You are on page 1of 5

Module 5: 09.12.

19

"Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao


sa Kahihinatnan ng Kilos at Pasiya"

"Matuto ka namang magkusa dahil hindi ka na bata!” Isa sa mga kadalasang naririnig
natin mga teenagers sa mga matatanda at ating mga magulang. Paano nga ba nahuhubog
ang pagkatao ng tao?

Ayon kay Agapay, anumang uri ng tao ang isang indibiduwal ngayon at Kung magiging
anong uri siya ng tao sa mga susunod na araw, ay nakasalalay sa uri ng kilos na kaniyang
ginagawa ngayon at gagawin pa sa mga nalalabing araw ng kaniyang buhay. Dahil sa isip at
kilos-loob, kasabay ang iba pang pakultad na kaniyang taglay tulad ng kalayaan, siya ay
may kapangyarihang kumilos ayon sa kaniyang nais at ayon sa katuwiran. Bawat segundo
ng kaniyang buhay, siya ay kumikilos ayon sa kaniyang kagustuhan at ninanais. Ito’y
naghahatid ng pagbabago sa kaniyang sarili, sa kaniyang kapuwa at sa mundong kaniyang
ginagalawan. Ang kilos ang nagbibigay patunay Kung ang isang tao ay may kontrol o
pananagutan sa sarili.

May dalawang uri ng kilos ang tao: 1. Ang Kilos ng Tao (Acts of Man) – ay mga kilos na
nagaganap sa tao. Ito ay ang likas sa tao o ayon sa kaniyang kalikasan bilang tao at hindi
ginagamitan ng isip at kilos-loob. Ito ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o
masama – kaya walang pananagutan ang ang tao Kung naisagawa ito.2. Makataong Kilos
(Human Act) – ay kilos na isinagawa ng tao nang may akaalaman, malaya, at kusa. Ang kilos
na ito ay resulta ng kaalaman, ginagamitan ng isip at kilos- loob kaya’t may kaoabnagautan
ang tao sa pagsasagawa nito. Karaniwang tinatawag itong kilos na niloob, sinagya at knusa
sapagka’t isinasagawa ito ng tao sa panahon na siya ay responsable, alama niya ang
kaniyang gignagawa at ninais niyang gawin ang kilos na ito. ANG MAKATAONG KILOS AY
KILOS NA MALAYANG PINILI MULA SA PAGHUHUSGA AT PAGSUSURI NG KONSENSIYA.

Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan (Accountability). 1. Kusang-loob – ang kilos


na may kaalaman at pagsang-ayon. Ang gumagawa ng kilos ay may lubos na pagkaunawa
sa kalikasan at kahihinatnan nito. 2. Di kusang-loob – ay may paggamit ng kaalaman ngunit
kulang ang pagsang-ayon. Makikita ito sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman
sa gawain na dapat isakatuparan. 3. Walang kusang-loob – ang tao ay walang kaalaman
kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi pananagutan ng tao dahil
hindi niya alam kaya’t walang pagkukusa. Limang sitwasyon na nagpapakita ng kanilang
kamalayan at walang kamalayan sa kanilang aksiyon na nagagawa.

Mga sitwasyon na may kamalayan sila sa kanilang ginagawa: Kumokopya sa mga


kaklase khit alam nilang mali. Masama sumuway sa mga magulang pero ginagawa pa rin.
Alam na dapat na matulog ng maaga pero umaga na natutulog. May pagsusulit bukas pero
hindi nag-aral dahil tinatamad daw. Nagsisinungaling hindi lang sa magulang kundi pati sa
ibang tao. Mga sitwasyon na wala silang kamalayan sa kanilang ginagawa: Wala silang
kamalayan na kapag magkokopya sila sa kaklase nila wala sila matutunan sa sarili nila
mismo. Kapag sila ay sumaway sa magulang hindi nila alam kung ano ang mangayayari sa
hindi nila pagsunod sa magulang nila kaya. Hindi alam na nagkakaroon ng masamang
epekto sa katawan ang hindi pagtulog ng maaga. Lahat ng gagawin ng tao ay makakaapekto
sa kanyang desisyon na gagawin niya sa kanyang buhay kasi bawat desisyon ay may
pananagutan.
Module 6: 09.02.19

"Ang Layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ng kilos"

Kilos ko, pananagutan ko! tunay ngang sa bawat kilos na ating gagawin ay may kaakibat itong
pananagutan na ating haharapin. Ikaw? bilang isang insibidwal, nasusuri mi ba kung mabuti o
masama ang iyong kilos? Ano ang pananagutan mo dito?

"Kilos ay suriin. Mabuti dapat ang piliin". Kung ikaw ang tatanungin, ano ang pakahuluhan mo
sa mga salitang ito?. Hindi lahat ng kilos ay matuturing na makatao. Ang makataong kilos ay bunga
ng ating isip at kagustuhan na nasasalamin ng ating pagkatao. Kung ano tayo at Kung ano ang
kalalabasan ng ating kilos ay batay sa ating pagpapasya. Sa etika ni Sto. Tomas de Aquino, ang
moral na kilos ay ang makataong kilos sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan.
Ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos. Ang papel naman ng kilos loob ay
tumutungo sa layunin o intensiyon ng isip. Ang panloob na kilos ay nagmumula sa isip at at kilos
loob. Samantalang ang panlabas na kilos ay ang pamamaraan na ginagamit upang isakatuparan ang
panloob na kilos. Hindi maaaring maging hiwalay ang dalawang ito sapagkat Kung masama ang
panloob, maging masama rin ang buong kilos, kahit mabuti ang panlabas. Ayon pa kay Sto. Tomas
de Aquino, sa vawat makataong kilos, ang kilos-loob ang tumutungo sa isang layunin.

May mga salik na nakaaapekto sa resulta ng kilos, kung ito ay maituturing na mabuti o
masama. Ang mag ito ang batayan sa paghuhusga kung ang kilos ay moral o hindi. Ang layunin nito
ay, ito ay tumutukoy sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob. Ito rin ay tumutukoy
sa taong gumagawang kilos (doer); hindi ito nakikita o nalalaman ng ibang tao dahil ito ay personal
sa taong gumagawa ng kilos. Ayon pa kay Sto. Tomas de Aquino, ang mismong kilos ay hindi
maaaring husgahan kung mabuti o masama kung hindi nito isasaalang-alng ang layunin ng taong
gumagawanito. Ang pamantayansa kabutihan ng layunin ay kung igagalang ng taong nagsasakilos
ang ang dignidad ng kanyang kapwa tao. Paraan; ito ay ang panlabas na kilos na kasangkapan p
paraan upang makamit ang layunin. Ayon pa kay Sto. Tomas de Aquino, may nararapat na obheto
ang kilos. Ang bawat kilos ay may layunin. Ngunit paano mo ba nahuhusgahan Kung ang layunin
mo ay mabuti o masama?

Sirkumstansiya, ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalalagyan ng kilos na nakababawas o


nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Narito ang ibat ibang sirkumstansiya. Sino,
ito ay tumutukoy sa tao na nagsasagawa bg kilos o sa taong maaaring maapektuhan ng kilos. Ano,
ito ay tumutukoy sa mismong kilos, gaano ito kalaki o kabigat. Saan, ito ay tumutukoy sa lugar kung
saan ginagawa ang kilos. Paano, ito ay tumutukoy sa paraan kung paano isinasagawa ang kilos.
Kailan, ito ay tumutukoy Kung kailan isasagawa ang kilos. Ang mga nakapagpapalala o
nakapagpapabawas ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos ay tinatawag na sirkumstansya.
Maaaring ang mabuti ay ma’s maging mabuti at ang masama ay mas maging masama.
Kahihinatnan, ang lahat ng ginagawang kilos ng tao ay may dahilan, batayn, at May kaakibat na
pananagutan.

Ang bawat kilos o gawa ay may kaakibat na maganda at di magandang epekto kung kayat
marapat lamang na ito'y pagisipan ng mabuti bago isakatuparan. Marapat lamang na laging isipin
at pabutihin ang magiging kahihinatnan ng bawat kilos na gagawin. Sikaping maging kapaki-
pikinabang ang bawat kilos na isasakatuparan upang maging maganda ang kahihinatnan.
Module7: 09.03.19

"Ang Kabutihan o Kasamaan ng Kilos Ayon sa Paninindigan, Gintong Aral, at Pagpapahalaga"

Itinuturing na mabuti ang isang makataong kilos kung ginagamit ang isip upang makabuo ng
mabuting layunin at ang kilos loob upang usagawa ang mabuting pamamaraan. Likas sa tao na
naisin at gawin ang isang bagay na magbibigay ng kaligayahan sa kaniya. Itinuturing din batayan ng
paghuhusga ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos ang bunga o kahihinatnan nito.

Ang kautusang pasubali(Categorical Imperative)ang pagkilos sa ngalan ng tungkulin. Ginagawa


ng isang tao ang mabuti dahil ito ang nararapat at hindi dahil sa kasiyahan na gawin ito. "Gawin
mo ang iyong tungkulin alang-alang sa tungkulin" anumang nataliwas dito ay itinuturing na
masama. May mga kilos ang tao nan dahil sa kanyang hilig at hindi dahil ito ay isang tungkulin. Sa
bawat sitwasyon na humihingi ng tugon sa pamamagitan ng mabuting kilos, kinakailangan na
tayahin ang dahilan ng pagkilos. Ang paninindigan ang dahilan ng pagkilos ang dahilan ng pagkilos
ng tao sa isang sitwasyon. "huwag mong gawin sa iba ang hindi mo gustong gawin sa iyo" kung ano
ang ibig ninyong gawin sa inyo ng mga tao, gayon sin ang gagawin sa ninyo sa kanila. "Wala ni isa
man sa inyo ang tunay na mananampalataya hangat hindi niniyo ninais sa kanyang kapatid ang nais
niya para sa kanyang sarili. Ang pagnanais: Kilos ng Damdamin, ang pagnanais na gawin ang isang
kilos ay bunga ng damdamin. Sa bawat kilos na ating ginagawa, may nakikita tayong pagpapahalaga
na nakatutulong sa pagpapaunlad ng ating pagkatao tungo sa pagiging personalidad. Ang
pagpapahalaga bilang batayan sa paghuhusga ng kabutihan o kasamaa ng isang kilos.

Ayon kay Max Scheler, ang tao ay may kakayahang humusga kung mabuti o masama ang isang
gawi o kilos ayon sa pagpapahalaga (values). Ayon din sa kaniya nakasalalay ang pagpili ng
papahalagahan ang paghuhusga ng pagiging mabuti o masama ng kilos ng tao. Sa iyong pagtulat sa
mahabang proseso ng pagapapakatao, mahalagang maging malinaw sa atin ang mga batayan sa
paghuhusga ng kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Ang pagrespeto sa kapwa ay isang halimbawa
ng ang kabutihan o kasamaan ng kilos ayon sa paninindigan,gintong aral,at pagpapahalaga,ang
pagrespeto ay isang kabutihan kilos dahil ang pagrespeto sa kapwa ay isang magandang gintong
aral na may magandang naidudulot sa kapwa kung ikaw ay may respeto sa kapwa ikaw din ay
rerespetuhin ng iyong kapwa tao. Ito ang pananaw na itinaguyod ni Immanuel Kant, isang Alemang
pilosopo na naglayong ipakita ang tunay na batayan ng mabuting kilos. Ang Kautusang Walang
Pasubali o Categorical Imperative ay ang pagkilos sa ngalan ng tungkulin.

Ginagawa ng isang tao ang mabuti dahil ito ang nararapat at hindi dahil sa kasiyahan na gawin
ito. Nangangahulogan ito ng gintong aral na may kinalaman sa paggawa ng mabuti at mainam sa
kapwa. Kung saan inilalagay mo ang sarili mo sa kalagayan ng ibat at ginagawa ang nais moring
gawin sa iyo na magdudulot ng kaligayahan hindi lamang sa sarili mo kundi lalo na sa ibang mga
tao at personang gagawan mo nito. Maituturing na mabuti ang isang gawain kung mas piniling
gawin ang mas mataas na pagpapahalaga kaysa sa negatibong pagpapahalaga. Hindi ang layunin o
bunga ng kilos ang batayan sa paghuhusga ng kabutihan o kasamaan ng kilos. Hindi maaaring sa
layunin dahil magiging masalimuot ang paghahanap ng pamantayan. Gayundin ang bunga dahil
kailangan pang hintayin ito bago malaman kung mabuti o masama ang kilos. Aniya, ang batayan
ng mismong pagpapahalagang ipinapakita habang isinasagawa ang kilos
Module 8: 09.03.19

"Mga Yugto ng Makataong Kilos at mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya"

Tulad ng isang nagmamaneho ng sasakyan, siya ang may hawak ng manibela at siya ang
nagdadala kung saang direksiyon niya nais pumunta. Gayundin ang tao, ang bawat kilos ay pasiya
na kaniyang gagawin ay may epekto sa kaniyang sarili at kapwa kung kay't kailangan na ito ay
isagaw nang maingat gamit ang talino na ibinigay ng Diyos.

Kung iyo lamang titingnang ng mabuti sa bawat araw na nagsasagawa ng ka ng kilos, may mga
kilos na hindi mo kailangang pagisipan tulad ng paghinga, pagbahin kung ikaw ay sinisipon,
paglalakad, at iba pa. Ngunit may mga kilos ding kailangang pag-isipan. Mahalaga na makita mo
kung ang pipiliin mo ba ay nakabatay sa makataong pag kilos. Narito ang mga yugto ng makataong
kilos ni Sto. Tomas de Aquino. Isip: pagkaunawasa layunin, paghuhusga sa nais makamtan,
masusing pagsusuri ng paraan, praktikal na paghuhusga sa pinipili, utos, at pangkaisipang
kakayahan ng layunin. Kilos-loob: nais ng layunin, intensiyon ng layunin, paghuhusga sa paraan ,
pagpili, paggamit, at bunga. Maaaring hindi tayo palaging may kamalayan sa yugtong ito o sa
pagkakasunod-sunod nito ngunit mahalaga na malaman ang bawat yugto upang maging gabay sa
bawat kilos sa araw-araw na buhay.

Ang bawat kilos ng isang tao ay may dahilan, batayan, at pananagutan. Sa anumang
isasagawang pasiya, kinailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masasamang idudulot nito.
Ang mabuting pagpapasiya ay isang proseso kung saan malinaw na nakikita ng isang tao ang
pagkakaiba-iba ng mga bagay-bagay. Sa anumang isasagawang proseso ng pagpapasiya, mahalaga
na mabigyan ito ng sapat na panahon. Malaki ang maitutulong nito sapagkat mula rito ay mapag
ninilayan ang bawat panig ng isasagawang pagpili. Ang tao na nagsasagawa ng pagpapasiya ng
hindi dumadaan sa tamang proseso at hindi nabibigyan ng sapat na panahon ay may may malaking
posibilidad na hindi maging mabuti ang resulta ng kaniyang pagpapasiya. Sa yugto ng iyong buhay
sa ngayon, napakahalaga na dumaan ka sa proseso bago ka magsasagawa ng pagpapasiya. Ito rin
ang magsisilbing gabay sa mga sitwasyon na kinakaharap mo sa ngayon.

Narito ang mga hakbang sa moral na pag papasiya: Magkalap ng latunay(look for the facts).
Mahalaga na saunang hakbang pa lamang ay tanungin mo na agad ang iyong sarili. Isaisip ang mga
posibilidad( Imagine possibilities ). Mahalaga na tingnan mabuti ang mga posibilidad na mga
pagpipiliang magagawa sa sitwasyon. Dito ay kailangang makita kung ano ang ang mabuti at
masamang kalalabasan nito. Maghanap ng ibang Kaalaman( Seek insight beyond your own ). Hindi
sa lahat ng oras o pagkakataon ay alam mo ang mabuti. Kailangan mo pa ring maghanap ng mga
magagandang kaalaman na maaaring makapagbigay sa iyo bg inspirasyon makagawa ng tamang
pagpapasiya. Tingnan ang Kalooban( Turn inward ). Ano ang sinasabi sa iyo ng iyong
kaloobantungkol sa sitwasyon? Ano ang sinasabi ng iyong konsensiya? Ano ang personal mong
nararamdaman ukol sa sitwasyon?. Umasa at magtiwala sa tulong ng Diyos( Expect and trust in
God's help). Tanging ang Diyos lamang ang nakaaalam ng pinakamabuti para sa atin, kaya't
napakahalaga na tumawag sa kaniya sa pamamagitan ng panalangin. Magsagawa ng pasiya(Name
your decision). Dito ay magsasagawa ka na ng pagpapasiya. Maaari mong tanungin ang iyong sarili
kung bakit mo ito pinili.

"Lagi mong tatandaan na sa lahat ng nilikha ng Diyos, ang tao lamang ang binigyan niya ng
isip at kilos-loob. Ito ay gamitin sa pagsasagawa ng mabuting paraan tungo sa magandang buhay"

You might also like