You are on page 1of 1

Sa aming minamahal na punong guro, mga gurong kawaksi, mga kalihim ng paaralan, mga

butihing magulang at kapwa ko mag-aaral na magsisipagtapos, isang maganda at


mapagpalang araw sa inyong lahat. Aking sisimulan ang talumpating ito sa kung saan
at paano nahubog ang ating pagkatao bilang isang mag-aaral ng HUMANITIES AND SOCIAL
SCIENCES. Sa ating pagtungtong ng Senior High School lingid sa ating kaalaman na sa
pangkat na ito ang pinakamadaling kunin, 'yan ang sabi nila, pero kung tayo ang
tatanungin bakit nga ba HUMSS ang pinili natin? Ika nga sa mga katanungan na ating
naririnig mula sa pagpapakilala kapag una palang ng klase na ang mga dahilan ay
gusto ng kanilang mga magulang, mga kursong nakalinya mula sa pangkat na ito, mga
mag-aaral na "No Choice" at syempre yung mga nakabatay lamang sa kani-kanilang mga
kaibigan. Pero lingid din sa kaalaman ng iba at maging nating naririto, tayo ay
hinubog ng karil na ito sa potensiyal na kung ano tayo ngayon. Palihim tayong
hinuhulma ng karanasan natin sa paaralang ito at maabot ang araw na pinakahihintay
natin, umupo sa silyang nakalaan sayo, at tanggapin ang diplomang kalakip ang
pangalan mo, ang araw na ito.
Sa ating pagtatapos, hayaan niyong ipakilala ko sa inyo kung paano nabuo ang
samahan ng pagtutulungan, pagkakaisa at higit sa lahat pagtitiwala sa isa't isa sa
loob ng dalawang taon. Sa pagdaan ng ilang buwan mas nakikilala natin ang bawat isa
na kung saan sa isang seksyon ay hindi mawawala ang pagkakakikay ng mga babae, mga
bangayang namumuo sa loob ng klase, mga lalaking makukulit at pasaway, mga
matatahimik, mga inisan dahil sa mga walang kooperasyon, mga laging wala at huli sa
klase na nakakapasa sa mga pagsusulit, totoo nga na huli man at magaling,
nakahahabol pa rin. Pero sa kabila nito hindi ko maiwasang mamangha sa mga kani-
kanilang anking kakayahan, pag-uugali at karanasan kasama sila. Nakalulungkot lang
isipin na itinuturing din natin ang araw na ito na isang simula ng panibagong yugto
ng iba't-ibang pakikibaka natin sa buhay, tayo ay maaaring maglakbay na sa
magkahiwalay na landas. Ang mga ingay sa apat na sulok ng kwadradong silid ay
huhupa na pero hindi ang ating pangarap.
Sa aking mga kaibigan at kapwa kamag-aral nais kong magpasalamat sa mga bagay na
binigyan niyong kahulogan at mga alaalang nagbigay saya at aral sa akin at
titiyakin kong babaunin ko ito hanggang sa ako'y tumanda.
Sa mga guro namang aming nakakasalamuha nais naming kayo'y pasalamatan dahil kayo
nga talaga ang nagsilbing pangalawang magulang na hindi nagkulang sa mga pangaral
at pag-iintindi sa aming pangkat, saludo po kami sa inyo.
Sa mga minamahal naming magulang nais naming magpasalamat sa inyo dahil kung hindi
dahil sa inyong mga suporta at pagmamahal hindi namin magagawa ang bagay na
pinaghihirapan namin. Sa aking magulang at mga kapatid salamat sa mga payo at
pagsuporta itong tagumpay ay hindi para sakin kung hindi para sa inyo rin.
At bilang pagtatapos ng aking tagumpay sa SHS nais kong mag-iwan ng mga katagang
naging inspirasyon ko upang maabot ang mga tagumpay na ito, "Walang madaling gawain
para makuha ang isang bagay na ninanais mo, pananampalataya, pagtitiyaga, sipag at
pagmamahal lang dapat pairalin sa halong ng ating buhay".
Muli binabati ko kayong lahat bilang pagtatapos sa taong 2019-2020, ako po si
Saralyn V. Abogada mula sa pangkat ng HUMANITIES AND SOCIAL SCIENCES.

You might also like