You are on page 1of 1

Loved By The Rules

Nasanay si Dominic na nasusunod ang lahat ng gusto, nagagawa ang nais, at umaayon ang mga
pangyayari sa kanyang mga plano. Pero nang makilala niya si Jackie, taliwas sa lahat ng
kanyang mga plano ang naganap. Taliwas din ang mga katangian ng dalaga sa babaeng
pangarap niya. But he fell in love with her so much... pero nakahanda ba siyang tanggapin ang
mga kamalian nito... ang mga kapalpakan at kagagahan? Sumagot ang kanyang puso... to hell
with everything... gagawin niya ang lahat maging kanya lang ang dalaga....

Loved By The Rules – Kabanata 1

“THIS MEETING is adjourned!” maawtoridad na wika ni Dominic sa mga empleyadong dumalo


sa monthly meeting ng El Greco Advertising. “And next month, just make sure na mas magandang
report ang maibibigay ninyo sa akin, ha?” Nang isa-isa nang maglabasan ng conference room ang
mga ito at tuluyan nang napag-isa ang binata, hinarap naman niya ang mga pipiraman papeles
bago lumabas. Eksaktong alas-dose ay kaharap naman niya sa isang kilalang restaurant ang ka-
lunch meeting niya sa araw na iyon.

Isang business deal na nagkakahalaga ng multi-milyong piso ang pipirmahan nila ng ka-meeting
ngayon. Pagkagaling sa opisina ng board of directors ay bumalik sa opisina niya si Dominic. Inalam sa kanyang
may edad ng secretary ang mga susunod niyang meeting na kailangang matapos within three days bago siya
magbakasyon.

Kailangang maraming patakarang susundin para umasenso, at gusto niya pati ang mga taong makakatrabaho
niya ay may magagandang plano rin sa buhay nito, or else, they can’t get along with him.

You might also like