puso. Kayat ibasura mo na ang paniniwalang ang Diyos ay may plano para sa mundo. Dahil alam nating ikaw ang isa sa kanyang pinakamatinding pagkakamali na ang mga panlalait ng kaaway ay tunay na mas dapat pakinggan.
Tandaang ang mga sinasabi ng Diyos ay ang balita
na puro lamang kabulaanan. Huwag kang maniwala sa salita dahil ang mundo ay may ibang mensahe.
Totoo ang sinasabi nila.
Hindi ka niya mahal. Maniwala ka sa mundo.
Huwag mong hayaang mabulag ka
sa kasinungalingan. Kaibigan, hindi ka nabubuhay dahil sa pag-ibig. Ang lahat ng mayroon ka ngayon ay bunga lamang ng iyong mga desisyon.
Hindi totoong ang tagumpay mo ay
dahil sa sakripisyo niya, dahil sa mga sugat niya, dahil sa paghihirap niya. Tapos na ang usapan. Huwag na nating lokohin ang mga sarili natin.
Ito ang mga pinaglalaban ko dati pero
biglang bumaligtad ang lahat nang maintindihan ko ito.