You are on page 1of 2

Ang Imperyong Ghana

Sumibol ang malakas na estado sa rehiyong dulot ng lokasyon nito sa timog na


dulo ng kalakalang Trans-Sahara. Ito ay Ghana na ang ibig sabihin ay “lupain ng mga
itim” sa Africa. Ang Ghana ay ang unang estadong naitatag sa kanlurang Africa.
Matatagpuan ito sa matabang lupain sa gitna at halos bukana kung saan nagtagpo ang
mga ilog ng Senegal at Niger, na ngayon ay nasasakop ng bansang Mali. Ang unang
mga tao na nanirahan sa rehiyong ito ay ang pangkat-etnikong Soninke. Sila ay
masisipag na negosyante na nagtitinda ng asin, ginto, at bakal.

Ang pangunahing mga lungsod ng Ghana ay ang Djenne, Timbuktu at Kumbi.


Ang Kumbi o Kumbi Saleh ay ang kabisera ng Ghana. Dito matatagpuan ang palasyo ng
hari, pook tanggulan, mga gusaling napapaligiran ng matataas na pader at ang sentro
ng kalakalan na kinaroroonan ng mga pamilihan at tirahan ng mga negosyanteng
muslim, maharlika, at manggagawa. Ang Timbuktu ay ang sentro para sa mga Caravan
na tumatawid sa Sahara. Ito rin ay sentro ng kalakalan at edukasyon. Ang Djenne ay
sentro ng koleksyon ng ginto at alipin.

Kinokontrol ng hari ng Ghana ang Gold-Salt Trade Routes sa buong kanlurang


Africa. Nagkaroon sa Ghana ng malaking pamilihan ng iba’t ibang produkto tulad ng
ivory, ostrich feather, ebony, at ginto. Ang mga ito ay ipinagpalit ng mga katutubo sa
asin, tanso, figs, dates, sandatang yari sa bakal, katad, at iba pang produktong wala
sila. Ayon sa manunulat na Arab na si Al Hamdani, ang Ghana ay may pinakamayamang
minahan ng ginto sa mundo. Ito ay matatagpuan sa bambuk sa ilog Senegal. Dahil sa
pagyaman nito, tinatawag ang Ghana na “lupain ng ginto”.

Malayang nakapagtatanim ang mga tao dulot ng matabang lupa sa malawak na


kapatagan sa rehiyon. Ang pagkakaroon ng sapat na pagkain ay isang dahilan kung
bakit lumaki ang populasyon dito. Sagana rin ang tubig upang punan ang
pangangailangan sa mga kabahayan at sa irigasyon.

Ang mga salik ng paglakas ng Imperyong Ghanitan a ay ang pagbili ng mga


kagamitang pandirigma na yari sa mga bakal at ang paggamit ng kabayo. Ginamit ang
mga sandatang gawa sa bakal upang makapagtatag ng mga kapangyarihan sa mga
grupong mahina ang mga sandata. Ang mga kabayo ay nagbibigay ligtas at mabilis na
paraan ng transportasyon para sa mga mandirigma nito. Ang mga taga Ghana ay
nakikipaglaban at nagtatrabaho para sa kanilang hari at imperyo. Nanguna ang Ghana
sa larangan ng militar at napasakamay nila ang malaking bahagi ng kanlurang Africa.
Dinala ng mga mangangalakal ng muslim sa Ghana ang kanilang relihiyon at
kultura. Hinirang ng hari ang ilang muslim bilang kanyang tagapayo at opisyal ng
kaharian. Unti-unti, tinanggapp at hiniram ng hari ang kasanayan sa teknolohiyang
militar at ideya sa pamamahala ng mga muslim. Ipinakilala rin ng mga muslim sa
kahariang Ghana ang kanilang wikang pasulat coinage at pamamaraan ng
pagnenegosyo. Dahil sa pakikipag-ugnayan ng mga taga Ghana sa mga mangangalakal
na muslim, marami sa kanila ay nahikayat sa islam.

Noong 1050, sinakop ang kaharian ng Ghana ng mga Almoravids. Ang mga
Almoravids ay isang pangkat ng mga berber. Sila ay mga relihiyosong muslim ng
hilagang Africa. Sinakop nila ang Ghana ngunit inabot ng dalawangpu’t isang taon bago
nila nasakop ang lungsod ng Kumbi. Sinira rin nila ang iba pang lungsod ng imperyo.
Sapilitan nilang kinolektahan ng taunang buwis ang mga tao at pinasanib sa islam.
Dulot nito, maraming taga Ghana ang lumikas sa ibang pook upang hindi mapilit na
sumanib sa islam.

Subalit panandalian lamang ang pagsakop ng Almoravids sa Ghana. Nag-aklas sa


kanila ang mga tao at naitaboy sila mula sa Ghana. Dahil dito, muling nagging isang
sentrong pangkalakalan ang Ghana. Gayunman, hindi ito pinamumunuan ng isang
haring katutubo, kung kaya’t iba’t ibang pinuno ng mga tribu ang namahala sa mga
bahagi ng matandang imperyo. Ngunit sa huli, ang Ghana ay ganap ng sasakupin ng
isang bagong makapangyarihang kaharian sa kanlurang Africa, at ito ay ang kaharian
ng Mali.

You might also like