You are on page 1of 11

Introduksyon

Ayon kay Espliguez(2013) ang kaalaman tungkol sa iba’t-ibang bagay,


personalidad, at kaganapan, sa ating kapaligiran ay mahalaga pati na rin ang mga
impormasyon ay tumatalakay sa isang simpleng bagay. Kadalasan, ang mga nakakalap
nating impormasyon ay nag-mumula sa mga libro, dyaryo, telebisyon, radyo, at mga
sulating pananaliksik.

Ang sulating pananaliksik, ay isinasagawa upang bigyang patunay at


palawakin ang isang napiling paksa. Sa ganitong paraan ay mas naliliwanagan ang
kaisipan ng isang mambabasa at natututo sa nasabing paksa. Makatutulong din ito
upang bigyang linaw at itama ang ilang paksa, kung saan ang nalalaman lamang ng
mga tao tungkol dito ay mga maling sabisabi lamang. Layunin ng artikulong ito na
bigyan ng kaalaman ang mga indibidwal tungkol sa mga suliranin ng isang estudyante
sa pag-aaral.

Edukasyon, sinasaklaw nito ang estado ng pag-aaral ng mga estudyante at


kalidad ng pagtuturo ng mga guro sa isang bansa. Ito ang tumutulong sa isang bansa
upang maging progresibo at maunlad. Ngunit kay raming problemang panlipunan ang
kinakaharap ng ating bansa at isa na nga rito ang Edukasyon. Sa panahon ngayon, kay
rami nang kabataan ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral at ang pangunahing
dahilan nito ay kahirapan na isa pang malaking problemang kinakaharap ng bansang
Pilipinas. Maraming nakaka-impluwensiya sa mga kabataan ngayon. Mga problemang
pampamilya, pampinansiyal, at ang iba’y napapabarkada.

Ang mga impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga impormasyong


nakalap sa internet.

Depinisyon ng mga Katawagan

1. Online game - isang laro ng libangan sa ilang uri ng computer network.Ito ay halos
palaging gumagamit ng Internet o katumbas na teknolohiya, at kung anong teknolohiya
ang mayroon:modem bago ang Internet, at hard wired terminal bago ang modem.

2. Internet - ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng


mga tao sa buong mundo

3. Computer Network - isang koleksiyon ng mga kagamitang metal at mga kompyuter


na pinag-uugnay ng mga kanal na pangkomunikasyon upang makapagbahagi ng mga
mapagkukunan at impormasyon.

4. Website - isang koleksyon ng mga pahinang Web, na tipikal na karaniwan sa isang


partikular na pangalan ng dominyo o sub-domain sa World Wide Web sa Internet.
Iba’t ibang Uri ng Pag-aaral ng Estudyante

Awditori

"Auditory learner" ay isang katagang ginagamit upang ilarawan ang mga estudyanteng
may kakayahang panatilihin ang mga impormasyon ng lubusan kapag ang
impormasyon ay pinagtibay sa pamamagitan ng mga tunog. Ang pamaraan ng pag-
aaral gamit ang pandinig ay maaaring isama o ipares sa anumang bagay mula sa
paggamit ng musika, mga tala na isaulo ang mga listahan, sa paggamit ng mga
recording ng boses o “chants” upang maisaulo ang mga tuntunin ng kasaysayan.

Mas pinipili ng mga estudyanteng “Awditori Learner” na making sa klase at leksyon


kaysa sa bumasa nang iba’t ibang texto o mga mahihirap na bahagi ng isang takdang
babasahin. Maaari silang mahirapan sa pag-analisa at pag-unawa ng isang kabanata
na sumasakop sa isang komplikadong paksa, ngunit pagkatapos nilang mapakinggan
ang karanasan ng lubos ay mauunawaan nila ito kagaya ng pagbigay nito sa isang
panayam sa klase.

Ang mga “Awditori Learners” na mag-aaral ay maaaring magkaroon ng paraang


magaling makatuklas ng tunay na kahulugan ng mga salita ng isang tao sa
pamamagitan ng pakikinig sa mga signal tulad ng mga pagbabago sa tono ng boses.
Kapag nagsasaulo ng isang numero ng telepono ang isang awditori ay malakas nilang
sinasabi ang mga numero at pagkatapos ay alalahanin kung pagkakatunog tunog ng
ang serye ng mga numero upang maalala ang mga ito.

Mga karakteristik ng Isang Awditori

Gustong magbasa nang malakas sa sarili.

Ay hindi natatakot na magsalita sa klase.

Mahilig ang mga oral na Report.

Ay mahusay sa pagpapaliwanag.

Magaling umalala ng mga ngalan.

Nakakapuna sa mga SoundFX sa mga penikula

Inuulit-ulit ang mga bagay na ilang beses habang nakikinig kayo sa ibang tao
magsalita.
Biswal-Spasyal

Ang Mga Biswal-spasyal ay madalas na matututo ng pangkabuuan, sa halip na ayon sa


pagkakasunod-sunod, o sa bahagi. Ang mga mag-aaral ng biswal-spasyal madaling
makita ang malaking larawan ng mga bagay, ngunit maaaring mapalampas ang ibang
mga detalye.

Mga karakteristik ng Isang Biswal-Spasya

pag-iisip lalo na sa mga larawan

mahusay sa pagbasa ng mapa

nangangailangan ng mga ilarawan ng mga salita upang baybayin ang mga ito

gamit ng salagimsim upang lutasin ang mga problema

ang pagkakaroon ng hindi pantay na paksa ang mga marka sa paaralan

Madalas isang late-bloomer

maaaring magkaroon ng malakas na maarte, mekaniko, o teknolohiko talento

Madalas mataas na perfectionistic

Kinestetik

Ang pagkatuto sa pamamagitan ng paggalaw ay isa sa tatlong estilo sa iba't ibang pag-
aaral na binalangkas ni Neil D. Fleming sa kanyang modelong VAK ng pagkatuto. Sa
madaling salita, ang isang mag-aaral na gumagamit ng pagkatuto sa pamamagitan ng
paggalaw ay nangangailangan maging aktibong paggawa ng isang bagay habang
pagkatuto upang na talagang kuha ang materyal na ito. Madalas, yaong mga estilo ng
pagkatuto sa pamamagitan ng paggalaw ay nagkakaroon ng mahirap at mataas na oras
sa pag-aaral ng bagay tulad ng lektyur dahil ang katawan ay hindi gumagawa ng
koneksyon kapag pinakikinggan lamang ito. Kailangan ng maraming oras upang
makakuha at mailagay ang isang bagay sa alaala.

Mga karakteristik ng Isang Kinestetik

Mabuting koordinasyon ng kamay-mata

Mabilis na reaksyon
Napakahusay na memorya ng motor (maaaring gayahin isang bagay matapos gawin
ito isang beses)

Mahusay experimenters

Mabuti sa isports

Nagsasagawa rin sa sining at drama

Mataas na antas ng enerhiya

Mga Ugaling Nakakaapekto sa Pokus sa Pag-aaral

1. Di pagseseryoso ng estudyante sa kanyang pag-aaral

Ilan lamang sa mga mg-aaral ang nag seseryoso sa kanilang pag-aaral, ang
iba naman ay hindi. Ilan sa kanilang dahilan: “tinatamad”, maraming humahadlang sa
kanila katulad ng computer games, panliligaw, walang interest sa pag-aaral, interesado
sa ibang bagay, may problema sa pamilya at kung anu-ano pa. Madalas itong
nangyayari sa mga pampublikong paaralan na mas mababa pa sa section 5 (lima),
ngunit hindi lamang ito nangyayari sa mga pampublikong paaralan dahil nararanasan
din ang ganitong suliranin sa mga pribadong paaralan. Sa pampubliko isa sa mga
dahilan ay ang pagkakaroon ng mga bagay na umaagaw sa kanilang atensyon sa
kanilang pag-aaral at sa parehong pribado at pampubliko ang dahilan nila ay
katamaran.

2. Katamaran sa Pag-aaral

Karamihan na nga sa mga mag-aaral o sa mga estudyante ang tamad at isa


sa kanilang dahilan ay ang mahirap na subject. Ayon sa mga nakalap na impormasyon
sa mga eskwelahan ang pinakamahirap na subject sa kanila ay ang Math. Hindi na
lingid sa kaalaman ng mga guro sa Math ang ganitong sitwasyon. Ayon sa iba’t ibang
opinyon walang mahirap na sabdyek kung pagbubutihan at pag-uukolan ng pansin ang
mga nahihirapang sabdyek ng sino mang estudyante.

3. Mañana Habit

Ang Mañana Habit ay isa sa mga ugaling nakatatak na sa ating mga Pipilino
na karanasang ginagawa din ng isang mag-aaral. Ang Mañana ay galing sa salitang
español na ang ibig sabihin ay bukas. Ito ang tawag sa ugaling “bukas na lang”, ugaling
ipinamana sa atin ng mga español. Ang gawaing ito ay sadyang nakababahala para sa
ating kultura at para na din sa ating mga sarili. Madalas nating ipagpabukas ang mga
bagay na magagawa natin ngayon. Ito ang Pinakamahirap na subject 10% 40% 30%
10% 10% Filipino Math Science English MAPEH/MSEP TLE AP/History CLE Computer
nagiging dahilan kung bakit hindi natin natatapos ang ating gawain sa tamang oras.
Maraming oras ang ating nasasayang. Ang pagsasanay ng isang mag-aaral ng ugaling
ito ay maaring humantong sa pagkahuli nito sa mga gawaing kailangang ipasa at maari
itong makaapekto sa kanyang mga gawi sa pag-aaral.

4. Ningas kugon

Ang níngas kúgon ay tumutukoy sa ugali na madalîng panghinaan ng loob o


mabilis maglaho ang sipag sa ginagawa. May literal na kahulugan itong panandalian at
mabaligtaran ng matagalan. Nagmula ito sa pangyayari na ang kugon ay mabilis
masúnog, lalo na kapag taginit. Mabilis na nagsisiklab ang kugon kapag nadapuan ng
alipato at madaliang nasusúnog ang kahit isang mahabàng hanay nitó.

May mga táo na tulad ng kugon ay mabilis makukuhang lumahok sa isang


magandang proyekto. Sa umpisa, mataas ang sigla nilá. Gayunman, kung ningas
kugon, paglipas lámang ng ilang araw ay nawawalan na silá ng gana at sigasig.
Bumibilis pa ang pagkawala ng gana kapag nakatagpo silá ng problema sa ginagawa.
Ginagamit ng táong ningas kugon ang anumang dahilan para huminto sa proyekto.

Salik na naka aapekto sa pag aaral ng mga estudyante

Adiksyon sa Kompyuter Geyms

Ang online games ay mga laro ng libangan sa ilang uri ng computer network.
Ito ay halos palaging gumagamit ng Internet o katumbas na teknolohiya, at kung anong
teknolohiya ang mayroon. Ang paglawak ng online gaming ay sumasalamin din sa
pangkalahatang pagbabago ng mga network na kompyuter mula sa maliit na lokal na
network sa Internet at ang paglago ng Internet mismo. Ang online games ay maaaring
sumaklaw mula sa simpleng teksto ng laro hanggang sa may kumplikadong grapiko at
virtual na mundo na may maraming manlalaro. Maraming mga online games ay
kadalasang mayroong online na komunidad, na nagpapakita na may malawak na
pakikisalamuha sa kapwa alinsunod sa pang-isahang laro. Sa pagdami ng mga
kabataan na nahuhumaling sa mga online games na malalaro sa iba’t ibang social
networking sites at sa mga sites mismo kung saan madaming malalarong computer
games na lahat ay mahahanap gamit ang internet. Marami sa kabataang ito ang
napapabayaan ang ibat’ ibang aspeto ng kanilang buhay tulad na lamang ang aspetong
sosyal na talaga naming nakakabahala.

Hindi lamang kalusugan at pag-aaral ang naapektuhan kundi pati na rin ang kanilang
aspetong sosyal ay nalalagay din sa alanganan.

Sa akda ni De Castro, 2012 na pinamagatang “Computer Games:


Nakakatulong ba o nakakasira sa pag-aaral?”, tinutukoy na ang computer games ay
nagdudulot ng pagkasugapa o adiksyon sa mga bata. Dahil sa sobrang pagkasugapa
ng mga bata sa computer games nakakalimutan nila ang dapat nilang gawin sa araw na
iyon at nasasayang lang ang kanilang oras sa paggugol doon imbes na bigyang pansin
ang mga makabuluhang bagay katulad na lang ng pag-aaral at pakikisalamuha sa iba.
Sa artikulo ni Silin,2004, na pinamagatang “Online Gaming Addictions”
itinala ng awtor dito ang iba’t ibang sintomas ng adiksyon sa online games pati na rin
ang mismong epekto nito sa mga kabataan. Halimbawa na lamang ng sintomas ay
paggastos ng oras sa pagplay ng laro kung saan sila makagambala sa mga kaibigan,
asawa, pamilya, relasyon at trabaho.

At sa pananaliksik na ginawa ni Bhandary, 2010 na pinamagatang “Net,


Online Games Have Kids Hooked”, tinutukoy na maraming kabuuan ngayon ang
nagiging tamad dahil sa paglalaro ng online games, nagiging tamad na rin silang mag-
aral o tumulong sa mga gawing bahay. Bumababa na rin ang kanilang mga grado dahil
mas pinagtutuunan nila ng pansin ang online games.

Ipinagbabawal na Gamot

Ang pagkalat nito ay isang malaking dagok sa ating lipunan hindi lamang dahil
sa maraming buhay na nawawasak at napipinsala kundi gayundin ang kayamanan/pag-
aari nating nasasayang.

Isa na yata sa pinakamalaking suliranin ng ating bansa ay ang unti-unting


pagkahumaling ng mga kabataan sa bawal na gamot. Sa pagsusumikap na makaiwas
sa mga sariling problema may ilang mga kabataan ang gumagamit ng bawal na gamot.
Ang ilan ding dahilan ay ang pagkamausisa (curiosity), udyok ng mga kasamahan (peer
pressure), di pantay na kalooban (insecurity), pagtakas (escape), pagkainip o
pagkayamot (boredom), pagrerebelde (rebelliousness) at pampalit sa makahulugang
pakikipag-ugnayan.

Ang ipinagbabawal na mga gamot, ilegal na mga droga, inaabusong mga


gamot, o mapanganib na mga gamot ay tumutukoy sa anumang sangkap, hindi kasama
ang tubig at mga pagkain, na nakapagpapabago sa takbo ng kaisipan ng tao at
katawan din ng tao. Maaaring makaapekto ang droga sa isip lamang ng tao o sa
katawan ng tao, subalit maaari ring parehong maapektuhan ang mga ito. Sa
malawakang kahulugan, kinabibilangan ang mga bawal na gamot ng mga produktong
drogang may kapeina, tabako, mga nalalanghap na sangkap o mga inhalante, ang
marihuwana o cannabis, heroina, at mga isteroyd.

Ang droga ay isang kemikal na substance na bumabago sa kondisyon ng


isip o katawan ng isang tao. Maraming nagagawa ng mga drogang produkto ng
modernong medisina. Maaari nilang pabilisin o pahinain ang katawan, magtanggal ng
sakit, iwasan ang pagkabuntis, labanan ang mga impeksiyon, nagpapababa ng
tensiyon, nagpapaikli ng pagtulog at nagpapababa ng appetite.
Mga Pangkat ng Bawal na Gamot

Mayroong mga kapangkatan ang ilegal na mga gamot. Pinagpapangkat-


pangkat ang mga ito ayon sa kanilang pang gitnang sistema ng nerbiyos ng katawan.
Kasama sa pangunahing mga pangkat ng ilegal na mga gamot ang mga pampahina o
depresante

1. Cannabis- ang gamot na makuha mula sa mga dahong tuyo at ang mga bulaklak
ng abaka halaman, na kung saan ay pinausukan o chewed para sa kanyang
psychoactive-aari.
2. Heroina- sa isang semi-gawa ng tao opioid synthesized mula sa morpina, isang
kinopyang ng opyo amapola.
3. Isteoyd- isang terpenoid lipid characterized sa pamamagitan ng isang kalansay
ng carbon na may apat na fused singsing, sa pangkalahatan ay inayos sa isang
6-6-6-5 paraan.
4. Substance- isang uri ng material na may definite composition
5. Appetite- ganang kumain.

(pampakalma), mga pampasigla o estimulante, at mga pampatakbo ng guni-guni o


halusinoheno.

Tinatawag na pampahina, depresante, o pampakalma ang mga gamot na


nakapagpapabagal sa pagtakbo o pag-andar ng panggitnang sistema ng nerbiyos ng
katawan ng tao. Pati na ang pagpapabagal sa pagdadala ng mga mensaheng papunta
at nagmumula sa utak ng tao. Dahil sa gamot na ito, bumabagal ang paghinga at ang
pintig ng puso ng tao. Hindi ito mga gamot na nagpapahina o nagpapalungkot sa isang
tao. Kabilang sa mga illegal na pampahina ang mga marihuwana, 7 hashish, langis ng
hashish, heroina at iba pang mga pampakalma.

Nakakaapekto sa konsentrasyong pang-isipan at koordinasyong


pangkatawan ng tao ang mga pampahina o pampakalma. Nakapagpapabagal ito sa
pagtugon ng tao sa mga hindi inaasahang mga situwasyon. Dahil dito, mapanganib
para sa taong nakainom ng pampahinang gamot ang pagmamaneho. Kapag naghalo
sa katawan ng tao ang iba’t ibang uri ng mga pampahina (tulad ng pinagsamang alak at
marihuwana), mas masidhi ang epekto nito sa tao.
Mga pinsalang dulot ng bawal na gamut

Kasama sa mga kapinsalaang naisasanhi ng mga bawal na gamot ang ukol


sa pagkakaroon ng problema sa katawan, problema o pagtigil sa pag-aaral, sa
kalusugan, sa mga relasyon sa kaibigan, mag-anak, at maging sa pamayanan.
Maidaragdag din dito ang pinsala na nagaganap sa kanyang pamumuhay dahil sa
paggamit ng bawal na gamot, pati na ang sa hanap-buhay, pag-aaral, at akomodasyon.
Humahantong din ang paggamit ng bawal na gamot sa anumang paglabag sa batas ng
tao at lipunan.

6. Estimulante- mga bawal na gamot na panandaliang pagtaas alertness at


kamalayan. Sila ay karaniwang may mas mataas na bahagi-epekto sa mas
mataas na bisa, at ang mas malakas na variants ay kaya madalas resetang
gamot o mga bawal na gamot.
7. Hashish- isang paghahanda ng cannabis binubuo ng mga compressed
trichomes tinipon mula sa cannabis planta. Ito ay nagtataglay ng parehong
aktibong ingredients kundi sa mas mataas concentrations kaysa sa ibang bahagi
ng halaman tulad ng buds o mga dahon.

Dahil sa paggamit ng masasamang gamot, naaapektuhan ang kakayahang magpasiya ng isang tao, at
mas malamang ang paggawa niya ng bagay na mapanganib sa sarili at sa ibang mga tao.

Kalagayan sa buhay at ang mga epekto nito sa pag-aaral

Ayon sa mga sanaysay, aklat, dokumento at iba pa, Ang isang dahilan kung
bakit nagiging malala ang kakulangan ng classrooms at guro sa public schools ay
maraming mga estudyante sa private schools ang lumilipat sa public schools.Sa
ngayon, halos 20 milyon ang mga estudyante mula elementary hanggang high school
sa public school. Tumaas ng 11 porsiyento o may dagdag na mga 2.2 milyon na
estudyante.Ang pinakamalaking dahilan kung bakit lumilipat ang mga estudyante sa
private sa public schools ay kahirapan. Pataas na pataas na ang tuition ngayon sa
private schools dahil sa pagtaas na rin ng lahat na bilihin (Ellen Tordesillas, journalist).

Sinasabi rin sa datos ng Department of Education, 58 lamang sa bawat 100


estudyante na pumapasok sa Grade 1 ang nakatutuntong ng hayskul at 14 lamang sa
mga ito ang nakapagtatapos ng kolehiyo. Sa datos na ito, di maitatago ang katotohanan
na malaki ang problema natin sa edukasyon. Dahil na rin sa kahirapan, hindi
natatamasa ng kabataang Pilipino ang karapatan nila sa edukasyon. Nakasaad mismo
sa Konstitusyon, Artikulo IV Seksiyon I ng 1986 Konstitusyon na “dapat pangalagaan ng
Estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng
antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ang
gayong edukasyon.” Dapat ay bigyan din ng pinakamataas na prayoridad ng
pamahalaan ang edukasyon (Mylene Padua).
Ayon sa National Statistics Office o NSO sa buong kapuluan ay mayroong
34,295,000 na mga estudyanteng nag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan edad
anim hanggang dalawampu’t apat. Sa kabuuang ito, mas malaki ang porsyento sa ilalim
ng pampublikong paaralan. Mga paaralang sinusubaybayan ng pamahalaan at ng
gobyerno. At sa loob ng silid, ang “ratio” ng guro sa estudyante ay 1:42 o isang guro sa
apatnapu’t dalawang estudyante (cyndi18).

KONKLUSYON

Maraming problemang pang-edukasyon ang ating bansa isa na rito ang mga
mag-aaral na may mga mabababang marka at humahantong sa hindi makakapagtapos
ng pag-aaral dahil nga sa kahirapan, pagbibisyo, o kaya’y napupunta sa masamang
landas. May mga kabataan na rin na nagrerebelde dahil sa kakulangan ng atensiyon at
hindi na naaasikaso ng kanilang mga magulang.

Ang uri ng pagkatuto ng isang mag aaral ay mayroong makabuluhang epekto


sa edukasyon ng isang tao. Ang mga ugaling nakasanayan ng isang tao rin ay
mayroong epekto sa kanilang ugali sa eskwelahan o gawain sa eskwelahan. Ito ay
maaring makabuti o makasama sa kanilang pag-aaral kung ito ay isang positibo o
negatibong ugali tulad ng pagiging tamad, ang pagsasawalangbahala, ang hindi
pagbibigay ng atensyon sa mga nahihirapang asignatura at ang pagkakaroon ng
mañana habit at ningas kugon na nangangahulugang pagiging matiyaga lamang sa
mga unang bahagi ngunit nagiging pariwara at pagsasawalang bahala na sa huli.

Ang pakakalulong sa adiksyon sa kompyuter at online games ay


nagkakaroon din ng masamang epekto sa pag-aaral ng isang estudyante. Nakakain ng
online geyms at ng kompyuter ang mga oras na dapat iniluluklok sa pagrerebyu, pag-
aaral at pagsasaulo ng mga leksyon sa klase. Mayroon din itong epekto sa estraktura
ng utak na kung saan humihina ang kapasidad nito at nagiging madaling mapagod.

Ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay maaring mag bunga ng mga s


ng problema sa katawan, problema o pagtigil sa pag-aaral, sa kalusugan, sa mga
relasyon sa kaibigan, mag-anak, at maging sa pamayanan. Ayon din sa mga datos at
pananaliksik ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot ay makadudulot ng masamang
epekto sa pag iisip, lalo na sa memorya at ang pagdidiperensya sa reyalidad at pantasi.

Ang pagtukoy sa mga sanhi na maaring makaapekto sa pag-aaral ng isang


tao o estudyante ay nagbibigay ng magandang impormasyon upang tayo ay magkaroon
ng kamalayan upang tayo ay maka buo ng mga estratihiya upang maiwasan at malipul
ang mga sanhing ito.
A. REKOMENDASYON

Inirerekomenda rin ng mananaliksik na magdagdag ng pamamaraan upang mapuksa o


maiwasan ang mga sanhing ito.

Mga Sanggunian

Cottrell, S. (2001). Teaching Study Skills and Supporting Learning. New York: Palgrave
Macmillan

Hansen, K.H. (1957). High School Teaching. England Cliffs, N.J.: Prentice Hall Inc.

Hutchins, R.M. (1953). The Conflict in Education. New York United States: Harpers and
Brothers

Park, S.J. (1997). Study Orientation and Academic Acheivements of Senior Secondary
Students in Baguio City. Saint Louis University

Pirozzi, R. (1995). Strategies for Reading and Study Skills.Illinois USA: NTC Publishing
Group

Smith, S. (1960). Best Methods of Study. New York: Barnes and Noble Inc.

Woolfok, A.E. (1990). Educational Psychology. New Jersey: Prentice Hall Inc.
Zhang,Y. (2008). Enhancing the Language of Learning Styles Through Innovative
Techniques. Faculty of the Graduate Program College of Education Saint Louis
University

Internet

Cubed, L. (November 9, 2010) The Role of Emotions in Learning, retrieved February


21, 2013

Gitterman, D.P. (June 6, 2011) Building The Effects of Poverty in Academic


Achievement, retrieved February 21, 2013

Hawk T & Shah A. (December 2, 2007) "Using Learning Style Instruments to Enhance
Student Learning, retrieved February 21, 2013

Kelly, M. (April 12, 2012), Understanding and Using Learning Style, retrieved February
21, 2013

Manuel, P. (2010, November 4) B.F.Skinner Behavior Learning Theory, retrieved


February 21, 2013

You might also like