You are on page 1of 2

Ang mga libro ay simbolo ng karunungan, nagsisilbing gabay ng mga mag-aaral sa kanilang pag-aaral.

Kaya naman maraming mga estudyante ang nagtatiyagang magbitbit ng mga mabibigat na libro sa
kanilang bag makapag-aral lamang.

Pero paano kung ang mga impormasyon sa mga librong ito, mali-mali pala?

Ayon kay Ginoong Antonio Go isang Academic Supervisor na nagsusuri ng mga librong ginagamit sa mga
eskwelahan, taon-taon na lang daw ay may nakikita siyang mga maling impormasyon sa mga textbooks
na ito. Ang masakit pa raw, hindi kailanman itinama ang mga mali sa mga librong ito.

Ilan sa mga maling impormasyon sa mga libro na kumakalat sa internet at nagviral ay ang mga
sumusunod:

1. Banana Rice Terraces na dapat ay Banawe Rice Terraces

2. Ang thermometer na sa halip na mercury ang laman ay tubig daw.

3. Ang retina ng mata, naging kurtina ang paglalarawan.

4. Ang Roxas Boulevard naging Bulabar Roxas

5. Sa Batangas raw makikita ang malaking bahagi ng itlog.

Ayon kay Ginoong Go, sa Grade 3 Araling Panglipunan pa lamang daw ay may 1,308 na errors na siyang
nakita. Kaya naman kung susuriin pa ang ibang libro baka umabot pa ang mga kamaliang ito ng libo-libo.
Bakit tila hindi ito napapansin ng publisher at ng pamunuan ng DepEd? Dagdag pa ni Ginoong Go sana ay
may Textbook Review Board para magsuri ng mga libro.

Ayon naman kay Rey Vargas miyembro ng Parent Advocacy for Children’s Education o PACE,
nakapanlulumo ang mga kamaliang ito sa mga librong ginagamit ng ating mga kabataan at posibleng
maka-apekto sa pagkatuto ng mga bata.
Sa panig naman ng Department of Education, Ayon kay Usec. Annalyn Sevilla , dumadaan sa evaluation
ang mga aklat bago ito malimbag at maging libro. Pero sa ngayon ang mga ginagamit sa mga paaralan ay
hindi textbook kung hindi mga “kagamitan ng mag-aaral” o learning materials para sa mga estudyante.
Ayon kasi sa batas hindi kasi pwedeng magpublish ang DepEd ng mga textbook. Habang hinihintay ang
mga nanalong supplier at contractor ng mga textbook ay gumawa muna sila ng alternatibo gaya ng
pagbili ng mga learning material. Dagdag pa ni Usec. Sevilla, buti nga raw at napapansin ito ng mga
magulang ng mga estudyante dahil sa edukasyon hindi lamang gobyerno ang dapat magbigay ng tamang
edukasyon, katulong din ang mga magulang ng mga estudyante.

Sa ngayon ay hinihintay na ng DepEd ang mga biniling textbook mula sa mga nanalong publishing house
at under review na rin ang mga learning materials na may mga maling impormasyon.

Sa mga kumakalat na kamaliang ito sa mga learning material at mga textbook, sino nga ba ng dapat
managot dito? Dahil sa huli, dapat pa ring isaalang-alang ang kapakanan ng mga estuyanteng gumagamit
ng mga aklat na ito para sa paghubog ng kanilang karunungan at hindi pagkatuto ng mga mali-maling
impormasyon.

You might also like