You are on page 1of 2

ANG ATING LOVESTORY

ni Cyrell A. Rondina

Minsan ng nasaktan dahil sa pagmamahal

Hinayaan kasi ang sariling kontrolin ng pusong hangal

Napapagod ng umibig pang muli

Ang matinding kirot na naranasan ay baka maulit

Ipinagkatiwala ko nalang sa diyos ang tungkol dito

"Kung iibig man, sana sa tamang tao", dasal ko

Lumipas ang panahon, dumating at nakilala ka

Nakakatawa, sa okasyong kasal pa talaga tayo, itinadhanang magkita

Kusa kang lumapit sa aming mesa

Nakipagkamay at aking pangalan ay kinuha

Kasama ko ang aking pamilya sa puntong iyan

Namangha talaga ako sa iyong katapangan

Umuwi ako na may kurba sa aking mga labi

Hindi matanggal sa isipan ang nangyari

Ito na ba ang matagal na hiling ng damdamin?

Ito na marahil ang sagot ng diyos sa aking panalangin

Ika'y nag friend request at ako'y nag-confirm naman

Bulong ng damdamin na kilalanin ka ng lubusan

Bunga nito ay ating pagkakaibigan

Sa tagal ng pag-uusap, loob nati'y nagkapalagayan


Taon ang lumipas bago kita sagutin

Sinigurado muna kung ako ba ay seseryusohin

Binusisi kung ikaw ba ay tulad lang ng ibang kalalakihan

Kalalakihan na ang babaeng pinagsawaan ay itatapon lang na parang laruan

Subalit nabatid ko, na iyong pagmamahal ay totoo

Kung kaya't matamis kong oo ay iyong natamo

Nagpapalitan ng "I Love You" at "I Miss You",

"Kumain ka na ba?", "Nagdala ka ba ng payong?"

Mga tanong na laging natatanggap sayo

Malayo sa isa't-isa, datapwat nagsisikap na ako'y makita

Marka nito ang iyong pagpapahalaga

Ating relasyon, hindi puro kaligayahan

Kahit nga mag-asawa, sabi ng bibliya ay may kapighatian

Ang mga pagsubok at hadlang na naranasan

Nagsilbing pundasyon ng ating pagmamahalan

Sana'y manatili sa walang hanggan

Itong totoong pag-ibig na ating ipinaglalaban

You might also like