You are on page 1of 2

Maling Kasagutan

Iba’t iba ang reaksiyon ng publiko sa pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na muling ipatupad ang
mandatory Reserve Officer’s Training Corps (ROTC) sa mga senior high School student sa bansa.

Ang ROTC ay isang matagal nang programa ng gobyerno na layong ihanda ang mga kabataan sa
serbisyong pang-militar at upang maging bahagi sila ng Reserve Force ng Armed Forces of the Philippines
(AFP). Ang reserbang pwersang ito ay inaasahang siyang pupuno sa pangangailangan ng kasundaluhan
sakaling sumiklab ang digmaan o sakuna.

Ang ROTC ay isa sa mga kursong pagpipilian sa National Service Training (NSTP) program ng gobyerno, na
naglalayong ihanda ang mga kabataan sa paglilingkod sa bayan. Bukod sa ROTC, ang iba pang kurso sa
programa ay ang Civil Welfare Training Service (CWTS) at Literacy Training Service (LTS). Ang NSTP ay
mandatory sa lahat ng mga mag-aaral sa kolehiyo, batay sa NSTP Law of 2001. Subalit, maaaring pumili
ang mga mag-aaral kung alin sa tatlong kurso ng NSTP ang maaari nilang kunin.

Bago naisabatas ang NSTP Law of 2001, sapilitan ang pagkuha ng ROTC sa mga kolehiyo at wala itong
civilian welfare at literacy component. Ang naturang programa ay pugad ng pang-aabuso at katiwalian.
Naging kaugalian sa ROTC ang hazing o ang paggamit ng karahasan upang “subukin ang tapang, tatag at
katapatan” ng isang kadete.

Sa katunayan, ang hazing at katiwalian na ito ang pangunahing dahilan kung bakit naisabatas ang NSTP
Law of 2001 at ginawang optional ang ROTC sa mga paaralan. Ang pag-hazing at pagpatay noong 2001 sa
mag-aaral ng University of Santo Tomas na si Mark Welson Chua ay ang partikular na insidente na
nagresulta sa pagsasabatas ng NSTP Law of 2001.

Isa sa mga katuwiran ng Pangulo ay ang kawalan ng disiplina sa mga kabataan at ang kawalan ng
posibilidad na makatuwang na kabataan sa pangangailangan ng bansa pambansang seguridad.

Ayon sa pangulo, mas mangingibabaw 'di-umano ang pagiging patriotic o makabayan ng lahat sa
pangunguna ng mga kabataan kung sumailalim ang mga senior high school student sa ROTC subalit hindi
naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang ROTC ay garantiya sa pagkakaroon ng mga makabayan at
disiplinadong kabataan.

Mismong si Pangulong Duterte ang nagsabi na may nangyayaring aregluhan sa ROTC upang hindi na
kailangan pang dumaan sa training ang isang estudyante at makapasa na lang ito ng walang hirap.
Magiging ugat na naman ng korapsiyon ang ROTC na alam naman ng lahat na maraming mga estudyante
ang gumagawa ng paraan upang hindi na dumaan ng training.Hindi na kailangan ang mandatory kundi ay
gawing voluntary na lang upang bigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na talagang gustong mag-
ROTC at makaranas ng disiplina sa militar.

Kung gustong maging disiplinado ang mga kabataan ay magsilbing mabuting halimbawa ang mga lider ng
bansa katuwang ang maayos na gabay ng mga magulang at komunidad.

Ang hirap dito sa Pilipinas ay pabago bago ang patakaran na noon ay napagpasyahan na alisin ang
mandatory ROTC dahil naabuso ito at nagiging ugat ng korapsiyon at nagbibigay din sa ilang estudyante
ng kaisipan ng pagiging militar.

Kung talagang gusto ng gobyerno na maging handa sa anumang posibilidad ng giyera o mga banta sa
pambansang seguridad ay palakasin nito ang puwersa ng AFP at i-upgrade ang lahat ng mga armas at
kagamitan.Kahit maraming reserve officers sa bansa kung makaluma at pupugak-pugak ang kagamitan ng
AFP ay wala ring halaga.

You might also like