Professional Documents
Culture Documents
Pang Abay
Pang Abay
Ang pang-abay na pamanahon ay nagsasaad kung kailan naganap o magaganap ang kilos na
taglay ng pandiwa.
May pananda - nang, sa, noon, kung, kapag, tuwing, buhat, mula, umpisa, at hanggang
Walang pananda - kahapon, kanina, kanina, ngayon, mamaya, bukas, sandali, at iba pa
Ito ay nagsasaad ng lugar kung saan naganap ang pangyayari. Samakatuwid, ito ay nagsasabi
kung saan ginawa, ginagawa, at gagawin ang kilos sa pangungusap; sa ibang pananalita ay
tumutukoy ito sa pook na pinangyarihan, o pangyayarihan ng kilos sa pandiwa. Karaniwang
ginagamit ang mga pariralang may sa, kina o kay.
Ginagamit ang sa kapag ang kasunod ay isang pangngalang pambalana o isang panghalip.
Ginagamit naman ang kay at kina kapag ang kasunod ay pangngalang pantangi na pangalan ng
isang tao.
Halimbawa: "Maraming masasarap na ulam ang itinitinda sa kantina." ; "Nagpaluto ako kina
Aling Inggay ng masarap na mamon para sa kaarawan."
Ito ay naglalarawan kung paano naganap, nagaganap, o magaganap ang kilos na ipinahahayag ng
pandiwa. Ginagamit sa ganitong uri ng pang-abay ang mga panandang nang, na, at -ng.
Halimbawa nito ay magaling, mabilis, maaga, masipag, mabait, at iba pa.
Ito ay nagsasaad ng benepisyo para sa isang tao. Ito ay karaniwang binubuo ng pariralang
pinangungunahan ng para sa.
Halimbawa: "Dahil sa TPLEx, mas mabilis na ang biyahe mula Maynila hanggang Baguio."
Ito ay nagsasaad ng kondisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Ito ay may mga
sugnay o pariralang pinangungunahan ng kung, kapag/pag, at pagka.
Halimbawa: "Magiging maganda ang kalsada kung lilinisin nila ang mga nakakalat na basura."
Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ginagamit dito ang mga salitang oo, opo, tunay, sadya,
talaga, syempre at iba pang halimbawa.
Ito ay nagsasaad ng pagtanggi o pagtutol. Nilalagyan ito ng mga pariralang katulad ng hindi, di
at ayaw.
Ito ay nagsasaad ng timbang, bigat, o sukat. Sumasagot ang pang-abay na panggaano sa tanong
na gaano o magkano.