You are on page 1of 2

Maria Sophia D.

Soledad
KAS 1 H2
2018-01850

Mali na nga, Gagatungan pa

Hindi maipapagkaila ba sunod-sunod na kontrebersiya ang nagaganap sa ilalim ng


amdinistrasyon sa kasulukuyan. Kitang-kita rin ang tila pagsunod nito sa mga yapak ng rehimeng
Marcos, ang administrasyon na siyang nabalot ng kasakiman, pagdurusa at kahindik-hindik na
kawalan ng mga karapatan. Isa sa mga ito ang planong pagpapatayo ng Kaliwa Dam sa probinsiya
ng Quezon.
Ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), ang proyektong ito ay
naglalayon na magpatayo ng naturang dam sa Infanta at General Nakar, Quezon kung saan ang
tubig ay magmumula sa Kaliwa-Kanan-Agos River Basin. Ito ay upang malutusan ang problema
sa suplay ng tubig sa Metro Manila. Ito ay magkakahalaga ng Php 18.724 bilyon na siya namang
inutang ng gobyerno mula sa Tsina (MWSS 1).
Maganda man pakinggan ang hangarin nito, hindi maaring matanggi natin na ito ay
mayroon malaking epekto sa bansa. Tulad ng ginawa ng administrasyong Marcos, nangutang din
ang kasulukuyang administrasyon upang mapondohan ang proyekto. Nakakatawang isipin na sa
isang komunistang bansa (at ang bansa na siyang unti-unting nagnanakaw ng mga isla natin) pa
lumapit ang gobyerno upang hingian ng “tulong”.
Dagdag pa rito, masisira ng nasabing proyekto ang kabihasnan ng tribong Dumagat na
nakatira sa naturang lugar (Mogato 6). Ito rin ang dahilan ng pagkagalit at iba pang minoryang
tribo. Hindi ba’t isa lamang ito sa manipestasyon ng pang-aapi na ginagawa ng gobyerno sa mga
minorya? Kung isasaisip din ang kalagayan din ng bansa at ang mga madugong extrajudicial
killing na nagaganap simula nang umupo si Rodrigo Duterte bilang ang pangulo ng Pilipinas, hindi
rin nakakapagtaka kung gagawin din sa mga pinuno ng mga tribo tulad kung ano ang ginawa kay
Macli-ing Dulag. Si Macli-ing Dulag ang isa sa pinakanirerespektong tao mula sa tribo ng Butbut
na siyang pinapatay noong panahon ni Marcos dahil sa kaniyang paglaban sa gobyerno nang
nagbaak itong ipatayo ang isang hydroelectric power project sa Chico River. Ito naman ay
pinondohan ng World Bank (Bantayog Center, 3-5).
Hindi rin tunay na malulutasan ang naturang kakulangan sa tubig sa Metro Manila sa
pamamagitan ng pagtayo ng dam. Hangga’t walang disiplina ang mga Pilipino sa paggamit nito at
hindi inaayos ang Waste Segregation System, patuloy lang makokontaminado ang katubigan sa
kapuluan at sigurdong patuloy lang paglaki ang demand dito. Anong silbi kung dadagdagan ang
suplay kung mali naman ang paggamit nito? Samakatuwid, patuloy lamang ang problema at uulit
nang uulit lang ito.
Tunay ngang malaki ang suliranin na kinakaharap ng bansa kahit pa ito ay may kinahaharap
na samu’t saring kontrebersiya at mga isyu lalo na’t sa mga pangunahing kagamitan tulad ng tubig.
Sa isang tingin, maaaring Makita natin na ang proyekto bilang isang magandang solusyon. Ngunit,
hindi kailanman nagiging isang solusyon ang solusyon kung lilikha rin ito ng mga suliranin. Hindi
na mabilang sa kamay ang mga kaplpakan na nagagawa sa ating bansa. Huwag na nating dagdaga
pa.
Mga Sanggunian:
Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). “New Centennial Water Source –
Kaliwa Dam Project”. mwss.gov.ph/projects/new-centennial-water-source-kaliwa-dam-project/
Accessed 16 May 2019.
Mogato, Anna Gabriela. “DENR: ‘No Shortuts in ECC application for Kaliwa Dam’.”
Rappler.com, rapler.com/business/225824-no-shortcut s-ecc-application-kaliwa-project-denr
Accessed 16 May 2019.
Bantayog Center. “DULAG, Macli-ing.” Oktubre 2015. bantayog.org/dulag-macli-ing/
Accessed 16 May 2019.

You might also like