You are on page 1of 2

Sa ating mga guro ng palatutunan para sa isang

espesyal na pagdiriwang na ito, ang aming


pinagpipitagang punong guro, Gng. Mercedes A. Bautista,
ang tagapamuno ng asignaturang Filipino, Gng. Alfpen
Arre at sa mga kapwa ko guro at sa mga magulang na
walang sawang sumusuporta at gumagabay sa kanilang
mga anak. Magandang umaga po sa ating lahat.

Tuwing buwan ng Agosto ay ipinagdiriwang natin ang


Buwan ng Wikang Pambansa, bilang paggunita sa ating
kasaysayan at pagpapahalaga. Naririto tayo ngayon
upang ipakita at bigyan kaganapan ang nasabing
pagdiriwang.

Kung ating babalikan ang ating naging kasaysayan,


masasabing naging mahalagang salik ang wika sa
tagumpay at kabiguan ng ating mga ninuno sa
pakikipaglaban sa mga dayuhang mananakop. Ang
pagkakaroon ng iba’t ibang dayalekto sa ating bansa ay
naging sanhi ng hindi pagkakaunawaan at kawalan ng
pagkakaisa. Kaya't nang maisabatas noong Panahon ng
Komonwelt at pagtibayin ni Dating Pangulong Manuel Luis
Quezon, ang Wikang Filipino bilang Wikang Pambansa na
batay sa wikang Tagalog na siyang pangunahing
dayalekto ng nakararaming pangkat etniko sa Pilipinas, unti
unting na wala ang “language barrier”. Patuloy itong
pinagyaman mula sa pagbabalangkas ng Balarila at
Alpabetong Filipino mula kay Lope K. Santos hanggang sa
pagsasali sa Asignaturang Filipino sa kurikulum ng bawat
paaralan sa bansa sa halip na wikang Kastila, sang-ayon
kina Komisyoner Jose Romero at Dating Kalihim Jorge
Bocobo. Sa kasalukuyan, ang “Rebisyon ng Wikang Filipino”
ay isa sa mga makabuluhang pagbabago sa istruktura ng
ating wikang pambansa, kung saan isinama narito ang
iba’t ibang mga salita buhat sa mga lokal na dayalekto sa
ating bansa, maging ang ilan sa wikang banyaga gayon
din ang “wikang panteknolohiya at pang-henerasyon” na
kung dati’y lalawiganin at pang-gramatika lamang, ay
kasama narito ang mga kolokyal at makabagong “balbal”
tulad ng pagbabaliktad ng mga salita, jejemon at marami
pang iba. Patunay lamang ito na napakamalikhain ng
Wikang Filipino at nagpapahiwatig na ang ating wika ay
umuunlad at buhay.

Sa tulong ng makabagong teknolohiya, at


makabagong paraan ng midya, madaling maituturo sa
bawat Pilipino ang paggamit ng wika. Sa pamamagitan ng
telebisyon at internet, ay natututunan ng mabilis ng mga
kabataan ang pagsasalita ng wikang Filipino. Sa ganitong
paraan, saan mang lupalop ng ating bansa tayo
mapadpad, ay maiintindihan tayo ng ating mga kapwa
Pilipino.

Kaya naman sa taong ito, ang Golden Arch School ay


nakiisa sa buong bansa naipagdiwang ang Buwan ng Wika
na may temang, “Wikang Katutubo: Tungo saI
sangBansang Filipino.” Kaya’t atin pong tunghayan ang
mga natatanging talento ng mga mag- aaral ng Golden
Arch School. Muli Maraming salamat at mabuhay po
tayong lahat!

You might also like