You are on page 1of 2

Tula Para Kay Lolo Eddie

by emmanuel matthew l. lagustan

Ilang taon na rin ang nakalipas


pero memoryado pa rin ang naiwan mong
bakas.
Bakas na sumisimbolo sa iyong naiwang
ala-ala,
mga ala-alang kailanman ay 'di
malilimutan.

Tanda ko pa noong ako'y maliit pa


lamang,
ang iyong pag parada kasama ang iyong
banda.
Ika'y laging inaabangan
at dali-daling sumasalubong at ika'y
sasabayan.

Tanda ko pa noong ako'y maliit pa


lamang,
ang pagpasyal mo sa akin sa Manila Zoo.
Napaka espesyal sa akin niyon
sapagkat don ako unang nakasakay sa
kalesa.
Tanda ko pa noong ako'y maliit pa
lamang,
ako'y laging sumasampa sa iyong mga
binti.
Nagpapahiwatig na sa iyo ay gustong
magpa duyan.
Nagpapahiwatig na sa iyo ay gustong
makipagharutan.

Tanda ko pa noong ako'y maliit pa


lamang,
nang iyong binigay ang ginawang lamesa't
bangko sa akin.
Lamesa at bangko na hanggang ngayon
ay buo pa rin.
Lamesa at bangko na hanggang ngayon
ay gamit gamit pa rin.

Sa dinami dami ng iyong naiwang ala ala


ay ito'y hindi ko na maiisa-isa pa.
Ang mga ala-alang ito ay aking habang
buhay na babaunin.
Ang mga ala-alang ito ay aking habang
buhay na didinggin.

You might also like