You are on page 1of 2

HOROSCOPE

CAPRICORN (Disyembre 22 – Enero 19) – Para sa iyong kalusugan, umiwas sa iba’t ibang uri ng adiksyong
maaring magdulot ng pagod o sakit sa katawan lalo sa isipan. Sa karera, posibleng magkaroon ng
argumento para sa mga kasamahan sa trabaho, pag-aaral onegosyo. Maging mahinahon.

AQUARIUS (Enero 20 – Pebrero 18) – Para sa iyong kalusugan, umiwas sa mga mabibigat nagawain. Ito’y
maaarinng magdulot ng pasulpot sulpot na pananakit ng katawan ngayong taon. Sa karera, alisin ang
negatibong pag-iisip sa anumang may kinalaman sa direksyon ng trabaho at negosyo upang maiwasan
ang pagsasabotahe sa sariling tagumpay.

PISCES (Pebrero 19 – Marso 20) – Para sa iyong kalusugan, maging alerto sa karamdamang may
kinalaman sa paa, tiyan, pag-iisip at puson para sa babae. Sa karera, may bagong oportunidad sa trabaho
o negosyo para ngayong taon. Maging praktikal at ugaliing magpasalamat upang swerte ay lalong
makamtan.

ARIES (Marso 21 – Abril 19) – Para sa iyong kalusugan, iwasan ang overthinking ngayong taon upang
malabanan ang pagkairita at pagkabalisa. Sa karera, kung ikaw ay single, buksan ang puso’t isipan dahil
posible kang makipagrelasyon ngayong taon. Kung ikaw ay may relasyon na, umiwas sa pagiging
controlling.

TAURUS (Abril 20 – Mayo 20) – Para sa iyong kalusugan, Magkakaroon ng pabugso – bugsong sakit ng
likod sa kalagitnaan ng taon. Alagaan ang sarili. Sa karera, ang iyong taon ay magiging puno ng saya’t pag-
asa sa pangkalahatan. Iwasang magpadalus-dalos sa mga desisyon dahil sa pagiging masaya.

GEMINI (Mayo 21 – Hunyo 20) – Para sa iyong kalusugan, iwasan ang pag-inom ng alak. Ito’y magdudulot
lamang ng stress. Sa karera, magiging magulo ang kapaligiran at mga katrabaho. Umiwas kung
kinakailangan.

CANCER (Hunyo 21 – Hulyo 22) – Para sa iyong kalusugan, posibleng magkaroon ng respiratory illness sa
taong ito. Pangalagaan ang kalusugan sa tulong ng tamang pagkain at healthy lifestyle. Sa karera, mga
babae sa loob ng tahanan, negosyo o trabaho ay puwedeng pagmulan ng pagkairita. Matutong mag-
adjust upang argumento’y maiwasan.

LEO (Hulyo 23 – Agosto 22) – Para sa iyong kalusugan, mag-ingat sa posibleng epekto ng pagkain ng
masyadong maalat. Dagdagan ang pagkain ng mga gulay lalo na ang pag-inom ng tubig. Sa karera, huwag
palampasin ang oportunidad na parating upang palaguin ang karera. Maraming posibleng maging kaagaw
sa mga ito subalit sa iyo ito nakatadhana.
VIRGO (Agosto 23 – Setyembre 22) – Para sa iyong kalusugan, ang masyadong pag-iisip ay hindi
makaubuti sa pangkalahatang kalusugan. Matutong mag-go with the flow. Sa karera, para sa mga
empleyado, negosyante, estudyante o aplikante, ang taon a ito ay magiging puno ng pagdududa at
sakripisyo. Ngitian ang sitwasyon at magong matatag.

LIBRA (Setyembre 23 – Oktobre 22) - Para sa iyong kalusugan, bantayan ang lebel ng sugar sapagkat ito’y
maaring tumaas at maging point of concern sa mga darating na buwan. Sa karera, sinusubok ng kapalaran
mo ang tatag ng loob at kakayahang maging masaya at positibo sa mga pinagdaraanan mo sa iyong buhay
ngayong taon.

SCORPIO (Oktobre 23 – Nobyembre 21) – Para sa iyong kalusugan, alagaan ang sleeping patterns upang
insomia o mga komplikasyon sa pagtulog ay maiwasan. Sa karera, may tyansa sna ma-burn out sa mga
ginagawa sa taong ito. Libangin ang sarili.

SAGITTARIUS (Nobyembre 22 – Disyembre 21) – Para sa iyong kalusugan, pangalagaan ang lalamuan o
ang boses. Sunod-sunod na pagkapaos ay maaring mangyari sa taong ito. Sa karera, pag-alis sa iyong
comfort zone ang magiging hudyat ng pag-angat ng iyong trabaho, negosyo o pag-aaral sa kasalukuyan.

You might also like