You are on page 1of 1

MAHIRAP BA AKONG IWASAN?

Sa kasalukuyang panahon ang lahat ng tao ay ;tinuturing na ang "Malusog na Pangangatawan ay isang
Kayamanan" dahil dito pinapanatili natin ang ating malusog na pangangatawan upang makaiwas sa sakit
at mabuhay nang masaya sa ating lipunan.Ngunit paano ang mga taong may HIV o AIDS ? Ano ang HIV o
AIDS at magiging dulot nito sa ating katawan ?

Ang HIV o AIDS ay isang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik sa iba't ibang tao. Ang sakit na ito ay
nagpapahina ng resistensya ng tao na siyang dahilan kung bakit unti unting bumabagsak ang katawan ng
taong mayroon nito.Ito rin ang dahilan kung bakit nagkaroon tauo ng iba't ibang uri ng sakit sapagkat
pinapahina nito ang ating immune system na siyang lumalaban sa mga sakit na maaring dumapo sa
atin.Ang sakit na HIV o AIDS ay sinasabing walang sintomas o anumang indikasyon at hindi rin ito
makikita sa taong mayroon nito o kung sino pang wala nito. Matinding depresyon at pagkahiya sa sarili
ang maaring maidulot nito sa taong mayroon nito.Ang HIV o AIDS ay nagbubunga rin sa katawan ng
pagbaba ng timbang at pagkakaroon ng sakit sa utak na konektado sa nervous system. Ang sakit na HIV
o AIDS ay sinasabing walang lunas ngunit may mga vaccine o bakuna para maiwasan ang sakit na ito.
Base sa mga datos ng iba't ibang bansa,karamihan sa mga biktima ng HIV o AIDS ay ang mga kabataan.
Kaya naman ang iba't ibang ahensiya at grupo sa iba't ibang parte ng mundo ay patuloy sa pagbibigay ng
kaalaman o "Awareness Campaign" tungkol sa sakit na HIV o AIDS.

Bilang kabataan nararapat lamang na tayo ang manguna sa pagpigil ng pagdami ng HIV/AIDS. Nararapat
lamang na puksain ang sakit na ito, nang sa ganon ay hindi na kumalat pa sa iba. Bilang kabataan ay
inaasahan tayong maging responsable sa mga gagawin nating bagay sapagkat ang pagiging mapusok ay
may inaasahang bunga na maaring makasama sa atin. Dapat nating alagaan at mahalin ang ating mga
sarili nang sa ganun ay makaiwas tayo sa sakit na HIV o AIDS. Magkaroon ng paggalang sa bawat
kasarian at limitahan ang sarili sa mga bagay na hindi pa dapat gawin.

You might also like