You are on page 1of 33

Ang Sistema ng

Edukasyon ng mga
Espanyol
Tingnan mo ang
hagdanan ng pagdating
ng iba’t ibang pangkat ng
mga misyonero sa
Pilipinas. Malaki ang
bahaging ginampanan
nila sa sistema ng
edukasyon. Naging
pangunahing
layunin nila ang
pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa bansa.
Upang maisakatuparan ito, nagtatag sila ng iba’t-
ibang paaralan sa bansa.
Anu-ano ang mga paaralang itinatag nila sa
Pilipinas? Paano ang sistema ng edukasyon sa
panahon ng Espayol?
Isa na rin namang paraan ng
mga Espanyol na mahimok ang
mga Pilipino sa Katolisismo ang
edukasyon. Mga religious orders
ang may hawak ng edukasyon.
Aang mga misyonaryong prayleng
ito ay nagpaakilala ng isang
bagong paraan ng pag-aaral na
ang binigyang diin ay ang
pananampalatayang Kristiyano.
Ang unang ginawa ng mga
Espanyol ay ang pagsunog ng
mga tala na ginawa o sinulat ng
ating mga ninuno sa mga dahon
at balat ng punongkahoy. Ang
sabi nila ang mga ito ay
kagagawan ng diyablo. Ang mga
talang sinunog ay pinalitan ng
mga aklat-dasalan at mga
babasahin tungkol sa relihiyong
Katoliko.
PAGBALIK-ARALAN MO
Sabihin kung tama o Mali ang ipinapahayag ng bawat bilang.

1. Sa tahanan unang natutuhan ang


sistema ng edukasyon.
2. May dalawampu’t walong titik ang
alpabetong Pilipino.
3. Inihahanda sa buhay may – asawa at
gawaing – pantahanan ang mga babae.
4. Gumamit ng pluma at makinis na papel
sa pagsulat.
5. Tinuturuan ang mga lalaki ng pag-iigib
ng tubig, pagsibak ng kahoy,
pangangaso, pagsasaka, at iba pa.
PAG-ARALAN MO
Nang dumating ang mga Espanyol sa
ating bansa nagkaroon ng pagbabago ang sistema ng
kanilang edukasyon. Ang di-pormal na edukasyon sa
panahon ng ninuno ay naging pormal. Tingnan mo
ang larawan upang maunawaan mo kung bakit
sinabing ang di pormal na sistema ay naging pormal.
Maraming paaralan ang itinatag
ng iba’t-ibang misyonero sa ating bansa.
Unang naitatag ang mga paaralang parokyal
at ang mga paring misyonero ang naging mga
unang guro. Itinuro dito ang relihiyong
Kristiyanismo, wikang Espanyol, pagsulat,
pagbasa, aritmetika, musika, sining at
paggawa. Ipinasasaulo ang aralin sa mga
mag-aaral maging ang mga dasal.
May mga paaralang itinayo para
sa mga lalaki at babae. Ang unang paaralang
itinatag para sa mga babae ay ang Sta.
Potenciana noong 1589. Ang naitatag naman
para sa lalaki ay ang Kolehiyo ng San Ignacio
sa Maynila noong 1589.
Binigyang diin sa edukasyong
primarya ang pagtuturo ng Doctrina
Kristiyana at mga pagsasanay sa
pagbasa ng alpabetong Espanyol at
wikang Filipino.

Nagtatag din ng mataas na


paaralan o sekondarya upang
maragdagan ang kaalaman ng mga
mag-aaral. Ang relihiyon at wikang Latin
ang itinuro sa halip na wikang Espanyol.
May mga paaralang
bokasyonal na naitatag din layunin
nitong ituro ang iba’t-ibang
karunungan tulad ng pananahi,
paglililok, sining sa pagpipinta at
pagdaragat. Nang naitatag na
paaralan sa pagsasaka noong 1889 sa
Maynila at paaralan sa mga sining at
hanapbuhay sa Pampanga noong
1861.
Nagkaroon din ng mga
pamantasan tulad ng Unibersidad ng
San Ignacio, Nuestra Señora del
Rosario na naging Unibersidad ng
Santo Tomas, at marami pang iba.
Dahil sa pangangailangan ng mga
guro para sa paaralang primarya at
sekondarya o mataas na paaralan,
nagbukas ng mga paaralang normal
para sa mga kalalakihan at
kababaihan.
Mga Paaralang Primarya
Ito ay paaralang parokya na
pinangangasiwaan ng mga kura-
paroko. Ang mga asignaturang
itinuturo sa mga paaralang ito ay
relihiyon, pagsulat, pagbasa,
pagbilang, musika at
paghahanapbuhay. Wikang Kastila
naman ang ginamit sa pagtuturo ng
mga prayle.
Mga Paaralang Sekundaryang
at Pangkolehiyo
Itinatag ang mga paaralang ito
upang maihanda ang mga mag-aaral sa
pagpasok sa mataas na paralan. Ang
mga kasanayang itinuro ay ang banal na
Kasulatan, ang Doctrina Krsitiyana,
Etika, Heogarpiya, mga Balarilang
Kastila at Latin, Matematika, Pilosopiya,
Lohika, Retorika at Panulaan. Kastila
ang ginagamit na wikang panturo. Mga
misyonerong pari ang mga guro sa
paaralang ito.
Ang mga paaralang sekundaryang
itinatag ay ang mga sumusnod:

1. Kolehiyo ng San Ignacio, itinatag


ng mga paring Heswitang prayle
noong 1589 sa Maynila na ngayon ay
kilala bilang Ateneo de Manila;

2. Kolehiyo ng San Ildefeonso,


itinatag ng mga Heswita sa Cebu, na
ngayon ay ang San Carlos
University;
3. Kolehiyo ng San Jose, itinatag
pa rin ng mga Heswita noong
1601;

4. Kolehiyo ng Santo Rosario,


itinatag noong 1611 ng mga
misyoneryong Dominikano na
naging Kolehiyo ng Santo
Tomas noong taong 1655.
Mga Pamantasan
Ang mga nakapagtapos sa
kolehiyo ay maaaring makapagpatuloy
ng pag-aaral sa mga pamantasang
itinatag ng mga prayleng espanyol.
Ang kauna-unahang unibersidad sa
Pilipinas ay ang Unibersidad ng
San Ignacio na itinatag bilang
Kolehiyo ng San Ignacio noong
1589 ng mga Heswita.
Itinatag naman ng mga
Dominikano ang Unibersidad ng
Santo Tomas noong 1655. Ito ay
ang dating Kolehiyo ng Santo
Rosario na itinayo noong 1611. Ang
pamahalaan naman ay nagtayo ng
sariling pamantasan – ang
Unibersidad ng San Felipe noong
1707. Ito ay naging Unibersidad
ng Pilipinas sa taong 1908.
Ang mga kursong ipinagkaloob
ng mga pamantasang ito ay ang
medisina at abogasya. Hindi
nagtagal ay idinagdag ang mga
kursong arkitektura, pagpipinta at
eskultura.
Nagtatag naman ng
paaralang pambabae na may
layuning hubugin maging mabuting
maybahay ang mga kababaihan.
Ang mga asignaturang pinag-
aralan ay ang Doktrina Kristiyana,
Latin, Kastila, Kasaysayan, Musika,
Matematika, Kagandahang-Asal, at
mga Sining Pantahanan.
Mga Paaralang Pambabae
1. Kolehiyo ng Santa Potenciana,
1594
2. Kolehiyo ng Santa Isabel, 1596
3. Beateryo ng Santa Catalina,
1696
4. Kolehiyo ng Santa Rosa, 1750
5. Kolehiyo ng Concordia, 1869
6. Assumption Convent, 1892
Ang lugar ng mga kababaihan sa
lipunan ay higit na napagbuti noong
panahon ng mga Espanyol. Sila ay
iginalang at binigyang karangalan ng
mga kalalakihan. Ang isang dalaga ay
hindi maaaring pumunta sa mga
handaan at sayawan o kahit saan man
na walng kasama. Gayundin kung sila
ay mayroong manliligaw. Ang mga
babae noon ay hindi malayang
makihalubilo sa mga kalalakihan.
Ang mga dalagita ay iniiwan
lamang sa bahay oo kaya sa
paaralan. Ang mga paaralan na
tinatawag na kolehiyo ay
pinangasiwaan ng mga madre. Hindi
sila nakapag-aral sa mga pamantasan
upang mag-aral ng propesyong gaya
ng abogasya, medisina at inhenyeriya.
Tinuruan lamang sila na maging
mabuting asawa at ina sa hinaharap.
Marami ring pumasok sa kumbento
upang maging madre.
Mga Paaralang Normal
Ang paaralang ito ay nagkaloob
ng katibayan sa pagtuturo matapos
makapag-aral dito ng dalawang
taon. Noong 1865, isang paaralang
normal para sa mga lalaki ang
itinatag. Hindi nagtagal ay dumami
ang bilang ng mga paaralang ito at
ang ilan ay binuksan para naman
sa mga kababaihang nais maging
guro.
Mga Paaralang Bayan
Taong 1896 nang itadhana ng batas
ang pagbubukas ng mga paaralanng bayan
na tinustusan ng pamahalaan. Sapilitan
ang pagpasok sa mga paaralang ito at
walang matrikula ang mga mag-aaral.
Pinapangasiwaan ito ng kura-paroko ng
bawat bayan. Ginawang sapilitan ang
pagpasok dito dahil marami sa mga
magulang noon na walang interes na pag-
aralin ang kanilang mga anak. Marami rin
sa mga kabataan ang takot mag-aral.
Ang mga araling pinag-aralan ng
mga batang lalaki ay Kasaysayan ng
Espanya, Heograpiya, Pagsasaka,
Pagsulat. Aritmetika, Doktrina
Kristiyana, Pag-awit at kagandahang-
Asal.

Ang mga batang babae naman ay


tinuruan ng mga Sining Pantahanan
bukod sa Pagsulat, Aritmetika,
Doktrina Kristiyana, Pag-awit at
Kagnadahang-Asal.
Hindi naging matagumpay sa simula
ang pag-aaral ng mga katutubo sa
maraming kadahilanan. Una, may
kalayuan ang mga pamantasan at mga
kolehiyo na matatagpuan lamang sa
malaking bayan o sa kabiserang
lalawigan. Pangalawa, ang mga maykaya
at mga Espanyol lamang ang may
kakayahang pumasok sa mga paaralang
ito. Karamihan pa sa mga ito ay hindi para
sa Pilipino. Binuksan lamang ito sa kanila
noong huling bahagi ng ika-18 siglo. Noon
lamang naipamalas ng mga Pilipino ang
kanilang taglay na katalinuhan.
TANDAAN MO
• Nagkaroon ng pormal na edukasyon
nang dumating ang mga Espanyol sa
bansa.

• Maraming paaralan ang naitatag ng


mga misyonaryo sa ating bansa.

• Nagbukas ng mga paaralang normal


para sa mga lalaki at babae na nais
maging guro.
PAGTATAYA
Isulat ang wastong sagot sa iyong kuwadernong sagutan.

1. Ang mga paaralang parokyal ay


pinamahalaan ng mga
____________.
a. guro
b. kagawad
c. pari
d. sundalo
2. Ang binigyang diin sa edukasyong
primarya ay ang pagtuturo ng
__________.

a. bibliya
b. doctrina cristiana
c. matematika
d. wika
3. Ang sumusunod ang mga
kasanayang bokasyonal maliban sa
isa. Ito ay ang _________.

a. pagpipinta
b. paglililok
c. pagkukulot
d. paggagamot
4. Ang mga paaralang normal ay
itinatag upang sanayin ang mga lalaki
at babae na maging __________.

a. doktor
b. guro
c. nars
d. manananggol
5. Ang sumusunod na pangungusap ay
nagpapatunay na nagkaroon ng pormal na
sistema ng edukasyon sa panahon ng
Español maliban sa isa. Alin ito?

a. nagtatag ng mga pribadong pamprimarya at


sekondarya
b. nagtatag ng mga paaralang normal para sa
mga babae at lalaki na nais maging guro
c. nagtayo ng mga sentrong pangkompyuter
upang maginng makabago ang pagtuturo
d. nagtatag ng mga pamantasan para sa
mataas na antas ng pag-aaral
TAKDANG-ARALIN
1. May pagkakaiba at pagkakatulad ba
ang sistema ng edukasyon sa panahon
ninuno at panahon ng Espanyol?
Ipaliwang ang mga ito.
2. Saan nagkakaiba at nagkakatulad ang
sistema ng edukasyon sa panahon ng
ninuno at panahon ng Espanyol? Isa-
isahin ang mga ito.
3. Nagkaroon ba ng pagbabago ang
edukasyon ng mga ninuno nang
dumating ang mga Espanyol? Ano-ano
ang mga ito?

You might also like