You are on page 1of 5

Lakandiwa:

Ako po ang inyong punong lakandiwa magpapakilala

ng dalawang manunula

Isang nagsasabing teknolohiya ang mas mahalaga at isang nagsasabing


aklat ang pinaka mahalaga

Ano ba ang totooo mga ginoo at binibini ano ang mas mahalaga
teknolohiya ba o Aklat kanilang pagtatalunan ang paksang binanggit ko
masigabong palakpakan sakinalay ihandog niyo

(1)TEKNOLOHIYA:

Sa ating kasalukuyang henerasyon,

Teknolohiya ang mas matimbang at kailangan.

Mga tao'y ginagamit itong pang-komunikasyon,

Masaya at pwede ring pang-aliwan.

Dahil napaka-importante nito sa panahon ngayon,

Ginagamit ng matatanda't kabataan.

(1)AKLAT:

Mas matimbang parin ang aklat

Ang sagot sa'yong mga tanong, sa aklat mahahanap


Dahil ang aklat ang pinagmulan ng lahat

At ang mga impormasyon na nasa internet, sa aklat naman talaga


nakalap

Lahat ng sagot sa mga samot-saring tanong, storya't pamagat.

(2)TEKNOLOHIYA:

Ang teknolohiya naman ang pangalawang bersyon ng aklat

Alam kong ang nalalaman ng internet, sa aklat nanggaling lahat

Oo, lahat-lahat. Mga pinagmulan at alamat.

Ngunit ang mga bagong balita, diba't sa teknolohiya unang kumalat?

At oo, sa aklat nanggaling ang mga inpormasyon

Ngunit ang mga tanong mo, sa teknolohiya mas mabilis ang tugon

Mabilisan ang lahat sa teknolohiya

Kaya lahat ng mga gawain ay madali at kayang-kaya.

(2)AKLAT:

Mabilisan nga ngunit hindi naman lahat ng tao ay may internet sa bahay

Ang pagka-adik sa teknolohiya ang maaaring pagkasira ng buhay

Maraming negatibo, maraming malalaswang bagay


Makakasira lamang sa isang tao imbes na maging gabay.

Kaya sa aklat tayo kumapit at simulang magbasa

Kaysa sa mga teknolohiya na ikakasayang lang ng ating pera

Sa mahal ng ating mga bilihin, teknolohiya'y dumagdag pa

Mas mabuti pang magbasa, ito'y ating magiging pahinga.

Lakandiwa(3)

Sandali muna akong sa labanan ay papagitna ang sagutang ng dalawa ay


naging mainit na magpalamig muna ng ulo ang mapapayo ko sainyong
dalawa

Muli kayo ay tumindig at magsalita hidawaang natigil ituloy na

(4)TEKNOLOHIYA:

Teka teka, ginoo, ika'y huminahon

Kung wala ang teknolohiya, ano ang ating magiging transportasyon?

Paano tayo makakarating sa paaralan? Paano ang edukasyon?

Kaya teknolohiya ay maiituturing na pinakamahalaga,

Dahil kung wala ito, trabaho'y hindi magagawa.


Kahit ang mga gipit,

Sa teknolohiya unang kumakapit.

Pwede itong gawing pang-negosyo

Kaya ang ibang kababayan natin, dahil sa teknolohiya'y umasenso

Teknolohiya'y hindi manloloko, tutulungan kapa sa kolehiyo!

(4)AKLAT:

Siguro nga maraming nagagawa ang teknolohiya,

Pero ang mga salitang nakaukit sa libro ay sadyang diyamante ang


halaga

Ang aklat ay naglalaman ng samo't-saring kaalaman at historya

Kung wala ito, maaaring hindi tayo magkakakilala.

Kaya kahit ano pa ang iyong sabihin

Aklat parin ang pinakamahalaga sa atin

Sa pagbabasa lumalawak ang pag-iisip natin

Dito nagsisimula ang mga pangarap at mithiin.


Lakandiwa(4)

Tinatapos naming ngayon itong aming balagtasan ang hatol kong ilagda
sa dalaway patas lamang at sa wakes, kaming itoy buong pusong
nagpupugay sa inyong pakikinig nitong aming balagtasan

You might also like