You are on page 1of 1

T.

TEST FILIPINO
9/8/19 3:12 PM

Pointers:
• Teoryang Pampanitikan
• Simbolismo
• Maikling Kwento
• Talasalitaan
• Pagsusuri sa Bahagi ng Kwento
• Kritikal na Pag-iisip
• Noli Me Tangere
○ Kaligirang pangkasaysayan

Teoryang Pampanitikan
• Realismo
○ Katotohanan
• Pormalistiko
○ Porma o Kaanyuan
• Feminismo
○ Kahalagahan ng kababaihan
• Humanismo
○ Tuon sa tao

Maikling Kwento
• Pagsusuri
○ Tauhan
§ Lapad at bilog
§ Protagonista at antagonista
○ Tagpuan
○ Banghay
§ Panimulang Pangyayari o Simula
□ Pagpapakilala ng mga tauhan, tagpuan, at suliraning kahaharapin
§ Papataas na Pangyayari O Saglit na Kasiglaan
□ Nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning
magpapasidhi sa interes o kapanabikan
§ Kasukdulan
□ Pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing
tauhan ang kanyang suliranin
§ Pababang Pangyayari
□ Matatamo ng pangunahing tauhan ang layunin
§ Resolusyon o Wakas
□ Magkakaroon ang kuwento ng isang makabuluhang wakas
○ Mahalagang kaisipan
• Kuwento ng Pag-ibig
○ Ang diwa ng kuwento ay ukol sa pag-iibigan ng pangunahing tauhan at ng
kanyang katambal na tauhan
• Kuwento ng Katutubong Kulay
○ Nangingibabaw sa kuwentong ito ang paglalarawan sa isang tiyak na pook,
ang anyo ng kalikasan doon at ang uri ng pag-uugali, paniniwala, at
pamumuhay ng mga taong naninirahan sa nasabing lugar
• Kuwento ng Katakutan
○ Matindi ang damdaming nagbibigay-buhay sa kuwentong ganito
○ Nakakapanaing ang damdamin ng takot at lagim na nalikha ng mga
pangyayari sa katha
• Kuwento ng Kababalaghan
○ Naglalaman ng mga pangyayaring mahirap paniwalaan sapagkat kasalungat
ito ng batas ng kalikasan at makatwirang pag-iisip
○ Kuwento sa komiks ukol sa mga punso, multo, at aswang
• Kuwento ng Katatawanan
○ Ang mga galaw at pangyayari ay magaan
○ May mga pangyayaring alanganin
○ May himig na nakatatawa ang akda

Talasalitaan
• Pagal = pagod
• Nagliliyab = nag-aapoy
• Nilukuban = tinakpan
• Naglaon = nagtagal
• Nakakahilakbot = nakakatakot
• Nanangis = umiyak
• Pagtunghay = pagtingin
• Pagkabuwal = pagkataob
• Kagyat = agad
• Dibuho = disenyo

Noli Me Tangere
• Buong pangalan: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
• Magulang: Francisco Alejandro
Teodora Quintos
• Araw ng kapanganakan: Hunyo 19, 1861
• Ipinanganak sa: lalawigan ng Laguna
• Ibig-sabihin ng Rizal: luntiang bukirin
• Tinapos ang pag-aaral ng medicina sa Madrid, Espanya
• 1884 nagsimulang mag-aral ng Ingles
• Ipinalimbag ang Noli Me Tangere sa Alemanya
• Pinatay noong ika-30 ng Disyembre, 1896
• Huling isinulat: Mi Ultimo Adios
• Itinuring erehe at filibustero:
○ Erehe: kalaban ng simbahan
○ Filibustero: kalaban ng gobyerno

Kaligirang Pangkasaysayan ng Noli Me Tangere


• Kauna-unahang nobelang isinulat ni Jose Rizal
• Isinulat sa DUGO at PUSO
○ Damdamin
○ Sakripisyo
○ Pagod
• Nagngangahulugang: Huwag Mo Akong Salingin
• Dahilan sa pagsulat:
○ Upang ipakilala ang karuwagan ng mga Pilipino
○ Upang sagutin ang mga paninirang loob na matagal nang panahong
ikinulapol sa mga Pilipino
○ Upang maipakita kung ano ang nasa likod ng madaya at nakasisilaw na
pangako ng pamahalaan
○ Upang ipabatid na relihiyon ang nagpapahirap at nagmamalupit sa mga
Pilipino
○ Upang matigil ang paggamit ng Banal na Kasulatan bilang instrumento ng
paghahasik ng kasinungalingan upang malinlang ang mga Pilipino
• Nakuha ang inspirasyon mula sa sulating 'The Wandering Jew' o 'Ang Hudyong
Lagalag'
• Layunin: makasulat ng nobelang gigising sa natutulog na damdamin ng mga
Pilipino at magsiwalat sa kabuktutan at pagmamalupit ng mga Espanyol

You might also like