You are on page 1of 30

KAGAWARAN NG FILIPINO

Antas Sekondarya-Panuruang Ingles


Chiang Kai Shek College
1274 Padre Algue St. Tondo. Manila

Panuruang Taon 2013-2014

BILANG BAHAGI NG KATUPARAN NG MGA PANGANGAILANGAN PANG-AKADEMIKO


SA ASIGNATURA FILIPINO IV

PAGKILALA SA PAGSASAKRIPSYO NG MGA OFW SA IBANG BANSA


UPANG MATUGUNAN ANG MGA PANGANGAILANGAN NG PAMILYA
SA PATALASTAS NA “OPEN HAPPINESS” NG COCA-COLA: ISANG PAG-AARAL

Sinakiksik para kay

G. JHOVEN JACOB SY
Guro sa Filipino IV

Sinaliksik nina

(4) Dale Aldrich Dy


(16) Rendell Aviel Tiu
IV-2

Marso 3, 2014
A. PANIMULA:

Kapag ang pag-uusapan ay pangingibang bayan, ang unang naiisip ng mga tao ay

Pilipino. Ito marahil ay dahil sa dami ng OFW na nakakalat ngayon sa buong mundo. Ayon sa

tala ng sarvey ng IBON Foundation halos dalawang milyong Pilipino ngayon ang nasalabas ng

Pilipinas na nakarehistro. Kaya naman, hindi nakapagtataka na sa bawat malalaking bansa sa

anim nakontinente ng Pilipinas ay may matatagpuang komunidad ng mga Pilipino. Ayon rin sa

nasabing sarvey, iba-iba ang dahilan ng mga OWF kaya nangingibambayan ang mga ito. ang

iba sa kanila ay nangibambayan dahil sa matinding kawalan ng hanapbuhay sa Pilipinas,

samantalang ang marami sa kanila ay nangibambayan upang hanapin ang kanilang kapalaran

sa ibang bayan nang walang kasiguraduhan kung may mapapasukan ba silang trabaho o wala.

Hindi rin nakapagtataka kung bakit dumarami ang bilang ng mga napagsasamantalahang OFW

sapagkat ang marami sa mga ito ay hindi naman nakapag-aral at marami rin sa kanila ay hindi

marunong magbasa o magsulat.

Dahil sa usaping ito, ang Kumpanya ng Coca Cola Corp. at ng San Mig Incorporated ay

lumikha ng isang patalastas na tumatalakay sa ilang usapin ng mga OFW’s na Pilipino. Kilala

ang Coca Cola bilang isang kompanya na nagbebenta ng inuming pampalamig. Itinatag ito

noong Marso 27, 1944 sa pangunguna ni John Pemberton at inirehistro sa Amerika. Nagsimula

ito sa Atlanta Georga bilang isang tindahan ng carbonated na inumin at napalawak ang

negosyong ito hanggang sa tumawid ng dagat at magbenta ng iba’t ibang flavor ng inumin.

Sa Pilipinas, ang Coke ay dinala ng Coca-Cola Bottlers Philippines, Inc. (CCBPI) noong

1981. Ngunit noong 1997, ang Coke ay binili ng San Miguel Corp. at isinama ito sa Australia-

based Coca-Cola Amatil Limited (CCA) kaya’t lalong lumakas ang kompanyan at nasama sa top

100 corp. ng bansa.

Bilang isa sa primyadong kompanya sa panahong ito, ang Coke ay lumilikha rin ng mga

patalastas na dekalidad at tumaalakay sa mga usaping panlipunan. Ang isa sa mga patalasta

na ito ay “Open Happinest Coca cola-OFW’S” na tumatalakay sa tatlong OFW na hindi makauwi
ng Pilipinas dahil sa kawalan ng perang ipapamasahe pauwi o di naman kaya ay dahil sa

pagtitipid bunga ng mga nakaambang babayarin gaya ng bahay, matrikula, at gamot ng amang

may sakit sa mata. Ipinakita sa patalastas ang halaga ng kulturang Pilipino tungkol sa matibay

na pagsasama-sama ng pamilya gaano man kalayo ang isang miyembro nito. Pinatingkad rin

sa patalastas na ito ang pagsasakripisyo ng mga OFW’s na hindi kumakain o namamasyal para

makapagpadala lamang ng salapi sa mga pamilyang nasa Pilipinas. Ang iba sa mga ito ay hindi

umuuwi ng bansa sapagkat tinitipid ang salapi sa halip na ipamasahe pauwi ay ipadadala na

lamang sa mga kapamilya.

B. PAGLALAHAD NG SULIRANIN:

Mula sa patalastas na “OPEN HAPPINESS” NG Coca-Cola Corp. minabuti ng

mananaliksik na bigyan ng malaking pansin ng mga suliranin ng mga OFW’s na mapapanuod

sa sinasabing patalastas. Namasid sa patalastas na itu ang suliranin hinggil sa kahirapan ng

mga OFW’s sa paghahanap buhay at pagtitiis sa kalungkutan laban sa dolyar na kikitain upang

maipanggastos sa pamilya. Ang ilan sa kanila ay hindi umuuwi ng Pilipinas ng may mahigit

walong taon na sa pagkat ang kanyang mga anak at asawa ay sakanya lamang umaasa.

Bamagat hindi ipinakita ang pagkasira ng pamilya sa patalastas ay hindi maitatanggi na

maaring bumangon ang suliraning moral sa pagitan ng mag-asawa.

Gayunpaman, ipinakita sa patalastas ang katatagal ng pamilya na nanatiling

magkakasama bunga ng paguwi ng isang miyembro ng pamilya mula sa ibang bansa. Kapansin

pansin din ang labis na init na pagmamahal na ipinakita ng pamilya sa pagsalubong sa kanilang

kamag-anak na dumating mula sa ibang bansa. Natanong ang isang miyembro ng pamilya kung

namimiss ba niya ang kaniyang na OFW at sumagot ang anak nang oo ngunit hindi nabakas

ang kasiguruhan ng sagot ng bata. Makikita ang ganitong suliranin sa mga kwento ng mga

OFW’s na sila ay hindi nakikilala ng sarili nilang anak o asawa.


Dahil dito ang mananaliksik ay minabuting bigyan ng isang pag-aaral ang suliranin

bumangon.

C.LAYUNIN NG PAGAARAL:

Ang pangkahalatang layunin ng pagaaral na ito ay suriin ang patalastas na “OPEN

HAPPINESS-OFW’s” ng Coca-Cola Corp. na nagpapakita ng nagpapahalaga sa sakripisyo ng

mga OFW’s na nagtratrabaho sa ibang bansa upang mabuhay ang pamilya at masigurado ang

kinabukasan ng kanyang mga kamag-anak.

Sasagutin ng pagaaral na ito ang mga sumusunod na tanong:

1. Pagpapakita sa patalastas ng paghihirap ng mga OFW’s sa ibang bansa

A.Paano pinahalagan ng Coca-Cola ang paghihirap at pagsasakripisyo ng mga

OFW?

B.Anu-Ano ang naitutulong sa pamilya ng pagkakaroon ng miyembro na

nagtratrabho sa ibang bansa?

2. Mga sanhi ng patuloy ng pagtaas ng bilang ng mga manggawang nangingibang

bansa

A.Bakit napipiltan ang mga Pilipino na makpagsapalaran sa ibang bansa?

B. Ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto sa pamilya at sa bansa ng

pagkakaroon ng OFW?

3. Pagiging epektibo sa manunuod ng patalastas

A.May natutunan ba ang mga manunuod sa patalastas?

B.Dahil sa patalastas nahikayat ba ang mga manunuod na bumili ng produkto?

D. KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL:

Ang pag-aaral na ito ay mahalaga sa mga mag-aaral na makita ang mga paghihirap na

dinaranas ng kanilang mga magulang na nangingibbang bansa nang sa ganoon ay mas


pagsikapan pa nila ang kanilang pag-aaral. Ito din ay mahalaga sa mga guro sapagkaat ito ay

maari nilang maituro sa kanilang mag-aaral bilang isang magandang paksa tungkol sa mga

nangingibang bansa.

Mahalaga rin ang pag-aaral na ito para sa mga mananaliksik sapagkat nakapgmumulat

ang pag-aaral na ito na mga usapin hinggil sa kahirapan, relasyon ng pamilya, suliraning

pangkabuhayan at relasyong moral sa kasapi ng mga pamilya. Mahalaga rin ang sistema ng

pagbuo ng pag-aaral na ito bilang huwaran ng susunod na magsasaliksik tungkol sa paksang

ito.

Samantala mahalaga rin sa guro ang pag-aaral nito sapagkat madaling makikita ang

mga kahinaan at kalaksan ng mga mag-aaral na kumukuha ngayon ng pananaliksik.

Mabibigyang pansin rin ang mga kahinaan sa pagaanalisa ng mga mag-aaral kaya

makakatulong ito sa mga guro na bumuo ng bagong estilo sa pagtuturo.


E. BATAYANG KONSEPTWAL

Pagpili ng komersyal Pag-iisa-isa sa mga Pagbuo ng mga tanong


ng mga mag-aaral pagpapahalagang hinggil sa suliraning
makikita sa komersyal nakita

Pagbuo ng Pamagat Pagpapasagot ng Pagbabalida sa sarvey


isangh sarvey

Paghahanap ng Pagtatala ng mga Pagaanalisa ng mga


impormasyon datos datos

Pagbuo ng konklusyon Pagbuo ng


Rekomendasyon
F.SAKLAW AT LIMITASYON:

Ang lawak at limitasyon ng pananaliksik na ito ay pagpapahlaga sa kalayaan ng OFW.

Saklaw din nito ang mga mag-aaral ng Visendos na siyang pagkukuha ng servey ukol sa mga

tatanungin ng mga mananalikssik sa kanilang pag-aaral. Sakop din nito ang internet na siyang

pinagkuhaan ng patalastas mula sa Coca-Cola.

G.KAHULUGAN NG MGA TERMENOLOHIYA:

Ang mga sumusunod na katawagan ay ipaliliwanag ng mga mananaliksik nito upang

higit na makatulong sa mga mambabasa.

1. Australia-based Coca-Cola Amatil Limited (CCA) Branch

ng Coca Cola sa Australia na nagdala ng produktong Coke sa

Pilipinas

2. Coca Cola Corp. Isang Kompanyang itinitag noong 1941 ni

John Pemberton na nagbebenta ng mga inumin pangpalamig

3. IBON Foundation Isang organisation na nagsasagwa ng

sarbey hinggil sa mga paksang napapanahon at panlipunan.

4. OFW (Overseas Filipino Workers) ang mga pilipinong

nagtratrabaho sa iba’t ibang bansa para buhayin ang kanilang

pamilya

5. Patalastas Ang patalastas ay isang pananaliksik upang higit

pang mahikayat ang mga tao

6. San Miguel Incorporated Isang kompanyang

nagbebenta ng mga bote sa iba pang kompanyang pang inumin

sa Pilipinas
Kabanatang II

Kaugnay na pagaaral at literatura

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa mga kaugnay na pag-aaral at literatura hinggil sa

paksang pagpapahalaga sa mga OFW’s

A. Kaugnay na Pag-aaral:

Sa isang pananaliksik na ginawa ng McCann-Erickson Philippines,"Portrait of the Filipino

as Youth," nalalamang 32% ng 500 kabataan mula sapamilya sa Metro Manila na nakapanayam

ay wala ang isa (nanay o tatay) odalawang magulang (nanay at tatay) sa tahanan. At sa 58% ng

mga kabataangmay nanay at tatay, 69% sa kanila ay may mga nanay na may trabaho sa

labasng bahay. Marahil marami sa mga magulang ay overseas workers. (Dy, 1994)Nagdaos ng

isang pag-aaral ang Scalabrini Migration Center noong 2003,ang

2003 Children and Families Studies.

Mula sa nabanggit na pag-aaral, lumalabas ang mga datos, batay sa mga batang may

edad 10 -12. Ang mgabatang ito ay kabilang sa mga sumusunod na pamilya:

NM - mga batang hindi OFW ang mga magulang

MM -mga batang OFW ang ina

FL – mga batang sa OFW ang mga ama

FS –mga batangseafarers o nagtatrabaho sa barko ang mga ama

BP- mga batang nagtatrabaho pareho ang mga magulang.

(http://www.smc.org.ph/heartsapart/chapter2.htm)
Ayon naman sa pag-aaral na ginawa ni Jonathan Louis Herbolario na may pamagat na

“The Relationship of Single Parent Familyhood and Two ParentFamilyhood on School Discipline

and Academic Performance”, lumalabas namas disiplinado ang mga batang lumaki sa tahanang

buo ang pamilya kaysa samga batang lumaki sa mga sirang tahanan. Ngunit walang

makabuluhangpagkakaubo sa bilang nito. Base naman sa usapin sa perpormans ng mga mag-

aaral, ang mga mag-aaral ay hindi apektado ng mga sirang tahanan sa kanilangpag-aaral.

Isinasaad din na ang mga parehong magulang ay hindi nagkukulang olumiliban sa mga

obligasyon sa eskuwelang dapat nilang punan. Ang pag-aaralna ito ay ginawa sa 400 mag-aaral

ng Saint Louis University Laboratory HighSchool sa 1994-1995.

(http://dspace.slu.edu.ph/handle/123456789/122)

B. kaugnay na Literatura:

1. Lokal:

Marami Pilipino ay nagtratrabaho sa iba’t ibang bansa dahil sa kakulangan ng pera sa

kanilang pamilya, upang masolusyon ang suliranin sila’y magtratrabho sa ibang bansa.

Ayon sa MabuhayCity.Com noong nakaraang taon, ang opisyal na dami ng OFW

remittances umabot sa US $ 14400000000, Higit sa 10 porsyento ng GDP ng bansa. Ang

Pilipinas ngayon ang ikatlo sa mundo pinakamtaas ng pagpadala ng bayad-tatanggap bansa

pagkatapos Indya at Mexico.

Ayon kay Nathalie Blanco sa kanyang Artikulong 2013 Artikulong Krusada: Bayani ng

Pamilya(2012). Kung tatanungin ang mga Overseas Filipino Workers matatag tayong mga

Pilipino. Maaring may mga kwento ng kalungkutan, Pero sa kabila nito, Marami rin namn ang

mga kwento ng tagumpay. “Mpapanood ang Krusada: “Bayani ng Pamilya”, Ulat ni Henry

Omaga-Diaz sa ika-13 ng Setyembre, 9:15pm ng gabi sa DZMM Teleradyo (Sky Cable Channel

26) at pagkatapos ng Bandila sa Channel 2. Mapapanuod namn ang replay nito sa Setyembre

15 (Sabado), 1:30pm ng Ha[pn sa ANC.


Gayunpaman, hindi nangangahulugang lahat ng mga batang palaki ngsolong magulang

ay babagsak sa pare-parehong kapalaran. Maaaringmagkaroon ng pagkakaiba-iba ayon sa

sitwasyon. Ang mga batang naninirahankasama ng nabyudang ina ay magkakaroon ng ibang

karanasan sa mga batangnaghiwalay ang mga magulang o hindi kinasal depende sa

kasunduang napag-usapan ng dalawang kampo. Mayroon ding mga taong nahuhubog ng

maayos,nakatatapos ng pag-aaral at lumalaking may mabuting relasyon sa kapwa sakabila ng

mga pagsubok na dinaranas sa pagkakaroon ng single-parentfamilies.

2 Global:

Ayon kay Campbell, 1932,ang nasirang tahanan ay tinukoy bilang anumang tahanan na

kung saanang isa o parehong mga magulang ay hindi nakatira kasama ang bata sa

isangnormal na relasyon ng pamilya. Ang paghihiwalay ay maaaring dahil sakamatayan,

diborsiyo, desersyon, o anumang iba pang mga dahilan. kung angisang abnormal na bahay ay

isang permanenteng epekto sa mga bata, angkakayahan ng gawin ang kanyang mga gawain sa

paaralan, ito ay dapat namakikita kapag ang tagumpay ng mga bata mula sa naturang isang

kapaligirankumpara sa tagumpay ng mga bata na nanggagaling mula sa isang normal

napamilya. (Campbell, 1932)

Ayon naman kay Mc Linn 1985, mayroon ding mga negatibong epekto sa mga bata ang

pagkamulat sahiwalay na pamilya o broken family. Sinasabi ng mga siyentipikong higit na

marami ang mga nagiging suliranin sa mga batang pinalaki ng single parentskaysa sa mga

batang ginabayan ng parehong magulang. Ang mga hindimabubuting bunga ay ang

pagkakaroon ng mas mataas na tyansya ng mgasumusunod: hindi pagtatapos ng pag-aaral,

sinasadyang pagtigil sa pag-aaral,pakikipagtalo sa magulang, pakikipagtalik at pagbubuntis ng

maaga, pagkalulongsa droga at alak, pagsali sa mga gang, pangangailangan ng tulong ukol sa

mgaproblemang emosyonal, paggawa ng krimen, pagkitil ng sariling buhay at sahinaharap,


pakikipaghiwalay rin sa asawa. Ginagawa nila ang mga ito dahil angitinatatak nila sa isipan nila

ay wala nang nagmamahal sa kanila at wala nanghalaga ang kanilang buhay.

Ayon kay Will, 2003, maraming negatibo at positibong epekto ang mga OFW. Ayon kay

Lara Angela Magulta ang mga positibong epekto ay nagbigay ng tao sa Pilipinas na magkaroon

ng pagkakataon upang magtrabaho sa ibang bansa. May problema sa kakulangan ng mga

trabho sa Pilipinas ngayon, At sa pamamagitan ng globalization, Higit pa at higit pang mga

Pilipino Nakakuha ng pagkakataon na magkaroon ng kanilang sariling mga trabaho. (OFW)

kung bakit nila pinipiling umalis ng Pilipinas upang makapagtrabaho sa abroad, Halos iisa

lamang ang isasagot nila, Para matulungan ang pamilya at makapagpundar ng pera para sa

kanilang pangangailangan. Sa kasalukuyan, Halos 15 milyon na angg mga OFW na nagsisikap

upang makamit ang kanilang mga pangarap. Ngunit marami sa kanila, Sa kabila ng matagal na

pagkakawalay sa pamilya para kumita ng malaki, Umuuwi pa rin sa Pilipinas na walang

nakakamit na pag-asenso.

Ayon sa ATKHA, Isang non-government organization na nagbibigay-serbisyo sa mga

pangangailangan ng mga OFW, 30% lang sakanila ang talagang naiaahon ang pamilya. Hindi

kasi sapat na malaki lang ang sweldo kailangan matuto rin kung paano hahawakan ang pera.

Kamakailan lang, Binisita ni Henry Omaga-Diaz ang mga OFW sa Iqaluit, Northern Canada.

Personal niyang dinokumento ang kanilang mga kwento at pati na rin ang kanilang mga kwento

at pati na rin ang kanilang pamumuhay sa Arctic Region. Isa sa mga OFW doon si Boonie

Berzamina, Dating caregiver at ngayon ay staff sa isang pharmacy. Dahil sa kanyang

pagpupursige sa buhay, Napagtapos niya ang kanyang mga kapatid at nakabili na din ng bahay

sa Pilipinas. Magkakaroon na rin ng sariling negosyo sa Canada. Pinuntahan din ng Krusada

ang pamilya ni Bonnie sa Davao. Para sa mga magulang niya, Mahirap ang mawalay sa

kanilang anak pero malaki ang pagsasalamat nila sa sakripisyo ni Boonie. Kaya naman

sinusuklian nila siya ng matinding suporta. Paano kaya ito nagawa ni Boonie? Ano nga ba ang

dapat gawin sa isang OFW at ng kanyang pamilya upang hindi mappunta sa wala ang kanyang
mga sakripisyo? Ano nga ba ang tunay na kahulugan ng tagumpay? Para kay Henry, Mahalaga

ang maipakita ang mga kwenatong tulad ng kay boonie upang kapulutan ng aral at upang

magsilbing inspirasyon din sa iba pang mga OFW. “Kahit saan mang sulok ng mundo, Kilala sa

pagiging masipag.

KABANATA III

PAMARAAN NG PAG-AARAL AT PAGSUSURI NG DATOS

I. PAMARAAN NG PAG-AARAL
A. PAGPILI NG PAKSA
Nagsimula ang proseso ng pananaliksik na ito sa paghahanap ng

mga mag-aaral ng patalastas na susuriin. Pinagtuunan ng pansin ng mga

mananaliksik ang pagpili ng paksa. Naghanap ang mga mananaliksik ng

paksa na maaring gamitin sa pananaliksik na ito sa pamamagitan ng

panonood ng iba’t ibang patalastas na hindi masyadong nabibigyang

pansin ngunit kapupulutan ng mga mensaheng nagtuturo ng kabutihan

asal. Sapagkat ang napili ng mga mananaliksik na patalastas ay Open

Happiness – OFW’s ng Coca cola Corp. , binigyang tuon sa pag-aaral na

ito ang mga pagsasakripisyo ng mga OFW’s.

B. PAGPAPATIBAY NG PAKSA
Pangunahing sangkap ng pagpapatibay ng paksa ang pagkalap ng

mga impormasyon at pagsang-ayon ng gurong tagapayo. Upang

mapatibay ang paksang napili, lumikom ang mananaliksik ng iba’t ibang

esensyal na datos na nagmula sa mga pahayagan, aklat, magazine at

internet. Ang mga impormasyong ito ay nakatulong sa pananaliksik na

isinagawa ng mga mananaliksik. Nagawa ng sarbey ang mga


mananaliksik sa mga mag-aaral ng ikaapat na taon pangkat dalawa ng

Chiang Kai Shek College upang makakuha ng mga impormasyon ukol sa

paksa.

C. PAGBUO NG LAYUNIN
Bumuo ang mga mananaliksik ng mga tanong na gagabay sa pag-

aaral na ito at sa mga mambabasa tungkol sa lalamanin ng paksang

tatalakayin. Ang mga layunin ay ginabayan ng mga datos na nakalap ng

mga mananaliksik.
D. PAGSASAAYOS NG MGA NAKALAP NA DATOS
Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik ay isinaayos sa

paraang pagbubukod ng mga impormasyon batay sa pinagkuhaang

source. Ang mga panglokal at pangglobal ay binukod ng mga

mananaliksik upang maging malinaw ang mga idea.


E. PAGBUO NG PAMAGAT
Ang mga mananaliksik nito ay bumuo ng pamagat sa pamamgitan

ng resulta ng pagsusuri at pag-aapruba ng gurong tagapayo sa patalastas

na inihain ng mga mananaliksik. Ang layunin rin ay naging batayan sa

pagpili ng pamagat. Ang kinalabasan ng pamagat ay “PAGKILALA SA

PAGSASAKRIPSYO NG MGA OFW SA IBANG BANSA UPANG

MATUGUNAN ANG MGA PANGANGAILANGAN NG PAMILYA SA

PATALASTAS NA “OPEN HAPPINESS” NG COCA-COLA: ISANG PAG-

AARAL”

F. PAGBUO NG KABANATA I
1. PANIMULA
Ang pananaliksik na ito ay sinimulan sa pagtalakay sa suliraning

panlipunan ng mga OFW’s at paglilinaw sa mga kahirapang nararanasan


ng mga ito. Binigyang pansin rin sa panimula ang kompanya ng Coca cola

at kasaysayan nito kung paano nagsimula sa Pilipinas. Pagkatapos ay

nilinaw ang mga susuriin sa patalastas at ipinakilala ang suliranin


2. PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Sapagkat ang napiling patalastas ay nagpapakita ng mga suliraning

panlipunan, inisa-isa ang mga problemang ito sa pamamagitan ng

pagbibigay ng mga tanong hinggil sa suliraning binibigyang diin sa

pananaliksik na ito.
3. LAWAK AT LIMITASYON
Tinitiyak sa pag-aaral na ito ang tanging lawak lamang ng

pananaliksik at sasaklawin ng mga impormasyong nakalap ng mga

mananaliksik. Inalis ang mga bahaging hindi tatalakayin at nagtanggi ang

mga mananaliksik sa mga bahaging hindi bibigyang tuon ng pananaliksik.

4. KAHALAGAHAN NG PAG – AARAL


Inilahad sa bahaging ito ang kahalagahan ng pananaliksik sa mga

mambabasa tulad ng guro,estudyante at mamayaman. Nilinaw sa

bahaging ito ang makikinabang sa pag-aaral na ito.


5. KATUTURAN NG MGA KATAWAGAN
Upang ang pananaliksik na ito ay maging madali sa mga

mambabasa, inisa-isa ang mga terminolohiyang mahirap maunawaan sa

bahaging ito.
G. PAGBUO NG TSAPTER II
Ang mga mananaliksik ay naghanap ng mga datos sa aklatan

upang mapunan ang mga impormasyong hinahanap at kakailanganin sa

pananaliksik na ito. Kumalap ang mga mananaliksik ng mga impormasyon

sa pahayagan, aklat, magasin at internet. Inisa-isa rin ng mga

mananaliksik ang iba pang pag-aaral na isinagawa na kapareho ring

paksa.
H. PAGBUO NG TSAPTER III
Inisa-isa ang prosesong isinagawa ng pananaliksik sa bahaging ito.

Ang pagsasagawa ng sarbey at pagbuo ng mga tanong at pagpili ng

paksa ay nilinaw sa bahaging ito kung paano binuo ng mga mananaliksik.


I. PAGSUSURI NG DATOS
Sa tulong ng mga datos na kinalap ng mga mananaliksik, ang mga

tanong na binuo ay masasagot upang mapaglinaw ang kalalabasan ng

pag-aaral na ito.

II. PAGSUSURI NG DATOS

1. Pagpapakita sa patalastas ng paghihirap ng mga OFW’s sa ibang bansa

A.Paano pinahalagan ng Coca-Cola ang paghihirap at pagsasakripisyo ng mga

OFW?

Ang patalasta ng Coke ay nagpakita ng bahaging pagpapasaya sa mga OFW’s

sa pamamagitan ng pagbibigay ng pagkakataon sa mga ito na makasamang muli

ang mga mahal sa buhay ng mga nabanggit na OFW’s. Inisa-isa ang mga suliraning

kinaharap ng mga ito at tinukoy ang mga naging sanhi ng pagbangon ng mga

suliranin.

B.Anu-Ano ang naitutulong sa pamilya ng pagkakaroon ng miyembro na

nagtratrabho sa ibang bansa?

Ayon kay Brillantes, ang mabuting epekto ng pangingibangbansa ay: uunlad ang

pangpinansyal na stado ng pamilya. Makakapag-aral ang mga anak sa isang

pribadong eskwelahan. Makakakain nang tama at masustansya ang pamilya. May

kontribusyon ang OFW sa kita ng dolyar ng bansa.


Samantala, may mga di mabuting epekto ang pangingibangbansa dahil sa iisa

lang ang gumagabay sa mga bata at maaaring mapariwara ang buhay ng mga bata.

Puwdeng mauwi sa broken family ang pamilya dahil sa tukso ng pangungulila ng

mag asawa.

Gayunman, maaaring maiwasan ang masamang epekto ng pagiging OFW kung

pagkatapos pa lang sa kolehiyo ay aasikasuhin na ang mga papeles upang

makapagtrabaho sa ibang bansa. Minsan lang tayo magiging binata o dalaga kaya

dapat itong samantalahin. Mag-ipon ng kalahati ng iyong kinikita para pagkatapos ng

10 o higit pang taon, pwede nang umuwi sa Pinas, mag-asawa, at magsimula ng

bagong buhay. May matatag na trabaho si mister, may negosyo naman si misis, sa

gayon, buo ang pamilya na hindi kinakapos sa pera.

2. Mga sanhi ng patuloy ng pagtaas ng bilang ng mga manggawang nangingibang

bansa

A.Bakit napipiltan ang mga Pilipino na makpagsapalaran sa ibang bansa?

Maraming sanhi ng paglabas ng mga manggagawang Pilipino sa bayang

sinilangan. Batay sa teorya ni David Ricardo, ang ‘labor theory of value’, ang halaga

ay nagmumula sa paggawa, ngunit paano nga ba gagawa kung wala rin namang

posisyong nakalaan para sa mga manggagawa? Isa sa mga pangunahinng salik nito

ay ang “malala” nang kawalan ng trabaho dahil sa krisis pang-ekonomiya na

tinatamasa ng bansa.

Ayon kay Susan Ople, isang undersecretary sa ‘tulay’ program at ng Ople

Center, totoo nga marahil na kulang pa rin sa pondo ang inaalok ng gobyerno sa

sektor ng serbisyo, industriya at paggawa. Dahil sa kawalan ng trabaho sa bansa,

natutulak na mangibang-bayan ang mahigit sa 8.3 milyong Pilipinong migranteng

manggagawa o ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Araw-araw 3,400

OFWs ang naipapadala sa ibang bansa para magtrabaho, at nakabatay naman ito
sa 2009 estatistika ng DOLE ukol sa bilang ng mga umaalis na OFW sa bansa.

Patunay ito na paparami pa ring manggagawa ang naghahanap ng trabaho sa ibang

bansa dahil sa kawalan ng sapat na trabahong lokal.

Ayon kay Romeo Lagman, kasalukuyang undersecretary for employment and

manpower development ng DOLE, napakalaking kawalan ito sa parte ng Pilipinas

dahil karamihan ng mga umaalis ay mga bagong tapos pa lamang sa kolehiyo at

napipilitang magtrabaho sa ibang bansa sa pag-asang doon matatamasa ang

seguridad sa trabaho. Itinuturing namang “brain waste” para sa mga bansang

pinupuntahan nila dahil ang mga OFW ay pumapasok sa mga trabahong mas

mababa sa antas ng kanilang kasanayan. Ilang halimbawa nito ay mga doktor na

namamasukan bilang nars, at mga guro na ngayon ay mga caregiver at domestic

helper. Ito ang masalimuot na katotohanan: hindi isinasama ng lokal na pamahalaan

ang mga OFW sa pagtataya ng bilang ng empleyo at disempleyo kahit na ang

penomenon ng migrasyon ng paggawa ay bunga ng kawalan ng trabaho sa bansa.

Pero kung talagang susukatin ang lawak ng kawalan ng trabaho sa lokal na

ekonomiya, dapat isaalang-alang na kung sana’y may mapagkukunang hanapbuhay

na sumasapat sa kanilang pangangailangan ay hindi gugustuhin ng mga migranteng

manggagawa na iwan ang kanilang pamilya para lang mamasukan sa ibang bansa.

Isa pang salik ng pagdami ng mga Pilipinong migranteng manggagawa ay ang

mababang pasahod. Paulit-ulit na nababanggit ang realidad na kulang ang sweldo

para tugunan ang pangangailangan ng mga manggagawa at pamilya nito at ito na

lang ang laging idinaraing ng mga miyembro ng Federation of Migrant Workers sa

pangunguna ng kanilang Pangulong si Francisco Aguliar Jr. Inililinaw na hindi ito

pangunahing bunga ng kagustuhan ng indibidwal na maghanap ng iba pang trabaho,

kundi dahil itinutulak siya ng pangyayaring mababa ang sweldo at ‘di sapat ang

kinikita para mabuhay ang pamilya.


Mahalagang talakayin kung bakit sa kabila ng mga batayan para sa makatwirang

pagtataas ng sahod ay higit na mababa ang pinagkaloob ng pamahalaan. Sa totoo

lang, sadyang pinabababa ang halaga ng paggawa sa bansa dahil ito ang esensya

ng “cheap labor policy” ng gobyerno.

B. Ano-ano ang mga positibo at negatibong epekto sa pamilya at sa bansa ng

pagkakaroon ng OFW?

Marami nang masasamang epekto ang naidudulot sa mga OFW sa paglisan nila

sa kanilang bayang sinilangan. Sa katunayan, sa nakalipas na anim na taon, 537

kaso na ang dumaan sa mabusising kamay ng mga opisyales ng Kagawaran ng

Ugnayang Panlabas. Dahil sa mga nakaaalertong pangyayaring ito, ilan sa mga

tulong na ginagawa ng ahensiya ay ang pagtatalaga ng mga lokal na konsul at

embahada ng Pilipinas na susuporta at handang umagapay sa mga kasalukuyang

kondisyon ng mga OFW sa bansang pinagtatrabahuhan. May ibang nabigyan ng

‘pardon’ ukol sa ipinataw na death penalty at may ibang umuwi na lamang sa bansa

na ‘tuwid na ang paa.’

Ayon kay Raymark Altrejo, isa sa mga propesor ng Ekonomiks sa isang

paaralan, ilan sa mga kasaklap-saklap na kasong lagi na lang kinakaharap ng mga

OFW ay ang tulad ng mga pangingidnap, hindi makatwirang pagmaltrato sa kanila

ng amo, iba’t ibang uri ng pang-aabuso at ang matindi ay ang pamamaslang dahil sa

ipinagtanggol lamang nila ang kanilang karapatan. Isa pa sa tila ‘kaaway’ na ng mga

nangagarap na maging OFW ay ang mga tinatawag na ‘illegal recruiters.’ Ayon sa

librong Gabay Bago ka umalis ng Bansa, ang mga ito ay nangagako ng mga bigating

trabaho at kahina-hinalang mabilis ka kaagad matatanggap gawa na rin ng mabilis

na pagproseso ng iyong mga papeles, partikular na sa kontrata upang makaalis ka

kaagad ng bansa. Magagawa ka pa nilang maglabas sa bulsa ng mga katakot-takot


na malalaking pera na lagpas na sa itinalaga ng labor and employment bilang

paunang bayad o loan.

Kapag napawalang bisa ang kaso o di naman kaya ay peke ang Visang ibinigay

sa mga OFW ay uuwi na lamang sila sa bansang sinilangan ng luhaan. Ito ay dahil

sa mahihirapan nang makabalik ang mga manggagawa dahil may rekord na ito sa

kanilang pinirmhang kontrata pati na rin sa bansa kung saan nagawa krimen.

Maaaring sabihin na kung lagi na lang ganito ang kahihinatnan ng mga OFW,

bababa ang perang naipadadala na sumusuporta sa pagiging matatag ng

ekonomiya at lubusan itong manghihina.

Ang pamilya ay isang bahagi sa buhay ng tao na hindi kailanmanmababago sa

mundo Tunay ngang napakalaking impluwensya ng pamilya sapaghubog ng

pagkatao ninuman. Sinasabi ng marami na ang isang mapayapa atmatatag na

pamilya ay isang hakbang tungo sa matagumpay na buhay ngsinuman. Ngunit sa

pagkakataong ito na ibang klase ng pamilya ang pinagmulanng mga respondente,

masusong nasuri ang mga sumusunod na konklusyon:Halos kalahati ng mga

magulang na maagang nagpakasal ay nauwi sapagkakawatak-watak ng pamilya. At

ang nangungunang dahilan ng paghihiwalayng mga mag-asawa ay ang

pagkakaroon nila ng ibang karelasyon. Sa kabila ngpagkakawatak-watak ng pamilya,

lumalabas na hindi naman nito naaapektuhanang pag-aaral ng mga respondente.

May makabuluhang pagkakaugnay ang mga baryabol na edad, kabuuanng

pamilya, presensya at gabay ng mga magulang, trabaho ng ama at ina,gulang ng

pag-aasawa ng mga magulang, at tirahang tinutuluyan ng mgarespondente at ang

mga malayang baryable na may mahalagang naiambag sa mga sikolohikal at sosyal

na paniniwala, gawi at perpormans sa pag-aaral ngmga respondente.

3. Pagiging epektibo sa manunuod ng patalastas


A.May natutunan ba ang mga manunuod sa patalastas?

Ang mga mananaliksik nito ay sumasang-ayon na ang patalastas ng Coke “Open

Happiness” ay naging epektibo sapagkat umani ito ng maraming mabubuting

komento sa opisya na website ng Coca Cola. Kawili-wili rin ang patalastas sapagkat

inaantig nito ang damdamin ng mga manonood lalo na noong nagkasama-samang

muli ang pamilya mula sa matagal na pagkakawalay.

B.Dahil sa patalastas nahikayat ba ang mga manunuod na bumili ng produkto?

sumasang-ayon rin ang mga mananaliksik na ang patalastas na ito

ay nakaapekto sa pagtaas ng pursyento ng kita ng Coca cola sapagkat

ang isinusulong nito ay tungkol sa pagkakabuklod-buklod ng pamilya.


Ani Roland Tolentino,isang mamamahayag, wala namang di

matitinag sa bagong viral video ng Coke (Coca-cola ang formal nitong

pangalan) . Nagsisimula sa opening title na may 11 milyong overseas

Filipino workers. At may tatlo itong tutukan: si Joe Marie Ballon, isang X-

ray technologist, limang taon nang hindi nakauwi nang matagal at may

amang maysakit, halos bulag na; si Leonie Villanueva, caregiver, siyam na

taon nang hindi umuuwi, may binabayarang bahay at lahat ng anak ay

umaasa sa kanya; at Joey Doble, isang baby sitter, 11 nang taong hindi

nakakauwi, at ang pangunahing pasakit ay ang pag-iwan sa bunsong

anak noong ito ay edad isa pa lamang.


Matapos, ang mungkahing proyekto ng Coke: paano kung

mangyayari ang pinakakaasam ng tatlo? Pinadalhan sila ng e-mail, at

halos by magic, nakaimpake na’t pauwi na. Isa-isa nga silang pinalipad at
ibiniyahe ng Coke vans sa kani-kanilang bayan sa bansa. Sorpresa dapat

ang pag-uwi kaya tiyak ang galak at luha ng reunion.


Walang Filipino na hindi maaantig sa video. Sa katunayan, pati ako

ay naiyak bago ko narealisa ang manipulasyong nagaganap: isang

multinasyonal na kompanya sa bansa at ang “collateral damage” kung

bakit at paano sila namamayagpag.


Ang idea ay nakabatay sa ekstrasyon o paghugot ng

pinakamalaking kita sa negosyo. Ang Coke at anumang multinasyonal na

kompanya ay kumikita sa pamamagitan ng ekstrasyon ng yaman ng

bansa, na napapabili ang mamamayan ng mga produkto ng Coke at ang

Coke naman ay nireremita ang bahagi ng kita sa kanyang mother unit o

headquarters.
Para mayroon kapasidad na bumili ng konsumeristang produkto

ang mamamayan, marami ay kailangan magtrabaho sa ibang bansa. Sila

naman ay mga katawang ine-extrak ng kita ng dayuhang kapital, lalo na

sa domestikong sityo nito tulad ng tahanan, ospital, at serbisyong sektor.


Ang kinita ng OCWs (overseas contract workers dahil mas tampok

ang katangian at hindi nasyonalidad sa paggawa) ay ibabalik sa bansa

para ang mga mahal sa buhay—ang surrogates ng sila (OCWs)—ay

makatamasa ng gitnang uring buhay. Ang isinasaad nito, ang surrogates

ay nagiging gitnang uring mamamayan dahil nakakabili ng gitnang uring

produkto at serbisyo, tulad ng Coke.


Pero ang Coke at iba pang multinasyonal na kompanya ay bahagi

ng “suliranin,” na nga may proyekto ito ng happiness ay para maibsan ang

tatlong natatanging katawan ng OCWs bilang pinakarepresentate ng

ethos ng multinasyonal na kapital: matagal nang di nakakauwi, matagal


nang miss ang pamilya, at pinakamorally upright para sa charity project ng

Coke.
Samakatuwid, ang isang komponent ng multinasyonalistang

kapitalismo ay nagiging tagasalba sa proyekto ng philanthropy nito. At ito

ang panganib na nagpapatingkad na nananatili pa rin (at mapanganib)

ang kultural na imperialismo kaysa sa postmodern joissance ng kay

daming pagpipilian at mabibiling produkto’t serbisyo: na kaya nitong

hapisin ang ating kaisipan para sa pagpabor at aproba ng katiwaliang

kabahagi naman sila.


Hindi ito hiwalay sa corporate mission: “To refresh the world…, To

inspire moments of optimism and happiness… To create value and make

a difference.” Hindi nabago ang kwento ng 11 milyong OCWs pero naantig

tayo ng komersyal, napaluha sa ligaya ng muling pagtatagpo at sa

generosity ng Coke, at lumikha ito ng literal na pagbabago sa buhay ng

tatlo sa 11 milyong OCWs.


Nang maagang bahagi ng 2011, nauna na ang komersyal ng Coke

na ang trak nito ay ipinaparada sa mataong lugar. May push button sa

likod at bigla na lang maglalabas ng regalo sa paisa-isa’t liga-ligang

nakapila: simula ay botelya ng Coke, magiging stuffed toy, foldable chair,

lechon, skateboard, robot at remote controlled na racing car na mga

laruan. Lahat ay depende sa pumipindot. Matapos ay aalis na’t

magkakalat ng happiness sa iba pang lugar.


Sa U.S., ito ay Coke machine dispenser, na sa isang cafeteria ng

mga estudyante ay bigla itong namimigay ng higanteng submarine

sandwich, pizza, lobong binuhol para maging aso, bulaklak, at iba pa. Sa
U.S., everyday objects ang pinamimigay ng dispenser. Sa Pilipinas, ito ay

mga Christmas gift-type na siyang mas nagpapaigting ng happiness, dahil

napaka-rare ng pagkakataon ng dating.


KABANATA IV

KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Sa kabanatang ito lilinawin ang konlusyon at rekomendasyon ng mga

mananaliksik tungkol sa patalastas na sinuri at tinalakay kasama na rin ang mga

suliraning panlipunan na nakapaloob dito.

A. KONKLUSYON

Matapos ang isinagawang pag-aaral ng mga mananaliksik lumabas sa

pag-aaral na ito ang mga sumusunod na konklusyon:

1. Ang mga OFW’s na naghahanap buhay ay nakatutulong sa bansa

dahil sa malaking bahagi ng dolyar na naipapasok nila sa kita ng

gobyerno.

2. Ang mga OFW’s ay nakatutulong rin sa pagpapalaganap ng kulturang

Pilipino sa labas ng bansa.

3. Ang marami sa mga OFW’s ay nakararanas ng pangmamaltrato sa

kanilang mga amo dahil sa mga bagay na pinagmumulan ng gap gaya

ng wika at kultura.

4. Ang pamilya ng mga OFW’S ay nakararanas ng malaking kaluwagan

sa usaping pinansyal samantalang humaharap sa malaking suliraning

pangrelasyon ng pamilya.
5. Ang mga OFW’S ay madalas na niloloko sa ibang bansa sanhi ng

kawalan o kakulangan ng kaalamang legal.

6. Ang marami sa mga OFW’S ay nakararanas ng matinding hirap sa

trabaho ngunit napipilitang huwag magreklamo dahil sa tindi ng

pangangailangang makapagtrabaho.

7. Napatunayan rin sa pag-aaral na ito na ang sweldo sa Pilipinas ay

napakababa kung ikukumpara sa sweldo sa ibang bansa.

8. Mas madaling humanap ng trabaho sa Ibang bansa kumpara sa

Pilipinas at mas maraming bakanteng trabaho sa labas ng Pilipinas

9. Malaki ang posibilidad na masira ang pamilya kapag ang isang OFW

ay hindi umuwi sa pamilya nito sa loob ng dalawang taon.

10. Kawalan ng maayos na gobyerno at planong sosyo ekonomikal ang

pangunahing dahilan kung bakit napipilitang mangibang bansa ang

mga Pilipino.

B. REKOMENDASYON

Ang Pananaliksik na ito ay naghahain ng mga rekomendasyon para sa

mga sumusunod:
1. Para sa mga mag-aaral, iminumungkahi ng mga mananaliksik na

ipagpatuloy ang pag-aaral sa paksang ito at pagtuunan ng pansin ang

mga paksang nagpapahirap at solusyon sa mga suliranin ng OWF’s.

2. Iminumungkahi rin ng mga mananaliksik nito na lumikha ng

masmalawak na pag-aaral sa pagbuo ng programang makatutulong sa

mga OFW’s na makauwi agad sa bansa tuwing sasapit ang ikalawang

taon nito sa agtatrabaho sa labas ng Pilipinas upang manatili ang tibay

ng pamilya.

3. Iminumungkahi naman ng mga mananaliksik sa mga mambabasa nito

na bigyang pansin ang mga suliraning kinakaharap ng mga OFW’s

upang makabuo ng mga panibagong paksa ng pananaliksik na

makatutulong sa pagpapaganda ng kabuhayan ng mga kababayang

nangingibambayan.

4. Ang mga mananaliksik nito ay nagmumungkahi rin na bumuo ng isang

patalastas o infomercial na makatutulong sa pag-unawa ng solusyon

sa mga suliranin ng mga OFW’s

5. Para sa paaralan, iminumungkahi ng mga mananaliksik nito na bumuo

ng isang seminar hingiil sa pagpapakilala ng mga sakripisyo ng mga

OFW’s sa labas ng Pilipinas upang lalong mabuo ang pagtingin at

pagkilala sa mga ito ng mga mag-aaral

6. Iminumungkahi naman ng mga mananaliksik nito sa pamahalaan na

bumuo ng isang matibay sa batas na pumop[rotekta sa mga


kababayang gustong maging OFW laban sa mga manloloko upang

maiwasan ang pagkapahamak.

7. Iminumungkahi naman ng mga mananaliksik nito sa Kompanya ng

Coca cola corp. na lumikha pa ng mas maraming patalastas na

tumatalakay sa mga usaping panlipunan upang magkaroon pa ng mga

kaalaman ang mga makapapanood nito.


TALASANGGUNIAN

Anonymous. Philippine Star. “Isalba ang kabataan”. Hunyo 27, 2011. Philippines

Anonymous.Mapanggulong Pagkilos Sa Mga Bata. Mayo 21, 2013. Tl.

Wikipedia.org/wiki/mapanggulong_pagkilos_sa_mga_bata.

Agoncillo, Ryan. Smart Parenting. “The 10 Life Lesson of Parenthood”. 2013.pp. 54-57.

Aria,Delemar. Smart Parenting. “What I Know Now”. 2013 p. 12.

Austin & Braeger. (http://en.wikipedia.org/wioki/Mother). “Social Role” 1990.

Brown. Smith. (Http://en.wikipedia.org/weiki/Mother).”Social Role”. 1996.

Berang.Mga Suliranin ng Mga Kbataan at mga karanasan Namin. Enero 12, 2012.

Vampiresucks08. Blogspot.com.

Campbell, Ross. How to Really love your Children. Manila: Lighthouse Inpirational Books and

Gifts. Inc.

Crossway Bibles.(http://www.openbible.info/topic/mothers).2001.

Conniejosh. Kasamaang Idinudulot sa Kalsugan ang Masamang Bisyo. Enero 23,

2012.conniejosh-myblogspot.blogspot.com/2012/01/kasamaang-idinudulot-sa

kalusugang.html.

Craig,Sideny D. “Rising Your Child, Not by Force But by Love”. Westmintser John Knox Press.

1981.

Darlin, Tammy. (http://todayschristianwoman.com/articles/2012/december/learning-from-mother-

of-bible.html).2012.

De Castro , Bhaby. Philippine Information Agency. “Barakda Kontra Droga, Inilunsad PNP sa

Balete National High School”. Set 20,2013. Quezon City, Philippines.

Dr,Love Philippine Star. “Ikalawang Pagkakataon”. Mayo 27, 2008. Philippines

Emmanaller. Tamang gabay at pagsubaybay sa anak. Okt 30, 2013.

Angkasanag.journ.ph/2013/10/30/tamang-gabay-at-pagsubaybay-sa-anak/.
Fleischer,Barbar J. “Facilitating for Growth: A guide for Scriputre Study Groups and Small

Christian Communities. Liturgical Press. 1993

Franche, Barbara J. “Facilitating for Growth: A guide for Scripture Study Groups and Small

Chrsitian Communities. Liturgical Press. 1993.

Franche, Doris M. Philippine Star. “3-taong gulang na Bata Hinalay ng 12 anyos. “Set 24,2011.

Ginott, Haim. Between Parent and teenager. “They and Us”. New York: Avon Books. 1971

Gould, Helen at Harmon White. “Child Guidance”. Review and Herald Publishing

Association.2012.

Herst, Charney. For mother of Difficult Daughters. “So What is My Daughter’s Problem?”. United

States: Villard. 1999.

In Direct Essays.com. (http://directessays.com/viewpaper/103682.html) . “The Important Role of

a Mother” . 1969.

IslamHouse. Ang pagpapalaki ng mga Bata. Mar. 26 2007.

www.islamhouse.com/6273/tl/tl/articles/ang_pagpapalki ng_mga_bata.

Longlois,Christine.

(htttp://www.canadianliving.com/moms/family_life/two_parent_families_3.php).21013.

Kay. Ang kabataang Pilipino Sa Makabagong Panahon. 2013. Kkk. Wave.net.ph/blogs/19-ang

kabataang-pilipino-sa-makabagong-panahon.html.

KonseptongPapel. Masamang Epekto ng Bisyo . Enero 5, 2007.

Konseptongpapel.blogspot.com/2007/01/masamang-epekto-ng-bisyo.html.

KuyaRom. Ang Tamang Paggabay Sa Anak 2.Peb. 20, 2013.

www.abunate.com.ph/opinion/index.php/payong-kapatid/655-ang-tamang-paggabay-sa-

anak-2.

Miller,Darla Ferris “ Positive Child Guidance”. 6th Edisyon. Woodsworth Pub. Co. 2009.

Lee, Irven. Truth Magazine. “A Mother’s Contribution to the Society”.

(http://www.truthmagazine.com/archives/volume27/GOT027274.html).1983.
Quennie. Ang Bawal Na Gamot, Sa buhay Ng Isang Kabataan. Peb. 19, 2010.

www.scribd.com/doc/27091887/ang -bawal-na-gamot-sa-buhay-ng-isang-kabtaan.

Romana. Dimples. Smart Parenting. “What I Know Now”. 2013. Pp. 15.

Seriols, Mickey. Yes Magazine.2008

Sta.Maria, Jodi. Smart Parenting. “What I Know Now”. 2013. P. 14.

Stoddard, AlEXANDRA. Mothers A Celebration. “What Does a Mother Do for her Children?”.

New York: Avon Books. 1996.

Teodero, Henry S. Manila Bulletin. Breakthrough Education: “Recognizing Your Child’s Unique

Strenght”.

Teody23. Ang Pagtaas Ng Bilang Ng mga Kabataan Na nalulubong sa Alak, Peb.2011.

www.studymode.com/essays/paksa-ang-pagtaas-ng-bilang-ng-576190.html?topic.

Villaroel, Carmina. Smart Parenting. “What I Know Now”. 2013. p. 13.

Walters, Tongi. Smart Parenting. “What I Know Now”. 2013. P. 12.

Zigler,Zig. “Raising Postive Kids In A Negative World.” REV. Thomas Nelson Inc. 2002

http://ibon.org/ibon_surveys.php

http://en.wikipedia.org/wiki/Coca-Cola_Bottlers_Philippines,_Inc.

http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and-dynamicsga4.htm

http://www.census.gov.ph/statistics/survey/labor-force/sof-index

http://www.youtube.com/watch?v=x_9fQEqZCWs

http://health.howstuffworks.com/understanding-family-structures-and-dynamicsga4.htm

You might also like