You are on page 1of 3

‘Pinas pugad ng Chinese illegal gambling

HINIKAYAT ni Bise Presidente Leni Robredo ang administrasyon para magsagawa ng hakbang laban sa

pagdagsa ng mga manggagawang Chinese sa bansa, lalo na ang mga nagtatrabaho sa Philippine
Offshore Gaming Operations (POGO).

Nababahala ang bise presidente dahil sa pagdami ng mga Chinese worker sa bansa, kasabay ng ilang
mga report na iligal umano ang pagpasok at pagtatrabaho ng ilan sa Pilipinas.

Kinuwestiyon ni Robredo ang pagbuhos ng mga Chinese gambling operation sa bansa gayong bawal ang
kahit anong uri ng pagsusugal sa China.

“Bakit natin pinapayagan dito na iligal nga sa kanila? Iyon iyong number one. Pangalawa, parang hindi
nga masabi kung ilan eksakto iyong nandito na sa atin, eh,” ani Robredo.

Para sa ikalawang pangulo, dapat na umanong balikan ang polisya at suriin kung ano ang dahilan ng

pananalagi ng mga Chinese national na nasa bansa.

“Tingin ko kailangan talagang balikan iyong polisiya, tingnan iyong mga nandito, ano iyong ginagawa 
nila, ligal ba iyong pag-stay nila nang matagal,” dagdag pa nito.

Giit pa ni Robredo, iligal sa China ang anumang uri ng pagsusugal, kabilang ang online gambling,
tanong nito, “Kung iligal sa kanila, bakit tayo iyong nagha-house?”

Nag-ugat ang komentong ito kasunod ng pangako ng Malacañang na pananagutin ang mga POGO

firm na iligal na tumatanggap ng mga manggagawang Chinese.

Kaugnay nito, pinaiimbestigahan ni Senador Win Gatchalian sa Senado ang diumano’y hindi 
nakokolektang buwis ng mga rehistrado at hindi rehistradong manggagawa ng POGO industry sa bansa.

Sa Senate Resolution No. 89, sinabi ni Gatchalian na nakakaalarma ang pagdagsa ng mga Chinese

POGO worker sa bansa kung saan tinatayang 130,000 indibidwal ang diumano’y hindi nagbabayad ng
tamang buwis sa pamahalaan.

“There is a need to review our capability and enhance our capacity to enforce our tax, immigration, and
labor laws to balance the protection we need to accord our people vis-a-vis to the contribution of
industries and foreign workers to the country’s economic growth,” sabi ng senador.

Batay sa komputasyon ng Department of Finance, mahigit sa P22.5 bilyon ang nalulugi sa kaban ng

bayan dahil sa ‘uncollected taxes’ mula sa mga manggagawa ng POGO.

Sabi ng Bureau of Internal Revenue (BIR), P18,750 ang hindi nakokolektang buwis kada buwan sa bawat
manggagawa ng POGO.

Noong Hulyo, nakakolekta ang BIR ng P200 milyon mula sa mga manggagawang dayuhan sa POGO

sector na karamihan ay Chinese. Hulyo ang unang buwan ng pangongolekta ng gobyerno sa withholding
tax mula sa mga dayuhang manggagawa.
Ayon kay Gatchalian, nahihirapan diumano ang BIR sa pag-isyu ng Tax Identification Numbers (TIN) para
sa mga foreign worker. Nitong Hulyo, nakapag-isyu ang BIR ng 10,000 TIN sa hindi rehistradong
manggagawa ng POGO sa Manila, Parañaque, at Pasay.

Sabi pa nito, ang pagkabigo ng gobyerno sa tutukan ang pagkolekta ng buwis sa POGO industry ay

malaking sampal diumano sa mga Filipino tax payer na regular na nagbabayad ng buwis sa pamahalaan.

You might also like