You are on page 1of 4

Parokya ng Birhen ng Fatima- Anabu 2

Gabay sa Pagbabahaginan ng Salita ng Diyos


Ika-26 Linggo sa Karaniwang Panahon
September 29, 2019
Buksan ang Puso’t Isipan sa mga Dukha

I. Pagdarasal ng Santo Rosaryo

II. Awit:

PAG-ALAALA
Bayan, muling magtipon
Awitan ang Panginoon
Sa piging sariwain
Pagliligtas Niya sa atin0

Bayan ating alalahanin


Panahong tayo'y inalipin
Nang ngalan Niya'y ating sambitin
Paanong di tayo lingapin (KORO)

Bayan, walang sawang purihin


Ang Poon nating mahabagin
Bayan, isayaw ang damdamin
Kandili Niya'y ating awitin (KORO)

III. Pambungad na Panalangin

Tanggapin Mo O mapagpatawad at mapagmahal na Diyos itong


isinasagawa naming pagbabahaginan ng kapitbahayan upang aming
pagnilayan ang Iyong mga salita. Gabayan Ninyo po kami upang maging
mabunga ang aming talakayan sa pamamagitan ng Iyong mga aral. Nakikiisa
po kami sa layunin ng Iyong anak na si Hesus para sambahin, dakilain at
pasalamatan sa Kanyang walang hanggang kabutihan. Kung anuman ang
nagawa naming pagkakasala, humihingi po kami ng kapatawaran.
Iniaalay po namin sa Iyo Ama ang mga panalangin na ito, sa matamis na
pangalan ng Iyong Anak na si Hesus, kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen.

IV. Paglalahad ng Paksa

May isang kanta na ang binabanggit, “Minsan lamang ako daraan sa


daigdig na ito, kaya’t anuman ang mabuting maari gawin ko na ngayon, o
anuman kabutihan ang maari kong ipadama, itulot Ninyong magawa ko
ngayon. Ang mga bagay na ito nawa’y huwag ko itong ipagpaliban o
ipagwalang bahala sapagkat hindi na ako muling daraan sa ganitong landas.”
Isinasalarawan ng mensahe hatid ng kanta na ang nilalaman ng
Ebanghelyo ayon sa kwento ni Hesus ay ang mayaman ay hindi nagmalasakit
kay Lazaro na isang pulubi, bagamat may kakayahan naman gawin ito. Dahil
sa kawalan ng malasakit hindi niya nakamit ang gantimpalang makarating sa
kinaroroonan ni Abraham, bagkus ay nahulog siya sa impyerno.

ALELUYA….

V. Pagpapahayag ng Mabuting Balita (Lucas 16:19-31)

Mga kapatid buksan po natin ang ating mga puso’t isipan sa pakikinig ng
Mabuting Balita ayon kay San Lucas, Kabanata 16, talata 1-32.

*Papuri sa Iyo Panginoon

Ang Mabuting Balita ng Panginoon


*Pinupuri ka namin Panginoong Hesukristo

VI. Pagninilay/Pagpapalalim

Itinuturo dito ang uri ng kabanalan sa pamamagitan ng paggawa ng maliit


na bagay para sa kabutihan ng kapwa. Ang “mumog” na binabanggit sa
ebanghelyo ay kumakatawan sa maliit pero mabubuting gawa na kung ating
lamang gagawin sa araw-araw para sa ating kapwa na nangangailangan ay
tiyak na malaking tulong sa kanila. Tulad ni Lazaro na isang dukha na nasa
pintuan ng isang mayaman, na hindi naman naghahangad o humihingi ng
masarap na pagkain ng mayaman, para maitawid ang buhay, umaasa na lang
siya sa mga “mumog” na nalalaglag mula sa lamesa ng mayaman, kung kusa
lang sana ng mayaman na ibibigay ito kay Lazaro ay malaking kaginhawaan
na sa kanya.
Sa kabilang banda, huwag po sana nating isipin na ang karukhaan ni
Lazaro ang nagdala sa Kanya sa langit, hindi ginusto at hindi kagagawan ng
Diyos na mahirap siya, gayunpaman hindi si Lazaro itinulak ng kahirapan
upang gumawa ng masama para lamang mabuhay.
Ang dukha na si Lazaro ay ginamit sa Ebanghelyo upang imulat tayo sa
katotohanang maraming taong naghihirap na dapat tulungan. Ginamit din ang
lalaking mayaman upang imulat ang mga nakakaangat sa buhay na
tungkuling gamitin ang kanilang kayamanan sa pagtulong sa mga higit na
nangangailangan.
Hindi masama ang kayamanan, pero kung ito naman ang dahilan ng
pagkabulag sa pagdurusa ng iba, ito ang pinagmumulan ng iba pang
karahasan dahil kuntento na sila sa buhay, sariling kapakanan na lang nila
ang kanilang nakikita, manhid at walang kamalayan sa anumang nangyayari
sa kapaligiran. Hindi lahat ibig sabihin na mabuti ang maging mahirap o dukha
sapagkat hindi lahat ng dukha ay mabuti at marangal. Ang ibang mga
mahihirap ay tulad din ng mga mayayaman sa kanilang ugali at pananaw.
Nakakalungkot isipin na nangyayari pa rin ngayon na marami pa rin nasanay
sa mararangyang pamumuhay sa kabila ng katotohanan, marami rin naman
ang namumuhay sa kanukhaan at mas madami ding nakakariwasa sa buhay,
ang iba nasanay na tingnan na lang ang mahirap na kalagayan ng
nakakarami at hanggang tingin na lang at awa at wala namang ginagawa para
sa ikabubuti ng dukha.
“Wala naman taong napakahirap upang hindi makapagbigay at wala
namang taong napakayaman para hindi mangailangan.” hindi naman
kailangan na maging mayaman para makapagbigay, kahit mahirap ay maari
ding magbigay sa nangangailangan. Ang mahalaga ay gumawa ng anumang
kabutihan kahit gaano man kaliit, gawin lang ito ng malimit tiyak na kasama
tayo na makakarating sa langit.

VII. Pagbabahaginan:

1. Magbahagi ng karanasan ng pagmamalasakit na ginawa mo sa iyong


kapwa?
2. Ano ang malasakitan ang naganap na sa ating pamayanan?

VIII. Pagsasabuhay

Laging bukas palad sa pagtulong sa kapwa at huwag pairalin ang


pagkamakasarili at kasakiman. Ang magmamalasakit sa kapwa ay
pagkakataon upang maging kawangis tayo ng mapagmalasakit na Diyos.
Nawa’y pagsumikapan nating pairalin ang pagmamalasakitan sa ating
pamayanan.

IX. Panalangin ng kapitbahayan

Dumulog tayo sa Diyos na nagmamalasakit sa mga dukha at mga


mababang loob upang makasunod sa mga halimbawa ni Hesus na may
pusong busilak na walang sawang lumilingap sa mga taong nasasadlak. Ating
hilingin sa Diyos na may pananalig:
*Walang hanggang Ama, manalig kami sa Iyo.

1. Ang mga namumuno sa simbahan nawa’y hindi asamin ang paghanga sa


mundo sa pamamagitan ng karangyaan at kapangyarihan, kundi
magpakumbabang lingkod na abot kamay ang lahat. Manalangin tayo sa
Panginoon.
*Walang hanggang Ama, manalig kami sa Iyo.
2. Ang mga may kapangyarihan nawa’y pakinggan ang mga hinaing ng mga
mahihirap, mabigyan ng hanapbuhay at maayos na tirahan at gamitin ang
kanilang posisyon para sa kabutihan ng lahat. Manalangin tayo sa Panginoon.
*Walang hanggang Ama, manalig kami sa Iyo.
3. Maging tapat nawa ang mga guro sa pagtuturo sa mga kabataan upang
mahubog sa kabutihan, magmahal sa katotohanan, pagtulong sa kapwa, pag-
ibig at pangangalaga sa kalikasan. Manalangin tayo sa Panginoon.
*Walang hanggang Ama, manalig kami sa Iyo.
4. Ang mga nabibigatan sa pagsubok sa buhay, mga dukha, mga may sakit at
may kapansanan, nawa’y madama ang pag-ibig at kalinga ng Diyos sa
pamamagitan natin. Manalangin tayo sa Panginoon.
*Walang hanggang Ama, manalig kami sa Iyo.
5. Ang lahat ng mga yumao, nawa’y masiyahan sa walang hanggang
kaligayahan sa kaharian ng Diyos. Manalangin tayo sa Panginoon.
*Walang hanggang Ama, manalig kami sa Iyo.

Ating awitin o dasalin ang itinuro sa ating ng Diyos na may pananalig..


Ama Namin……

X. Pangwakas na Panalangin

O aming Ama, kasama ang mga Banal na Anghel sa langit, pinupuri at


sinasamba ka namin, pinasasalamatan ka namin sa Iyong walang katapusang
kabutihan sa kabila ng aming mga kakulangan at kasakiman. Turuan Mo po
kaming tulungan ang mga Lazaro sa aming makabagong panahon upang
makihati sa kanilang mga paghihirap. Turuan Mo po kaming makipagkapwa at
matutunan nawa namin mahalin ang mga taong makapagbabalik ng pag-ibig
sa amin. Maging mga buhay sana kaming tagapagpalawig ng Iyong pag-ibig.
Panalangin po namin ito sa Ngalan ni Hesus, kasama Mo at ng Banal na
Espiritu Santo, at sa tulong at gabay ng kabanal-banalang Birheng Maria ng
Fatima na aming Patrona.
Amen.

Awitin: Birhen ng Fatima


Panalangin sa Birhen ng Fatima:

Mahal na Birhen ng Fatima aming lakas at gabay. *Ipanalangin Mo kami.


Pagpalain nawa tayo ng Makapangyarihang Diyos Ama, Anak at Espiritu
Santo.
*Amen.

Mamuhay nawa tayo sa diwa ng buhay ng isang laykong sumasampalataya


kay Kristo.

*Salamat sa Diyos.

You might also like