You are on page 1of 1

Ang Ehipto ang pinaka-mataong bansa sa Aprika at sa Gitnang Silangan.

Nakatira ang karamihan ng mga


76 milyong katao ng Ehipto sa hindi hihigit sa isang
kilometro ang layo mula sa pampang nga Ilog Nile (mga
40,000 km²), kung saan dito lamang matatagpuan ang
lupang agrikultural na maaaring mapagtatamnan ng
halaman. Ang disyerto ng Sahara ang malalaking bahagi
ng lupa nito at madalang lamang ang may nakatira. Sa
kasalukuyan, nasa urban ang karamihan ng mga taga-
Ehipto, nakatira sa mga matataong lugar katulad ng
Cairo, ang pinakamalaking lungsod sa Aprika, at
Alexandria.

Lubos na kilala ang Ehipto sa kanyang sinaunang kabihasnan at ilang sa


mga nakakamanghang lumang bantayog, kabilang ang Mga Piramide ng
Giza, ang Templo ng Karnak at ang Lambak ng mga Hari; naglalaman ang
katimogang lungsod ng Luxor ng isang malaking bilang ng mga
lumang artifact. Ngayon, malawak na itinuturing ang Ehipto bilang isang
pangunahing politikal at kultural na sentro ng Arabo at Gitnang
Silangang mga rehiyon.

You might also like