You are on page 1of 1

MODYUL 6:LAYUNIN,PARAAN AT KAHIHINATNAN NG MAKATAONG KILOS

Ang makataong kilos ay bunga ng ating isip at kagustuhan na nagsasabi ng ating katangian kung ano tayo
at kung ano ang kalabasan ng ating kilos ay batay sa ating pagpapasiya.Layunin sa modyul na ito na higit
na masuri ang kabutihan o kasamaan na isinasagawa sa kilos at pasiya. Mayroon din itong mga salik na
nakaaapekto sa resultang kilos. Una ay ang layunin na tumutukoy sa panloob ng kilos kung saan
nakatuon ang kilos-loob. Pangalawa ay ang paraan para makamit ang layunin. Pangatlo naman ay ang
sirkumstansiya na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos.

Ang mabuting kilos ay dapat palaging mabuti hindi lamang sa kalikasan nito kundi sa motibo at
sirkumstansiya kung papaano mo ito ginagawa. Kaya't mula sa layunin,paraan,at sirkumstansiya ng kilos
ay madaling makikita o masusuri ang kabutihan o kasamaan nito. Sa makataong kilos,kailangang
parehong mabuti ang panloob at panlabas ng kilos dahil nababalewala ang isa kung hindi kasama ang
isa.Dahil ayon nga kay Sto. Tomas de Aquino,sa bawat makataong kilos,ang kilos-loob ang tumutungo sa
isang layunin. At hindi makapaghahangad ng anuman ang isang tao kung wala itong pinakahuling layunin
dito ay ang makapiling ang diyos sa kabilang buhay. Lagi nating tadaan na "kilos ay suriin mabuti lagi ang
piliin". Natutunan ko sa modyul na ito na dapat kung anuman ang magiging kahinatnan ng iyong
makataong kilos ay dapat alam mo ang layunin,paraan at sirkumstansiya sa iyong nagawang nasabing
kilos,sapagkat tayong mga tao kailagan tayo ay maging mapanagutan sa anumang kilos na ating pipiliin at
kailangan rin nating mapag isipang mabuti at makita kung ano ang magiging kahihatnan o resulta ng
anumang kilos na ating gagawin.

You might also like