You are on page 1of 5

June 24, 2017

What’s in my mind today??? Ang mga estudyante kong parang hilo pa din sa multi-step Income
Statement para sa mga merchandising business!!!

Ano o alin kaya dun ang nagpapahirap sa kanila? Cguro, kc napakarami ng nakasulat…. Sadya nga
namang nakakagulat pag unang kita mo…. Mapapa- OMG ka tlga… o “My goodness, pano ba yan gawin?
Ang haba ng presentation… daming steps… ano kaya ibig sabihin ng mga nakasulat dyan?

Tama ba ako ng analysis? Maaaring npapangiti kita ngaun habang binabasa ito… Hayaan mong tulungan
kitang sagutin ang iyong mga katanungan…

Tingnan ang format ng Multi-Step Income Statement:

Bigla k bang kinabahan? Aba, WAG! Dito ako para ikaw’y tulungan. Isa-isahin natin, paano ng aba ito
ginagawa:

1. Isulat ang heading. (Pangalan ng business, Income Statement, at For the year ended ______)

2. Isulat ang SALES REVENUE, maari ding isulat NET SALES (depende kung anong account
name ang gamit ng business.) Pero anong amounut ang isusulat mo? Paano ba ito kino-
compute?

Para ma-compute ang NET SALES… Sundin ang sumusunod na formula:


Sales xxx
Less: Sales Returns & Allowances xxx
Sales Discount xxx xxx

NET SALES xxx

Ano ba ibig sabihin ng NET SALES? Ito ang iyong kabuuang BENTA pagkatapos mong ibawas ang
lahat ng diskwento at mga produktong isinoli ng buyers mo. Ang halagang ito ay perang nakolekta mo
pagkatapos mong magtinda.(Puhunan + Tubo)

Ganun lang pala un?!!... OO nman! Excited k n ba s susunod na step? Wag n nating patagalin yan!

2. Cost of Sales (merchandising) / Cost of Goods Sold (manufacturing). Ito ang halaga ng iyong
puhunan. D b kanina, alam mo n kung magkano Net Sales mo… Dun sa halagang un, magkano kaya ang
halaga ng puhunan mo o ng iyong Cost of Sales.

Merchandise inventory, beg. xxx


Add: Net cost of Purchases
Purchases xxx
Add: Freight In xxx
Total Goods Delivered xxx
Less: Purchase Returns & Allow. xxx
Purchase Discount xxx xxx xxx
Cost of Goods Available for Sale xxx
Less: Merchandise inventory, end xxx
Cost of Sales xxx

Ang tanong mo ngaun, “Ano b yang mga terms n nanjan, d ko nmn naiintindihan.” Tama ba ko?

Merchandise inventory, beg. – ito ung halaga ng natirang paninda mo kahapon o nung huling
beses n nagkwenta ka.
Net Cost of Purchases – kabuuang halaga ng pinamili mo… na kaya mo binili ay para itinda.

katulad ng Sales returns & allow. at Sales discount, bilang isang

mamimili, pwede k ding magsaoli (Purchase returns & allow.) at

mabigyan ng discount (purchase discount), at dahil binalik mo ito,

ibabawas (less/ deduct) mo ito.

Freight In – ito nman ung gastos sa pagpapadala ng produkto o paninda mo. Di mo nman
cguro bubuhatin mula divisoria pauwi sa inyo ng naglalakad lng.
Ito ay Additional cost… dagdag na halaga para sa mga pinamili
mong produkto. Kung ang pinamili mo (puchases) ay P 10,000, at
sumakay ka ng taxi kasi sandamakmak ung pinamili mo at nagbayad
ka ng 500. Samakatuwid, P 10,000 + 500 = P 10,500 ang Cost of Goods
Delivered mo o halaga ng panindang nahatid/ naiuwi mo. Intyendes???

Cost of Goods Available for Sale – kung isasalin sa Filipino, ito daw ang halaga ng mga panindang
nasa pag-aari mong handa o pwedeng maitinda o maibenta. Translator
lang
ang peg?!! Ano n naman un???

Paano ito iko-compute:

Merchandise inventory, beg. + Net cost of Puchases = CGAS

Ung natirang paninda nung 1 araw DAGDAGN ng pinamili mo ngaun,


yun ang CGAS mo. Ngaun pwede k nga magbenta!

Merchandise inventory, end – pagkatapos ng 1 araw na puspusan at bigay todo mong pagtitinda…
umuwi kang merong natira produkto. Yan nga ung Merchandise
inventory, end na tinatawag. Bilang ng NATIRANG paninda.

Cost of Sales – halaga ng produktong naibenta mo sa puhunang halaga. Paano???

Cost of Goods Available for Sale – Merchandise inventory, end

Gross Profit – ito ang halaga ng kabuuang tinubo mo sa pagbebenta. Eto ang formula, simple lang…

Net Sales – Cost of Sales = Gross Profit

Pagkatapos mong kumita, pag-usapan nman natin ung mga naging gastos mo sa pagtitinda, pagma-
manage ng iyong business. Konti na lng, kaya mo yan… tiwala lang! Simulan n ntin!

Operating expenses – mga gastos sa operation o pagpapatakbo ng negosyo. Nahahati ito sa 2:


Selling Expenses – lahat ng gastos sa pagtitinda, promotion, atbp na may kinalaman sa
Pagtitinda katulad ng salaries & wages (para sa tindera), rent expense
(upa sa pwesto ng tindahan), depreciation expense – store equipment,
etc.

Administrative Expenses –gastos para sa pamamahala ng negosyo… ung mga gastos sa


office. Salaries & wages (para sa mga clerk, supervisor, mngr. etc), rent
expense (upa sa office space), depreciation expense – office
equipment,etc.
Other Operating Income – mga dagdag na kita na walang kinalaman sa linya ng iyong negosyo.
Hal.
Interest income – galing sa investments mo
Dividend Income – investments sa isang corporation
Gain on sale of land – tumubo ka sa pagbebenta mo ng lupa

Other Operating Expense – mga gastos na walang kinalaman sa linya ng iyong negosyo.
Hal.
Loss on sale of land
Loss on sale of equipment

Finance Costs – gastos na patungkol sa lahat ng borrowings o panghihiram o pangungutang ng


mo para matustusan ang patuloy na pagdaloy ng negosyo.
Hal.
Interest expense – umutang k sa banko kya magbabayad k ng interest

Mula dito ay maaari mo ng malaman magkano pa ba ang natitira sa iyong pinagbentahan o ung iyong
Net Sales. Gawin nating mas simple ang formula:

Net sales xxx


Less: Cost of Sales xxx
Gross Profit xxx
Less: Operating Expenses
Selling xxx
Administrative xxx xxx
Add: Other Operating Income xxx
Less: Other Operating Expense ( xxx)
Less: Finance Costs ( xxx)
Net Income xxx

May tanong k p b bes??? Sana ay nakatulong ako sa iyo!!! Madali lang intindihin kung tlagang
gugustuhin! Ikaw p ba, magaling ka… ayaw mo lng maniwala… samahan mo p ng tyaga… magkakaron ka
ng nilaga… s quiz ko next wik, d lng isa kundi 2… kc makaka-100 ka! E d pag nangyari un, NICE ONE na, it’s
OK, it’s ALRIGHT pa.

O xa, paalam na.. salamat sa pagbabasa… naliwanagan k n sana at nawala ang iyong pag-aalala.

Sa uulitin! Kita-kits mga anak!

God bless everyone


Aral mabitii ha?
Mommy Gelay ;-)

You might also like