You are on page 1of 5

YUNIT II – METALINGGWISTIK NA PAGTALAKAY SA WIKANG FILIPINO

Leksyon 3 – Kalikasan at Estruktura ng Wika

Magkakatulad ang lahat ng wika dahil lahat ng taong gumagamit ng wika ay nakapagpapahayag o
nakapagtatalastasan sa paraang nagkakaunawaan sila ng kanilang kagrupo. Ang lahat ng wika ay binubuo ng mga tunog at
sagisag.
Bagamat sinasabing magkakatulad ang mga wika, nagkakaiba naman ang mga ito sa dahilang arbitraryo ang
relasyon ng tunog sa kahulugan ng salita. Upang masabing alam mo ang wika, kinakailangang alam mo ang sistema ng
pag-uugnay ng tunog sa kahulugan.
Lahat ng wika ay pantay-pantay. Walang superior at imperyor na wika. Lahat ng wika ay may kasapatan upang
magkaintindihan ang mga tagapagsalita ng mga ito. Lahat ng wika ay may gramar. Lahat ng wika ay may ponema,
morpema, leksikon, sintaks. Bagamat lahat ng wika ay may gramar, natatangi ang mga ito tulad ng sa wikang Filipino.

Ponema ng Wikang Filipino

Ponema – ang pinakamaliit na yunit ng tunog

Kategorya ng Ponemang Filipino


1. Mga ponemang segmental
2. Mga ponemang suprasegmental

Mga ponemang segmental. Sa pagpasok ng walong letra sa alpabetong Filipino (c, f, j, ñ, q, v, x, z) na dating
wala sa abakada, ang mga letrang fonemik na f, j, v, at z ay malayang nagagamit sa mga pangngalang pambalana bukod sa
mga pangngalang pantangi. Dahil dito, naging bahagi na ang mg aletrang ito ng wikang Filipino na dahilan upang
maragdagan ang ponema. Mula sa dating na 21 na bilang ng ponema, naging 25 na ito – 20 na katinig at 5 na patinig.
Naging bahagi na ang ponemang Filipino ang mga tunog /f/, /j/, /v/, at /z/.

Mga Ponemang Katinig


PUNTO NG ARTIKULASYON
PARAAN NG Panlabi Panlabing Pangngipin Panggilagid Pangngalangala Panlalamunan Impit o
ARTIKULASYON Pangngipin Glotal
Pasara
w.t p t k
m.t b d g ?
m n ƞ
Pasutsot f s h
w.t v z
m.t
Pagilid l
Pakatal r
Malapatinig y w

Mga Ponemang Patinig


BAHAGI NG DILA
Posisyon ng Dila Harap Sentral Likod
Mataas i u
Gitna e o
Mababa a

Mga ponemang suprasegmental. May tatlong ponemang suprasegmental ang Filipino. Ang mga ito ay tono,
diin, at antala. Nagbibigay-kahulugan ang mga ito sa pakikipagkomunikasyon.

Tono. Ito ang pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng pantig ng isang salita.
Halimbawa:
1. I 2. kaw? (hindi sigurado, nagtatanong)
kaw. (may katiyakan) I

Diin. Ito ang haba ng bigkas na iniuukol sa Antala. Ang antala ay isang saglit na pagtigil sa
patinig ng pantig ng isang salita. pagsasalita upang lalong maging malinaw at mabisa
ang kasipang ipinahahayag.
Halimbawa:
Halimbawa:
búkas – sa susunod na araw
bukás – walang takip, hindi sarado 1. Hindi ako ang pumatay//
dága – mahaba at matulis na patalim (Maaaring ibang tao ang pumatay)
dagâ – isang uri ng maliit na hayop 2. Hindi// ako ang pumatay.
(Inamin ng nagsasalita na siya ang pumatay)

Larniel Kathy M. Yu 
Morpema ng Wikang Filipino

Morpema – ang pinakamaliit na yunit ng salita


Tatlong Anyo ng Morpema
1. Mga morpemang salitang-ugat
2. Mga morpemang panlapi
3. Ang morpemang binubuo ng isang ponema

Morpemang salitang-ugat. Payak na salita ang morpemang ito. Walang itong panlapi.
Halimbawa: libro, bata, aral, takbo, lakad, ganda, pangit

Morpemang panlapi. Bagamat may taglay itong kahulugan, hindi naman ito maaaring makapag-isa kaya
tinatawag din itong di-malayang morpema.
Halimbawa: ka- + laro = kalaro

Morpemang binubuo ng isang ponema. Ang ponemang ito ay ang /a/ na laging ikinakabit sa hulihan ng
salitang-ugat na hiniram mula sa wikang Kastila. Ipinakikilala ng ponemang ito ang kasariang pambabae.
Halimbawa: doktor – doktora, senador – senadora, gobernador – gobernadora

Mga Pagbabagong Morpoponemiko


Nagkakaroon ng pagbabago-bago ng anyo ang morpema gawa ng impluwensya ng kaligiran.

Mga Pagbabagong Morpoponemiko


1. Asimilasyon
2. Pagpapalit ng ponema
3. Pagkakaltas ng ponema
4. Paglilipat-diin
5. Metatesis

Asimilasyon. Kung naaasimila ng isang morpema ang tunog ng isa pang morpema, tinatawag itong
asimilasyon. May dalawang uri ng asimilasyon – ang asimilasyong parsyal o di-ganap, at ang asimilasyong ganap.
Sa ikadadali ng pag-unawa dito ay nagbigay ng gabay sina Matute, et al. (1987:19)

PANG- PAM- PAN-


a, e, i, o, u b, p d, l, r, s, t
k, g, h, m, n, ng, w, y
pang-alis pang- + bato = pambato pang- + dilig = pandilig
pang-eroplano pang- + prito = pamprito pang- + linis = panlinis
pangkalikasan pang- + paksiw = pampaksiw pang- + regalo = panregalo
pangwalis pang- + bagyo = pambagyo pang- + tinda = pantinda
= paninda

Pagpapalit ng ponema. Isa itong uri ng pagbabagong morpoponemiko kung saan –


a. Ang d ay nagiging r kung napapagitnaan ng dalawang patinig.
Halimbawa: ma- + dunong = marunong
lakad + -an = lakaran
dagat + ka- -an = karagatan

b. Ang o ay nagiging u kapag nilalagyan ng hulapi.


Halimbawa: tao – tauhan
damo – damuhan
dulo – duluhan

c. Ang –an ay nagiging –han kung nilalagyan ng hulapi ang salitang-ugat na nagtatapos sa patinig at
binibigkas nang malumay o mabilis.
Halimbawa: sara – sarahan
pasa – pasahan
takbo – takbuhan

Pagkakaltas ng ponema. Kapag nilalagyan ng hulapi ang salitangt-ugat ay may nawawalang ponema sa
loob ng salitang-ugat.
Halimbawa: dama + -in = damahin o damhin
sara + -an = sarahan o srahan
takip + -an = takipan o takpan

Paglilipat-diin. Nalilipat ang diin ng salita kapag nilalapian.


Halimbawa: lúto + -an = lutúan
sáma + -an = samáhan o samahán

Larniel Kathy M. Yu 
Metatesis. Nagkakaroon ng pagpapalitan ng ponema sa loob ng salita kapag nilalapian at may nagaganap
ding pagkakaltas ng ponema.
Halimbawa: tanim + -an = taniman o tamnan
atip + -an = atipan o aptan
luto + -in = linuto o niluto

Sintaks – sistema ng pag-uugnay-ugnay ng mga salita upang makabuo ng mga parirala at mga pangungusap.

Pangungusap – salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa. Binubuo ng panaguri at paksa.

Ayos ng Pangungusap Anyo ng Pangungusap


Karaniwang ayos – nauuna ang panaguri kaysa sa paksa
1. Payak
Halimbawa: Nagsusulat ng kwento ang matanda.
2. Tambalan
Panaguri Paksa
3. Hugnayan
4. Langkapan
Di-karaniwang ayos o kabalikang ayos – nauuna ang paksa kaysa sa panaguri
Halimabawa: Ang matanda ay nagsusulat ng kwento.
Paksa Pangawing Panaguri

Leksyon 4 – Ang Alpabeto at Ortograpiyang Filipino

Ang alibata silabaryo ay binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig na binibigkas nang may tunog na /a/
sa hulihan.
Gawa ng impluwensiya ng mga dayuhang Kastila, ang alibata silabaryo ay napalitan ng abakadang
Tagalog. Binubuo ng 20 letra – limang patinig at 15 katinig na binibigkas nang may tunog na /a/ sa dulo. Narito ang 20
letra – a, ba, ka, da, e, ga, ha, i, la, ma, na, nga, o, pa, ra, sa, ta, u, wa, ya. Nalimbag ito sa unang balarilang Tagalog
ni Lope K. Santos noong 1941.
Noong 1971, naidagdag ng SWP ang 11 letra at digrapo na binubuo ng c, ch, f, j, ll, ň, q, rr, v, x, at z.
Binubuo ng 31 letra na pinagyamang alpabeto.
Noong 1987 ay naging 28 letra ang alpabetong Filipino na bibigkasin ayon sa pagbigkas ng alpabetong
Ingles maliban sa may kilay na Ñ na bigkas Kastila.

2014 Edisyon ng Ortograpiyang Pambansa (KWF, 2014)


1. Grafema

Larniel Kathy M. Yu 
2. Pantig at Palapantigan

Larniel Kathy M. Yu 
3. Pagbaybay na Pasalita

Larniel Kathy M. Yu 

You might also like