You are on page 1of 30

( Larawan ng isang bata na may hawak na laruang eroplanong papel)

1
Inside Front Cover

Larawan ng batang lalaki sa harap ng Larawan ng larawan na eroplanong


kanilang bahay plastic na may ilaw

Larawan ng nanay na nagbubunot ng Larawan ng nanay na nagtatanim ng


punla palay

Larawan ng batang masayang


Larawan ng Eroplanong Papel naglalaro ng eroplanong papel sa
gitna ng kabukiran.

End Paper

2
Same as inside

Front Cover

Copyright page

Larawan ni Pot-pot na may


hawak na Eroplanong Papel
3
Template copyright notice

Development Team

Awtor ________

Dibuhista ________

Tagalapat ________

Learning Resource Managers: ______________

Cover Page

EROPLANONG 4
5

Larawan ng isang batang lalaking malungkot.


T’ wing kaarawan ni Pot-pot ay

Hinihiling nito sa kaniyang nanay na


ibili siya ng totoong eroplanong laruan

Ngunit hindi siya mabilhan nito.

Larawan ng babae at lalaking nagbubunot ng punla.


Kapos ang kita niya

sa pagbubunot ng punla at pakikitanim ng palay

at sa paglalabada tuwing araw na walang pasok.

Larawan ng isang babae at ang kaniyang anim na anak, tatlong babae at tatlong lalaki.
7
Kulang na kulang kasi

kaniyang kita sa kaniyang anim na anak.

Kaya naman ilang birthday na

umaasa siyang magkaroon ng laruan.

8
Isang araw sumama siya

sa kaniyang nanay sa bukid

at siya ay napadaan sa malaking bahay.

9
Natuwa siya sa kaniyang nakita

Larawan ng isang malaking bahay na may mga batang naglalaro sa harapan at maraming
sari-saring laruan baril-barilan, espada, at eroplanong plastic may iba’t ibang kulay na may
ilaw.

Abala ang lahat ng bata

Sa paglalaro ng kanya-kanyang laruan.

Bakas ang kasiyahan sa mukha

10
ng bawat batang naroon.

Larawan ng batang nakatigil at nakatingin lang sa mga batang naglalaro ng mga magagandang
laruan.

Agad hinanap ng kanyang

paningin sa laruan ng mga bata

ang laruang matagal na niyang pinapangarap,

isang magandang eroplanong umiilaw at tumutunog.


11
Larawan ni Jong-jong na lumapit sa mga batang naglalaro ng magagarang laruan.

“Magkano po ang ganoong eroplano?”

tanong niya sa bantay ng mga batang

naglalaro sa harap ng bahay.

“Ah iyon, tatlongdaang piso iyon,

Sagot ng babae`

12
“Ang mahal pala niyan..

Akala ko sampung piso lang”

malungkot na wika ni Pot-pot.

Ha…ha…ha anu.. sampu?

Malakas na tawa ng babae.

13
Hindi papel ang eroplanong iyon.

Galing iyon sa ibang bansa ,

kaya mamahalin at maganda

kaya mahal ang presyo.

14
“Tumutunog pa iyon at

may iba’t-ibang kulay

ang liwanag na lumalabas

sa kaniyang pakpak kapag pinindot mo

ang buton sa ilalim nito.” mahabang paliwanag ng ale.

15
Malungkot na nilisan ni Pot-pot.

ang harap ng malaking bahay.

Pero may naiwang ideya sa isip niya .

Eroplanong papel…..eroplanong papel.......

Na kukulayan na lamang niya katulad ng kanyang

16
nakita na nilalaro ng mga bata sa malaking bahay.

Larawan ng isang bata kasama ang kanyang nanay patungo sa bukid.

Bakit nga hindi ang sabi niya sa sarili.

Pag-uwi, dali-dali siyang nagtungo sa kanilang

silid tulugan at naghanap ng mga gamit na papel

ng kanyang mga ate at kuya at lumang dyaryo

na gagamitin niya sa paggawa ng kaniyang

17
laruang eroplano.

Larawan ng bata na nakaupo sa bangko at nagtutupi ng mga papel at dyaryo.

Naupo siya sa isang bangko

sa harap ng kanilang bahay

at sinimulang gawin ang kaniyang laruang eroplano

na yari sa mga papel at dyaryo.

18

Larawan ng batang masaya hawak hawak ang makulay na eroplanong papel.


Dapit hapon na nang ito’y matapos

pero tuwang-tuwa siya

sa kaniyang laruang eroplanong papel.

Dali-dali niya itong ipinakita

sa kaniyang nanay at mga kapatid.

Larawan ni Pot-pot na may hawak na eroplanong papel, kanyang mga kapatid at si 19


Nanay.
Siyang dating naman ng kanyang Ate Tina

galing sa pagtitinda sa palengke

na may maganda

ding pasalubong kay Pot-pot.

Larawan ng babae kausap ang batang lalaki

20
“Bunso malaki ang kinita ko ngayon,

Kaya maibibili na kita

ng pinapangarap mong laruan.”

Wika ng kaniyang Ate Tina.

Larawan ng babae hawak ang eroplanong plastic na binili nito.

21
“Naku ate huwag na po ito po uh

may ginawa napo akong laruang

yari sa papel at dyaryo

,maganda po diba ate, kuya nanay?”

At naluluhang niyakap

siya ng kaniyang nanay at mga kapatid.

Larawan ng mga sama samang pamilya masaya sa gitna si Pot-pot tangan ang
eroplanong papel.

22
“Maligayang Kaarawan bunso namin”

Sabay sabay na wika ng mga ito.

Naluluha si Nanay Linda habang

minamasdan ang kanyang mga anak.

Larawan ng mga sama samang pamilya masaya sa gitna si Pot-pot tangan ang
eroplanong papel.

23
Kinabukasan ay masayang nakipaglaro si Pot-pot.

Sa kaniyang mga kaibigan.

At ipinakita ang kaniyang laruang eroplano

Na yari sa papel at dyaryo.

Larawan ng mga batang masayang naglalaro sa lilim ng puno.

24
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

(Learning Competencies)

CODE Learning Competencies


Nakikilala ang gusto at di gusto
SEKPSE-II c-1.4
Naipakikita ang pag-nawa sa
nangyayari o kasalukuyang sitwasyon
at nakapaghihintay sa tamang oras na
SEKPSE – 00-10
matugunan ang gusto o
pangangailangan.
Naipapakita ang pagmamahal sa
KMKPPam -00 -5
mga kasapi ng pamilya

PROCESSING QUESTION:
Larawan ni Pot-pot na
1. Ano ang laruang gustong-gustong matanggap ni
may hawak na
Pot-pot sa kanyang kaarawan?
laruang eroplanong
2. Bakit hindi ito maibigay sa kanya ng kanyang
papel.
Nanay?

3. Ano ang ginawa ni Pot-pot upang magkaroon siya

ng pangarap niyang laruan??

25
Talasalitaan:

Laruan - ginagamit ng bata na libangan

Bangko - upuan na yari sa kahoy.

Bukid – ito ay taniman ng palay

Punla – ito ang itinatanim na palay

GAWAIN 1

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Ano ang pamagat ng kuwento?

2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?

3. Saan nagpunta ang bata sa kuwento?

3. Ano ang gusto ng bata sa kwento?

4. Ano ang aral na mapupulot natin sa kuwento?

26
GAWAIN 2

Panuto: Iguhit sa loob ng kahon ang mga sumusunod.

Eroplanong Papel Nanay Linda

Eroplanong Plastik
Pot-pot
na umiilaw

Ate Tina

27
End Paper

Same end paper design as Front End paper

28
Inside Back Cover

Si__________________ ay isang guro sa ___________


Picture of the
Author Elementary School, _____________, Zambales. Nagtapos

siya ng kursong _________ sa ____________ noong

___________.

29
Cover Page

SYNOPSIS

Si Pot-pot na isang karaniwang batang taga-bukid ay minsang nangarap

ng isang magarang laruan na maging regalo sa kanya sa kanyang kaarawan,

ngunit sa kalagayan nila sa buhay ay malabo niya itong matanggap.

30

You might also like