You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV-A CALABARZON
Schools Division of Bacoor City
SENIOR HIGH SCHOOL IN SAN NICHOLAS III
San Nicholas III, Bacoor City

Mga Suliranin sa Pagkuha ng Trabaho ng mga Residente

sa Villa Esperanza, Molino 3, Bacoor City, Cavite

Isang Panimulang Pananaliksik

na Iniharap sa

Kaguruan ng Filipino sa Senior High School

ng City of Bacoor-San Nicholas III

Bilang bahagi ng Pagtupad

sa mga Kinakailangan sa Asignaturang

Filipino sa Piling Larang

Ni:

Gonzales, Aliana C.

GAS 12-C

G. Amado Guerrero Cacdac

Guro

Setyembre 2019
KABANATA 1

Ang Suliranin at Kaligiran Nito

Panimula

Ang trabaho ay isa sa mga pinagkukunan ng pera ng isang tao para sa


kani-kanilang pang-araw-araw na gastusin. Ang kanilang sweldo mula rito ang
nagiging kasangga nila upang mabuhay at buhayin ang kanilang pamilya at upang
tustusan din ang mga pangangailangan nito. Kaya naman napakahalaga para sa
isang mamamayan ang pagkakaroon ng trabaho.

Ayon kay CC (2017), sa kabuuang porsiyento ng populasyon sa bansang


Pilipinas, malaking porsiyento nito ang mga walang hanap-buhay na mga
Pilipino. Ayon sa naging resulta ng isinagawang survey, lumabas na 25.1% ng
populasyon ang walang trabaho ito ay may katumbas na 11.2 milyong
mamamayan.

Ayon kay Escolar, (2017), sa oras na makatapos ng pag-aaral ang isang


estudyante, siya ay maghahanap ng kanyang mapapasukang hanap-buhay.Ngunit
maraming mga humahadlang sa mga bagong graduates sa paghahanap ng trabaho,
ilan sa mga ito ang kawalan ng kumpiyansa nila sa kanilang mga
sarili,kompetisyon at kawalan ng mapapasukang trabaho. Binibigyang
konsiderasyon din nila bilang suliranin ang hindi marunong sa pagsagot sa
interbyu sa pinapasukan, dahil nga bago pa lamang ay wala pa silang karanasan
dito. Bukod sa mga ito, humahadlang din sa kanila ang emosyong maaaring
maramdaman nila sa oras na hindi sila matanggap sa papasukang trabaho.

Sa panahon ngayon ay mahirap na makahanap ng trabaho. Marami na ang


humahadlang sa mga mamamayan upang makapag-apply sa papasukang hanap-
buhay. Pangunahing nagiging suliranin sa pagkuha ng trabaho ay hindi sapat ang
natamong edukasyon ng mamamayan. Mas mahirap para sa isang tao na
maghanap ng trabaho kung hindi sapat ang kaniyang kakayahan at kaalaman.
Nagiging suliranin din sa paghahanap ng trabaho ang patuloy na pag-unlad ng
teknolohiya. Sa ganitong sitwasyon mas nagagamit na ang teknolohiya at mas
umuunti ang demand para sa mga manggagawa. Mas tinatangkilik na ang
paggamit ng teknolohiya gaya ng mga makina dahil maraming nabibigay na
benepisyo ito gaya ng mas napapadali at mas napapabilis ang trabaho kung
ikukumpra sa mga manggagawa na mano-mano.

Ang kawalan at kakulangan ng trabaho ay nagdudulot ng kahirapan sa tao.


Nagiging resulta nito ang pananatili na lamang nila sa bahay, hindi na sila
nagiging produktibo. Ang iba naman ay naghahanap ng kung anu-anong
mapapasukan. Maliit man ang kinikita ay papatusin na para sa pang-araw-araw na
gastusin.

Samu't-saring hadlang ang kahaharapin ng mamamayan sa pagkuha ng


trabaho. Ang mga hadlang na ito ang magsisilbing pagsubok sa kanila. Dahil dito,
mas masusubok ang katatagan ng mamamayan sa paghahanap ng mapapasukang
trabaho.

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang malaman ang mga suliraning


kinakaharap ng mga residente sa pagkuha ng trabaho. Sa pamamagitan ng pag-
aaral na ito, ang bawat suliranin ay mabibigyang pansin at mas mapapalawak ang
kaalaman ukol dito. Susuriin din ang maaaring maging solusyon upang
matugunan ang mga suliranin ng mamamayan sa pagkuha ng trabaho.
Paglalahad ng Suliranin

Nilalayon ng pananaliksik na ito na matukoy ang mga suliranin na


kinakaharap ng mga residente sa Villa Esperanza, Molino 3, Bacoor Cavite sa
pagkuha ng trabaho.

Sinasagot din sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na tiyak na


suliranin.

1. Ano ang demograpikong pagkakakilanlan ng mga respondente batay sa;

1.1.) kasarian,

1.2.) edad, at

1.3.) naabot na edukasyon?

2. Anu-ano ang mga suliranin na kinakaharap ng mga residente sa Villa


Esperanza, Molino 3, Bacoor Cavite sa pagkuha ng trabaho?

3. Batay sa mga nakalap na impormasyon, ano ang maimumungkahing solusyon


upang matulungan ang mga suliranin ng mga respondente sa pagkuha ng
trabaho?

Konseptwal na Balangkas

Sa konseptwal na balangkas ng pag-aaral na ito ay ginamitan ng IPO


Model kung saan ito ay naglalaman ng mga kuwadro ng pinagbatayan (input),
proseso (process) at kinalabasan (output). Sa pinagbatayan o input frame makikita
ang demograpikong pagkakakilanlan ng mga respondente, bahagi din sa frame na
ito ang mga pangungusap patungkol sa mga suliranin ng mga respondent sa
pagkuha ng trabaho, gayundin ang solusyon na maimumungkahi para matulungan
ang mga respondent sa mga suliranin. Sa process frame naman ay makikita ang
metodolohiya o proseso na ginamit ng mananaliksik kung paano makakakuha ng
mga impormasyon. At sa huling bahagi o output frame makikita ang kinalabasan
ng pananaliksik na ito, ang mga kinakaharap na suliranin ng mga respondent kung
bakit sila nahihirapan sa paghahanap ng trabaho.
Paradigma ng Pag-aaral

Ipinapakita ng ilustrasyon sa itaas ang daloy ng pananaliksik na ito. Ang


mananaliksik ay magsasagawa ng sarbey at obserbasyon bilang paraan ng
pangangalap ng mga datos at impormasyon upang malaman ang demograpikong
pagkakakilanlan ng mga respondente ayon sa kanilang edad, kasarian at natamong
edukasyon, anu-ano ang mga suliraning kinakaharap ng mga residente sa pagkuha
ng trabaho at kung ano ang maimumungkahing solusyon ng mananaliksik upang
matugunan ang mga suliranin. Sa huli ay matutuklasan ng mananaliksik ang mga
suliranin na kinakaharap ng mga residente sa Villa Esperanza, Molino 3, Bacoor
Cavite sa pagkuha ng trabaho.
Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay makakuha ng impormasyon


patungkol sa mga suliranin na kinakaharap ng residente sa pagkuha ng trabaho.
Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga sumusunod;

Sa mga Guro: Ang mga impormasyon ay magagamit ng mga guro upang


mailahad sa kanilang mga mag-aaral ang mga suliraning ito at upang mabigyang
kamalayan sa ganitong suliranin.

Sa mga Mag-aaral: Ang mga mag-aaral ay balang araw maghahanap ng


trabaho, sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay maihahanda na sila sa mga
maaaring suliranin na kakaharapin nila sa hinaharap.

Sa Komunidad: Ang pananaliksik na ito ay magkakaroon ng magandang


dulot sa komunidad sapagkat mabibigyan sila ng kamalayan sa kung ano ang mga
humahadlang sa mga residente sa paghahanap ng trabaho. Sa pamamagitan din ng
pananaliksik na ito ay maaari silang magsagawa ng programa o solusyon ukol sa
mga nasabing suliranin.

Sa kapwa Mananaliksik: Makatutulong ang mga impormasyong ito sa


kanilang isinasagawang pananaliksik at upang sa kanilang pag-aaral ay mas
madagdagan pa ang naturang mga kaalaman at impormasyon ukol sa mga
suliraning kinakaharap sa pagkuha ng trabaho.
Saklaw at Delimitasyon

Ang pananaliksik na ito ay nakapokus sa mga residenteng nahihirapang


makahanap ng mapapasukang trabaho o mga residenteng walang trabaho. Ang
mga respondente sa pananaliksik na ito ay ang mga piling residente sa Villa
Esperanza, Molino 3, Bacoor. Ang pananaliksik na ito ay isinagawa sa City of
Bacoor Senior High School-San Nicholas III taong aralin 2019-2020.

Depinisyon ng mga Terminolohiya

Sa tulong ng depinisyon ng mga terminolohiya, mas mauunawaan ang


pananaliksik na ito.

1. Manggagawa

-mga taong may trabahao at tumatanggap ng sweldo.

2. Residente sa Villa Esperanza, Molino 3, Bacoor Cavite

-mga respondente sa pananaliksik na ito. Sa kanila nakatuon ang


isinasagawang pag-aaral.

3. Survey Questionnaire

-gagamiting talasagutan upang makakuha ng mga impormasyon at datos.

4. Sweldo

-perang ginagamit ng mga mamamayan upang may magamit sa kanilang


pang-araw-araw na pangangailangan.

5. Teknolohiya

-sa tulong nito mas napapabilis at napapagaan ang trabaho.

6. Trabaho

-dito ipinapakita at inilalabas ng manggagawa ang kanilang kaalaman at


kakayahan ukol sa isang bagay. Dito kumukuha ng pinansyal para sa
pangangailangan ng tao.

You might also like