You are on page 1of 3

Balik Tanaw sa Maligayang Paglalakbay

Naghanda ako para sa gaganapin naming field trip. Malapit lang sa aming tahanan ang lugar kung
saan kami magkikita-kita. Habang naglalakad ako papunta sa tagpuan namin binabagabag ako ng aking
damdamin dahil wala akong kasama. Makalipas ang ilang minuto ay nagsidatingan narin ang iba pang mga
kasali sa field trip at nagsipuntahan kami sa kani-kanilang mga bus na gagamitin papunta sa mga pupuntahan
naming lugar. Hindi ako sanay sa biyahe kaya buong oras ng biyahe ay nakatungo lamang ako.

Nang makarating kami sa unang destinasyon namin ang Art in an Island ay medyo nawala ang kaba na
aking nararamdaman dahil kinausap na ako ng ilan kong mga kaklase at sinamahan nila ako. Naglibot kami
doon andaming kamangha-manghang mga artwork na pwede kang kumuha ng litrato na may ilusyon na
kung saan ay tila ba parang nandon ka mismo kasama ng mga paintings.Sa kalagitnaan ng aming paglilibot
ay pinapunta kami sa may gitna upang ipapanood samin ang holographic show tungkol kay Kristo. Matapos
ay tumambay muna kami sa cafeteria upang hintayin ang iba pang istudyante para sa pag punta naman sa
susunod na destinasyon. Nagsidatingan na sila at sumakay na ulit kami sa bus papunta sa susunod na
destinasyon.

Ang susunod naming destinasyon ay Rizal Park. Nang makarating kami sa Rizal Park ay pinapunta kami
sa lugar kung saan meron mga malalaking isyatwang bakal ni Rizal at nang mga sundalong pumatay sa
kanya. Makikita mo sa isang pader ang iba't ibang mga nasulat niya na nakaukit sa marmol. Miya-miya at
pinaupo kami para iplay ang audio drama ng nangyare bago patayin si Rizal. Ang akala ko nga ay gagalaw
ang mga istatwa ngunit representasyon lang pala ito kung paano pinatay si Rizal. Ramdam mo sa paligid
ang kalungkutan at takot. Matapos nito ay pinagpasyahan na ng karamihang bumalik sa bus para pumunta
sa susunod na destinasyon at magpalipas ng tanghalian.

Ang sumunod na destinasyon ay Ocean Park at ito narin ang huling pupuntahan namin. Dito sa lugar na
ito ang pinaka maraming ginawa at nakakapagod din, Bago kami maglibot ay kumain muna kami ng
tanghalian sa loob ng bus. Pagkatapos mananghalian ay pumunta na kami sa Ocean Park binigyan kami ng
ticket para makapaglibot. Ang daming pwede ng pasukan dito tulad na lamang ng isang malaking aquarium
na tila nasa ilalim ka ng dagat kasama mo ang mga isda habang naglalakad ka. Ibat ibang uri ng isda ang
makikita mo dito.Sa isang parte naman ng Ocean Park ang mga penguin. Malansa sa parte na ito pero sulit
parin dahil nakakaaliw ang mga penguin. Iba't ibang uri din ng species ng hayop ang nakita ko mula rito.
Matapos libutin lahat ng pwede mong libutin dito ay tinpon kami sa labas ng mall ng Ocean Park para
sabihang magpahinga at tatawagin kami ulit para panoodin ang Show. Sinulit ko ang oras na natitira nilibot
naming ang kabuuan ng Ocean Park pumunta kami sa tabi ng dagat tanaw mo dito kung gaano kalaki ang
dagat. Makalipas ang ilang minuto ay pinatawag na ulit kami pumila kami para makapasok sa loob ng pagga
ganapan ng show. Ang mga ibon ay para talagang nakakaintindi ng sinasabi ng mga nag aalaga dito. Ang
sea lion naman ay nakakamangha din ngumingiti ito kumakaway at sumasayaw. Nakakamangha ang mga
talento ng mga ibon at ng sea lion tila ba ay naturuan sila ng maayos at naalagaang mabuti. Pag katapos ng
show ay pinalabas ulit kami dahil hindi pa pwedeng panoodin ang sumasayaw na tubig na tinatawag itong
symphony dahil maaga pa kaya pinagala ulit kami ng ilang minuto. Hindi na kami umalis sa pwesto namin at
inintay nalang namin ang pagpapasok ulit samin. Maalipas ang ilang minuto ay pinapasok na ulit kami kanya-
kanya kami ng upuan pero dapat magkakasama na ang magkaklase dahil pagkatapos nito ay uwian na.

Nagsimula na ang symphony. Nakakamangha dahil ang mga tubig ay sumasabay sa musika at may
mga ilaw pang kasama na lalong nagpaganda dito. May mga larawan den ng isda ang lumitaw gamit ang
nakatutok na projector sa tubig. Ang sarap panoodin ng symphony buong magdamag. At sa dulo ng
symphony ay may mga fireworks na lalong nagpaganda dito. Matapos ang lahat ay bumalik na kami sa bus
para makauwi na.

Habang nakasakay sa bus pauwi ay nakatulog ako ngunit hindi gaanong katagal dahil nag iingay ang
aking mga kaklaseng lalaki, nagsisigawan para walang makatulog sa iba ko pang kaklase na natutulog. Hindi
nawala ang ingay at saya sa kanila hangang makarating sa tagpuan namin kanina para mag uwian sa kani-
kanilang bahay. Sobrang nakakapagod ang araw na iyon pero sulit ang lahat ng pagod dahil kahit sa maikling
oras ay andami kong natutunan at nakita ko kung gaano kalikhain at katalino ang mga Pilipino.
LAKBAY
SANAYSAY
FILIPINO SA
PILING LARANG
Johann Rexemei Salcedo

Ginoong Deacosta

You might also like