ang pera sa harapan nya)

MANANG LINDA: bakit eto lang?

BENJIE: kala mo naman gano’n kalaki kita ko. Hayaan mo sa susunod dodoblehin ko.

MANANG LINDA: ang baba na nga ng patubo ko sa’yo eh.

BENJIE: mababa na bay un? Ilang taon ko nang binabayaran yang utang ko di pa rin matapos-tapos.

MANANG LINDA: magbayad ka kasi sa oras (mag lilista sa record book)

BENJIE: sya nga pala, wala bang dumating na sulat galling pinas habang wala ako?

MANANG LINDA: parang marami-rami ka nang naipon ditto. Inaamag na nga yata.

(kukunin ni manang linda ang mga lumang sulat at iaabot kay benjie)

MANANG LINDA: buti naaalala ka pa ng pamilya mo sa tagal mo ditto sa japan.

BENJIE: naaalala kapag may kailangan.

(may maririnig silang pagkatok. Papakinggan ni manang linda ang paligid. Tatayo sya at bubuksan ang
pinto ngunit wala syang makikita. Nang akmang issasara na ang pinto ay biglang sisingit si manuel.)
MANANG LINDA: susmaryosep! Ano ba manuel, wag kang biglang lumulundag sa harap ko. Baka mabaril
kita eh.

MANUEL: kanina pa ko katok ng katok. Nasaan k aba?

MANANG LINDA: aba. Marami akong ginagawa.

(papasok si manuel pero hindi nya huhubarin ang sapatos nya)

MANANG LINDA: hoy, hoy, tanggalin mo yang sapatos mo, bastos ka talaga manuel.si manuel nga pala
(ituturo kay benjie ang bagong dating), taga-koenji yan. Manuel, si benjie.

(lalabas si manang linda para kumuha ng tsaa para kay manuel)

MANUEL: kamusta brad?

BENJIE: ayos lang.

(kikilitasin ni manuel si benjie ng hindi nagpapahalata)

MANUEL: alam mo parang pamilyar ka, nagtrabaho k aba dati sa gemba, yung sa may Honjo?

BENJIE: di ako umabot sa Honjo, baka kamukha ko lang yon.

MANUEL: ganun ba? Eh sa Yokohama?

BENJIE: wala akong matandaan.

MANUEL: o, baka naman dun kita nakita sa factory ng tuna?

MANANG LINDA: naku, kung anu-ano na kasing napasok na trabaho nyang si benjie. Kung saan-saan na
rin napadpad.

BENJIE: papano ka nga pala nakapasok ng Japan?

MANUEL: nag-student visa muna ‘ko.

BENJIE: akalain mong nagging estudyante ka pala. Anong inaral mo?

MANUEL: dati, estudyante ng Nippongo, ngayon….(buulong kay benjie, tsaka tatawa ng malakas pero
hindi matatawa si benjie)

BENJIE: at may natutunan ka naman?

MANUEL: marami (mayabang na ngingiti). Nung nag-expire yung visa ko, nagbanda naman ako

BENJIE: kumakanta k aba?

MANUEL: minsan, pero drummer talaga ako (may pagmamayabang). Ikaw?

BENJIE: sa 12 taon ko ditto, nasubukan ko nang mag-waiter, delivery boy ng ramen, taga-putol ng damo,
tagakatay ng baboy, tagalinis ng kubeta, tagapalit ng mga sirang bumbilya, lahat na! (may
pagmamayabang). Pagkanta lang ang di ko ginawa.
MANUEL: ayos naman, di masama ang kita.

BENJIE: ano pang mga nasubukan mo?

MANUEL: marami na rin akong nagawa sa limang taon ko ditto., pero, aaminin ko, pinakamalakas talaga
ang kita ko sa pagho-hosto! Gigiling ka lang ng ganyan, lalandi ng ganito, tangina, uulan nan g pera sa
harap mo. Subukan mo. May mga host club naman na tumatanggap ng may edad na.

BENJIE: sa tingin ko hindi ko kayang gawin yung mga ganyang linya ng Gawain.

MANUEL: (smirks) mahina ka pala eh. Di ka makakabayad ng utang mo nyan kung aarte-arte ka sa
trabaho.

BENJIE: ang sa’kin lang kasi, pamilyado na ko. Ano nang sasabihin ng mag-iina ko kapag pinasok ko yang
ganyan kaduming trabaho?

MANUEL: anong sinasabi mo, na madumi akong tao, ganun ba?

MANANG LINDA: eto manuel, may sulat ka pa ditto.

MANUEL: Wow! Sabi ng ate ko may honor daw pamangkin ko. Best in good manners and right conduct
pa. Anak ng jueteng, manang-mana sa tito

BENJIE: (pabulong) sa yabang mong yan, nagmana saýo?

(makakarinig sila ng malakas na pagkatok. Agad na bubuksan ni manang linda ang pinto. Papasok si rodel
at iiwan ang kanyang sapatos sa gilid ng pinto)

MANANG LINDA: anong nagyari at humahangos ka? Ang aga moa tang umuwi, tapos nang trabaho mo
sa gemba?

RODEL: opo. Maaga kaming pianauwi sa oyakata eh bukas pa daw kasi dadating yung mga dagdag na
materyales.

MANANG LINDA: baka kalahating araw lang sinahod mo, kulang pa yan pang-hulog mo sa’kin.

RODEL: uunti-untiin ko naman yung placement fee ko manang. Malaki-laki rin kasi yun tapos
nagbabayad pa ko ng bahay saýo.

MANANG LINDA: pero kung magbabayad ka sa oras, matatapos mo yun agad. Kailangan ko rin kasi ýang
capital para mapaalis ko yung mga naghihintay sa pinas.

MANUEL: mahina kasi talaga ang raket jan sa gemba, wag ka nang magtyaga jan. tignan mo ko, hayop
kung kumita.

BENJIE: lakas na talaga ng hangin ditto (pabulong). Aalis na ko linda, salamat sa tsaa at sulat.

MANANG LINDA: teka, ba’t aalis ka na agad. Tikman mo muna yung niluto kong adobo.

BENJIE: sa susunod na lang.

(aalis na si benjie nang mapansin nyang may dugo sa sahig)

BENJIE: bakit may dugo sa sahig?


(mapapatingin ang lahat kay rodel. Makikita nila ang duguang tagiliran nito. Kukuha si manang linda ng
bimpo at itatapal sa duguang tagiliran ni rodel)

MANANG LINDA: ano ba talagang nangyari saýo?

RODEL: manang, naaksidente ako.

(mabilis na aalis si manag linda.)

BENJIE: nabagsakan k aba ng materyales?

MANUEL: kung kanina ka pa sugatan, bakit tinatago mo samin?

RODEL: di ko naman tinatago

MANUEL: di mo tinatago pero ayaw mong sabihin? Ganón din yon!

(babalik si manang linda na may dalang firs aid kit)

MANANG LINDA: dyos ko naman rodel. Ano bang pinag-gagagawa mo ha?!

RODEL: (iiyak) manang tulungan mo ko manang. Di ko alam gagawin ko.

BENJIE: ano nga ba kasing nangyari?!

RODEL: pinagbantaan ako nung isang hapon, di ko sya talaga kilala. Sabi nya dahil daw sakin kaya di sya
nakakakuha ng magandang trabaho sa gemba. Wag na raw akong makipagkompitensya sa kanya.
Nagkapikunan kami. Nagtulakan, nagsuntukan, hanggang sa may nakita akong matulis na bakal.
Nasaksak ko sya sa dibdib manang. Tulungan mo ko.

BENJIE: At hapon pa ang na tsugi ng hayop.

MANUEL: tangina, sabi ko na nga ba, masama ang kutob ko jan manang . ayokong madamay ditto. Aalis
na ko.

BENJIE: di ka pwedeng basta umalis!

MANUEL: aalis ako kung kelan ko gusto. Putsa, di ko nga kilala yan eh. Ngayon lang kami nagkita.

BENJIE: dahil nandito ka, damay ka na.

MANUEL: may problem aka bas akin?

BENJIE: oo, may problema ako sa bibig mo.

MANANG LINDA: oy, awat na!

BENJIE: limang taon ka pa lang ditto, may angas ka na.

MANUEL: ikaw, 12 tan na ditto, duwag pa din.

MANANG LINDA: awat na sabi eh. May problema na nga tayo kay rodel tapos dadagdag pa kayong
dalawa.

MANUEL: aalis na ko manang. Pagsabihan mo yang kaibigan mo.


BENJIE: aba, ako pa ngayon ang may problema. Mag-ingat ka pag-labas mo, mahuli k asana.

MANUEL: wag kang mag-alala, pag nangyari yun isasama kita.

(tuluyang lalabas si manuel sa pinto)

RODEL: manang itago mo ko parang awa mo na! wala akong ibang pupuntahan. Wala pa kong
masyadong kakilala ditto.

MANANG LINDA: rodel umalis ka na. di ka pwedeng abutan ditto. Pati ako sasabit.

RODEL: manang parang anak mo na ako di ba?

MANANG LINDA: itong si benjie may apat na anak, asawa, at biyenan na binubuhay. May pamilya din
ako sa pinas. Kailangan din naming protektahan ang sarili namin, kahit ako mismo na legal na.

BENJIE: di lang ikaw ang kawawa ditto toto, pati kami.

(dudukot si manang linda ng pera sa bulsa at iaabot kay rodel)

MANANG LINDA: o, ayan, panggastos mo para wala ka nang masabi. Di mo ko kilala, di ka ditto nakatira
at kahit kelan di tayo nagkita. Tumutulong ako sa mga bilog pero kahit kelan di ako kumupkop ng
criminal.

RODEL: pera pera na lang ‘to manang?

MANANG LINDA: sige, alis na, rodel (tuluyang itataboy si rodel)

RODEL: pag nahuli ako at tinanong ako, sasabihin ko ang lahat sa igme.

MANANG LINDA: huling beses na to rodel. Umalis ka na.

RODEL: aalis ako pero magkikita tayo sa kulungan.

MANANG LINDA: subukan mo lang. ipapahanap ko ang mag-ina mo sa pilipinas.

(walang magagawa si rodel at lalabas ng pinto. Maiiwan si manang linda at benjie. Maya maya pa ay may
kakatok ng malakas)

RODEL: manang! Manang, buksan mo! Nandito na sila sa labas manang!

(maririnig nina benjie at manang linda ang panaghoy ni rodel ngunit hindi nila ito papansinin)

You might also like