You are on page 1of 16

See discussions, stats, and author profiles for this publication at: https://www.researchgate.

net/publication/315693373

KALIKASAN, KAUNLARAN, POLITIKA - Pagsusulong ng layuning pangkalikasan


sa eleksiyon 2016

Research · March 2017


DOI: 10.13140/RG.2.2.21478.01607

CITATIONS READS
0 4,741

1 author:

Paolo Encarnacion
University of the Philippines – Philippine General Hospital
1 PUBLICATION   0 CITATIONS   

SEE PROFILE

All content following this page was uploaded by Paolo Encarnacion on 29 March 2017.

The user has requested enhancement of the downloaded file.


KALIKASAN, KAUNLARAN, POLITIKA
Pagsusulong ng layuning pangkalikasan sa eleksiyon 2016

Paolo C. Encarnacion
2014-32390
Political Science 14 – TCD

Abstrak

Ang Pilipinas ay maituturing na isa sa pinakamayayamang bansa kung likas na yaman ang
magiging basehan. Sa kabila nito, patuloy na tumataas ang bilang ng mahihirap sa ating bansa.
Ang mga isyung kaakibat nito kagaya na lamang ng pagmimina at pabago-bagong klima ay
umiigting at ito‟y nakakaapekto sa lahat ng nabubuhay. Gayunpaman, patuloy ang pagkikibit-
balikat ng ating pamahalaan. Kaya naman, ang pananaliksik na ito ay isinagawa upang tukuyin
kung mayroon bang komprehensibong latag ang mga kandidato sa pagkapangulo sa eleksiyon
2016 para sa kalikasan at ang mga dahilan ng kawalan ng layuning pangkalikasan sa eleksiyon
partikular sa taong 2016 bilang isang pangunahing isyu at sa esentiya ay maisulong ito. Upang
maisakatuparan ang pananaliksik, nagsagawa ang mananaliksik ng panayam, sarbey, at pag-
aanalisa sa mga sekundaryang batayan. Matapos ang pananaliksik, lumabas na ang mga
kandidato sa pagkapangulo sa eleksiyon 2016 ay walang progresibong plano para sa
napakaraming isyung pangkalikasan. Ang ilan sa kanila, kung mayroon mang plano, ay hindi
naman masasabing para sa pag-unlad ng mga Pilipino. Lumabas rin na sa kabila ng mataas na
bilang ng mga nakakakuha ng impormasyon sa mga balita mapa-telebisyon o diyaryo, mayroon
pa ring mga isyung hindi gaanong nalalaman. Kasama na rito ang aksiyong isinasagawa ng
mamamayang Pilipino, ang “Green Vote Campaign,” upang maisulong ang mga isyung
pangkalikasan sa eleksiyon. Ayon kay Ginoong Bautista (2016), ito ay dahil ang mga
naghaharing-uri lamang rin naman ang may hawak nito. Lumabas rin na ang mga isyung
pangkalikasan ay hindi gaanong naisasama sa pang-araw-araw na usapan – isa marahil sa dahilan
kung bakit hindi nabibilang ang mga isyung pangkalikasan sa isa sa mga pangunahing isyu sa
eleksiyon 2016.

Keywords: boto, eleksiyon, layunin, kalikasan, pangulo, Pilipinas, politika

Ang likas na yaman ng Pilipinas

PERLAS NG SILANGAN – ito ang taguri sa Pilipinas, isang bansang matatagpuan sa Timog-

Silangang Asya. Ang lokasyon nito ay sinasabing bahagi ng Pacific Ring of Fire na sinasabing

dahilan sa pagkakaroon nito ng malaking bilang ng bundok at bulkan at malaking deposito ng

mineral. Itinuturing ito na isa sa pinakamayayamang bansa sa buong mundo sa usapin ng likas na

yaman. Sa usaping mineral, naitala na ikatlo sa ginto, ikaapat sa tanso, at ikalima sa nickel na

may pinakamaraming deposito ang ating bansa. Itinatayang US$ 1 trilyon ang halaga ng lahat ng

mga mineral na ito, apat na beses ng Gross Domestic Product (GDP) noong taong 2013 (Indophil

Resources NL n.d.). Sa usapin ng halaman, sinasabing higit-kumulang 2,000,000 uri ng halaman

ang matatagpuan sa ating bansa – marami sa mga ito ay dito lamang matatagpuan sa ating bansa

(Morgan n.d.). Higit-kumulang 1,200 naman ang bilang ng mga hayop na matatagpuan sa

Pilipinas (IBON Foundation Inc. 2006). Sinasabi rin na ang 30% ng kalupaan sa Pilipinas ay

Political Science 14 1 Encarnacion, PC


mayabong (Bautista 2016). Ipinapahiwatig lamang nito na napakalaki ng potensiyal ng Pilipinas

sa pagpapatubo ng halamanan o di kaya nama‟y mga sakahan. Mahalaga ang kalikasan sa

pagpapaunlad ng iba‟t iba pang sektor sa ating lipunan; para man ito sa industriya o agrikultura.

Anomang pinsalang mangyari dito ay tiyak na makakaapekto sa lahat ng organismo.

Ang kasalukuyang estado ng kalikasan sa Pilipinas

Kung ano ang siyang ikinayaman ng ating bansa, ang siya namang matinding pag-abuso ng tao

rito. Ang lahat ng likas na yaman na ito ay onti-onti nang nawawala at nasisira. 70% ng mga

bakawan ang nasira na nitong nagdaang mga dekada (Nilad, Earth Island Institute, PAWS, et al

2016). Ang mga bakawan ay isa sa mga itinuturing na tahanan ng mga hayop sa dagat.

Nangangahulugan lamang ito na kasama ng pagkaubos ng bakawan ay ang nakaambang

pagkaubos rin ng mga lamang-dagat. Sa usapin ng kagubatan, sinasabing 93% ng orihinal na

kagubatan sa Pilipinas ang nawala na nitong huling 500 taon (IBON Foundation Inc. 2006).

Noong 1934, tinatayang 57% ng bansa ang nasasakop ng kagubatan. Noong 2010, bumaba ito sa

23% (Tingnan ang Pigura 1) (Senate 2015). Mahalaga ang kagubatan sa bawat organismo. Dito

matatagpuan ang saribuhay, gayon na rin ang mga katutubo. Sa pagkasira ng mga ito, onti-onti

ring nauubos ang iba‟t ibang uri ng hayop at halaman. Napipilitan ring umalis ang mga katutubo

sa lupain ng kanilang mga ninuno – isang gawaing taliwas sa kanilang kultura. Isa sa mga

dahilan nito ay ang umiigting na mga aktibidad ng sangkatauhan, partikular ang patuloy na

pandarambong sa kalikasan ng mga nagsusulong ng huwad na kaunlaran. Ang mga likas na mga

nangyayaring sakuna ay umiigting dahil dito. Halimbawa na lamang nito ay ang isyu ng global

warming at climate change. Marami ang nagsasabing ang pinakamalaking dahilan nito ay ang

sistemang kaingin ng ating mga katutubo at ng mga ilegal na pagpuputol ng mga puno. Subalit,

ayon sa datos ng IBON Foundation Inc. (2006), maliit na porsiyento lamang ng kagubatan ang

nawawala sa pagkakaingin ng ating mga katutubo. Hindi ilegal na pagpuputol ng puno ang

dahilan, kung hindi ang mga legal. Halimbawa na lamang nito ay ang mataas na bilang ng

aprubadong timber license at mining permit sa ating bansa. Isa sa mga pribilehiyong natatamasa

sa pagkakaroon ng permiso sa pagmimina ay ang pagkakaroon nito ng karapatang magputol ng

puno sa anomang lugar na kaniyang pagmiminahan. Sa laki ng bilang ng permisong ibinibigay sa

Political Science 14 2 Encarnacion, PC


pagmimina na inaaprubahan taon-taon, hindi malayong ito ang maging dahilan ng pagkasira ng

kalikasan.

Ang patuloy na pagkasira ng mga tirahan ng iba‟t ibang saribuhay ay ang dahilan kung

bakit ang Pilipinas ang sinasabing ikaapat na may pinakamataas na bilang ng mga hayop na

nanganganib nang maubos (Nilad, Earth Island Institute, PAWS, et al 2016). Ang pagkasira ng

ating kalikasan ay ang pagkasira ng pamumuhay ng lahat maging ng mga tao sapagkat „bahagi

tayo ng kalikasan at nakadepende dito ang ating buhay‟ (Clemente Bautista, e-mail

correspondence, 3 Mayo 2016)1.

18
17
16
14
million hectares

12
10 10.6

8
7.2 6.8
6 6.5

4
2
0
1934 1969 1988 2003 2010

Pigura 1. Philippine Forest Cover, 1934-2010


Batis: World Bank (2009) at Forest Management Bureau (2012)

Inaksiyon ng gobyerno

Sa kabila ng nangyayari sa ating kalikasan, masasabing walang ginawang progresibong aksiyon

ang gobyerno upang solusyonan ito. Sa halip, lalo lamang pinaigting ng mga polisiyang

ipinatupad sa bawat administrasyong nagdaan sa ating bansa ang pagkasira ng ating kalikasan.

Isa na rito ang Republic Act 7942 o Mining Act of 1995 (MA 1995) – isang batas na

nagliliberalisa ng “industriya ng pagmimina” sa ating bansa. Naipatupad ito sa ilalim ng

pamumuno ni dating pangulong Fidel V. Ramos. Sa ilalim nito, ang mga naglalakihang

dayuhang korporasyon ay binibigyan ng iba‟t ibang benepisyo. Ilan sa mga ito ay ang timber

rights, water rights, at easement rights. Sa pagbibigay ng timber rights, malaya ang mga

korporasyon na putulin ang mga puno sa kabundukan nang sa gayo‟y maisagawa nila ang
1
Tingnan ang Apendise A para sa buong panayam kay Ginoong Clemente Bautista, pangulo ng Kalikasan-People’s
Network for the Environment

Political Science 14 3 Encarnacion, PC


pagmimina. Sa pagkakaroon ng water rights, masasabing pagmamay-ari ng mga korporasyon

ang anomang anyong-tubig na matatagpuan sa lugar na sakop ng kanilang permiso. Sa

pagkakaroon naman nila ng easement rights, malaya nilang napapaalis ang mga katutubo sa mga

lugar na kanilang pagmiminahan (Kalikasan Partylist 2012). Isa itong malaking pagtapak sa

kultura ng ating mga katutubo dahil naniniwala sila na ang lupa ang kanilang buhay. Kasama rin

sa ilalim ng MA 1995 ang pagbibigay sa mga kompanyang ito ng FTAA o Financial and

Technical Assistance Agreement. Sinasabi sa kasunduang ito na sa oras na ideklara ng mga

korporasyon na wala silang makukuhang mineral sa lugar na nakuhaan nila ng permiso ay

babayaran sila ng ating pamahalaan bilang kompensasyon (Kalikasan Partylist 2012). Marami

ang nagsasabi na malaki ang naitutulong ng industriya ng pagmimina sa pagtaas ng ating GDP.

Subalit, sinasabing 3% lamang ang napupunta sa GDP ng ating bansa. Tinatayang 0.7% lamang

ng ating GDP ang nagmumula sa industriyang ito (Badilla 2015). Bukod sa MA 1995, nariyan

rin ang mga batas na Forestry Code, Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), Fishery

Code, VFA, EDCA na kagaya ng nauna ay nagdudulot ng matinding pagkasira ng ating

kalikasan (Clemente Bautista, e-mail correspondence, 3 Mayo 2016).

Lalo pang pinaigting ang pagkasira ng ating kalikasan sa ilalim ng rehimeng Aquino. Isa

sa mga batas na naipatupad ay ang Executive Order no. 79. Sa batas na ito, napabilis ang proseso

ng pagkuha ng permiso sa pagmimina. Naipatupad rin sa ilalim ng rehimeng ito ang isang log

ban. Subalit, 10 buwan makalipas, nagkaroon ng mga susog sa nasabing batas na kung saan hindi

na kasama sa ipinagbabawal ang napuputol sa pagmimina. Bukod pa rito, patuloy ang pagdami

ng coal power plant projects. Maraming sakuna rin ang nangyari na idinulot ng pagpapabaya sa

pagmimina subalit walang aksiyong ginawa ang rehimeng ito. Ilang halimbawa na lamang ng

kasong ito ay ang Philex mine spill (2012), Citinickel mine spill (2013), Citinickel mine spill

(2014) (Bautista 2016).

Political Science 14 4 Encarnacion, PC


Pagsasantabi sa usaping pangkalikasan

Ang pandarambong sa ating kalikasan, taon-taon ay lumalala. Subalit tila hindi pa rin naisasama

sa pang-araw-araw na diskurso ng mga mamamayan ng ating bansa. Lumabas sa isang sarbey2

na 50% ng mga sumagot ang nagsasabing hindi ito palagi, at hindi rin naman hindi napag-

uusapan ang isyung pangkalikasan (Tingnan ang Pigura 2). Nananatiling „nasa antas komunidad

lamang‟ ang mga isyung kaakibat nito (Clemente Bautista, e-mail correspondence, 3 Mayo

2016). Mapapansin na sa pang-araw-araw na diskusyon ng mga tao, hindi napag-uusapan ang

mga isyung pangkalikasan sa kanayunan katulad na lamang ng isyu ng pagmimina, pagkaubos

ng kagubatan, at pagkaubos ng mga likas na yaman. Subalit, kung ating titingnan, maaaring hindi

kasalanan ng mga naninirahan sa kalunsuran ang kawalan ng impormasyon sa mga ito. Ang

midya mismo ay hindi ito itinatampok. Ayon kay Ginoong Bautista (2016):

[Ito ay] dahil pahapyaw o „di kaya mababaw lamang ang pagtalakay nito sa mga
mainstream media. Ang mga pangunahing mga pamilya at korporasyon na sumisira ng
kalikasan ay siya ring nagmamay-ari at kumokontrol ng mass media sa bansa. Kasama na
ang gobyerno.

Ang patuloy na pagkontrol ng mga naghaharing-uri sa isa sa mga pangunahing

pinagkukunan ng impormasyon ay isang paraan upang patuloy na maisulong ang kanilang

interes. Sa pamamagitan nito, hindi naipapaalam sa mga mamamayang taga-lungsod ang mga

ipinaglalaban at nararanasan ng mga nasa kanayunan. Ito ay mapa-telebisyon man o sa online,

ang masasabing mga pangunahing pinagkukunan ng impormasyon ayon sa isinagawang sarbey.

Ang mga naitatampok sa bawat porma ng midya ay pawang tumatalakay sa piling mga isyu.

Kadalasan, hindi nito naipapakita ang mga isyung kinakaharap ng mga nasa kanayunan.

30

25

20

15

10

0
1 2 3 4 5
Hindi kailanman narinig Palagi

Pigura 2. Kadalasan ng isyung pangkalikasan bilang usapin

2
Tingnan ang Apendise B para sa buong resulta ng sarbey

Political Science 14 5 Encarnacion, PC


Layunin ng isang makapangyarihang institusyon

Patuloy ang pag-aksiyon ng ating pamahalaan tungo sa pagliliberalisa ng ating mga industriya at

kalikasan. Bilang isang makapangyarihang institusyon, ang ating pamahalaan ay may

kakayahang tumugon sa mga problemang nakakabit sa ating kalikasan. Masasabing ang bawat

kandidatong tumakbo sa pagkapangulo ay may inihandang mga paraan upang solusyonan ang

problemang ito sa ating kalikasan. Subalit kung ating susuriin, wala sa mga ito ang tumatalakay

sa mga pangunahing isyu kinakaharap ng mga nasa kanayunan. Makikita na „walang

komprehensibo at seryosong plataporma na inihahapag ang mga kandidato sa pagkapangulo at

bise pangulo‟ (Clemente Bautista, e-mail correspondence, 3 Mayo 2016). Sa isang sarbey na

isinagawa ng Kalikasan-People‟s Network for Environment, lumalabas na hindi priyoridad para

sa mga kandidato ang mga isyung pangkalikasan. „Sa tingin nila, hindi siya magde-determine

kung iboboto sila ng mga botante. Contrary na pag pumunta ka sa areas, walang nagsasabi doon

na pro-mining sila‟ (Clemente Bautista, e-mail correspondence, 3 Mayo 2016).

Hindi masasabing walang kapangyarihan ang gobyerno na solusyonan ang kalakhan ng

mga isyung pangkalikasan. Ang gobyerno ay may kakayahang kontrolin at sa kalaunan ay lutasin

ang anomang isyung pinapalala ng sangkatauhan. Subalit, makikita ang pagkakaiba sa mga nais

at layunin. Ang sa kanila ay ang para sa ikabubuti ng mga nasa ibabaw ng tatsulok; taliwas sa

kung ano nais ng sambayanang Pilipino – ang pagpapabuti at pagmaksimisa nito para ikabubuti

ng bawat Mang Juan.

Kolektibong Aksiyon

Ang kawalan ng progresibong aksiyon ng gobyerno ay nagresulta sa inisyatiba ng iba‟t ibang

mamamayan upang maisulong ang mga progresibong adbokasiya para sa ating kalikasan. Nabuo

ang mga organisasyon kagaya na lamang ng Kalikasan-People‟s Network for Environment

(Kalikasan-PNE), Center for Environmental Concern-Philippines (CEC-Phil), at Ecowaste

Coalition. Ang mga organisasyong ito ay aktibong lumalahok sa mga diskurso tungkol sa

kalikasan. Nagsasagawa sila ng mga forum at educational discussions na kung saan ay

naimumulat nila ang mga nakikibahagi sa kasalukuyang kalagayan ng kalikasan ng ating bansa

gayundin sa inihahain nilang solusyon para rito. Upang lalo pang maisulong ang interes ng mga

Political Science 14 6 Encarnacion, PC


mamamayan sa usapin ng mga isyung pangkalikasan, nagsama-sama ang mga organisasyong

pangkalikasan at bumuo ng isang alyansang itinawag na Envi-Vote Alliance noong eleksiyon

2004. Ito ang koalisyon na nagsimulang magsulong ng layuning pangkalikasan sa eleksiyon, o

ngayo‟y mas kilala sa tawag na Green Vote, isang panawagan ng pagkakaisa sa pagboto ng

“makakalikasang kandidato” na nasimulan noong eleksiyon 2007.

Bukod pa rito, isa pa sa mga makabagong proyektong nailunsad ng mga pangkalikasang

organisasyon ay ang pagsasagawa ng Luntiang Bayan. Ito ay sa pangunguna ng mga sumusunod

na organisasyon: Earth Island Institute Philippines, Nilad, Miriam-College-Environmental

Studies Institute, Philippine Animal Welfare Society, Save Philippine Seas, Wild Bird Club of

the Philippines, Ecowaste Coalition, PIGLAS, Save Freedom Island Movement, Pull Out

COALition, Save Laguna Lake Movement, UP Green League, Miriam Environmental Planning

Organization, Minggan-UP Manila, at Minggan-UP Diliman. Nitong nakaraang eleksiyon,

tinukoy sa Luntiang Bayan kung sino sa mga nangangandidatong pangulo, bise-pangulo,

senador, at partido ang masasabing tunay na nagsusulong ng mga isyung pangkalikasan (Nilad,

Earth Island Institute, PAWS, et al 2016). Sa pamamagitan ng pag-aaral na ito, nakapaglabas ng

isang gabay sa mga nagawa at mga plano para sa ating kalikasan ng mga tumatakbo sa iba‟t

ibang posisyon.

Sa sarbey na isinagawa, lumabas na 69.2% ng mga sumagot ang hindi pa nakarinig sa

Green Vote Campaign. Nananawagan ito ngayon sa mas malawak na pagpapakalat upang mas

maiparating pa sa mga mamamayan at upang mas mabigyang-pansin pa ang mga isyung

pangkalikasan ng ating bansa.

Alam
Hindi alam

Pigura 3. Bilang ng may alam ukol sa “Green Vote Campaign”

Political Science 14 7 Encarnacion, PC


Bangon Pilipinas, Bagong Pilipinas

Mayaman ang Pilipinas ngunit naghihirap ang sambayanang Pilipino. Ilang dekada at eleksiyon

na ang nakalipas subalit walang makamasang solusyon ang nagaganap. Patuloy lamang ang

pagsira ng ating kalikasan sa ilalim ng mga dayuhan at ng piling mga tao.

Wala sa eleksiyon o sa susunod na pangulo ang magreresolba ng problema sa ating


kapaligiran. Nangangailangan ito ng isang gobyernong tunay na naglilingkod sa
mamamayan at kalikasan. Magagawa lamang ito sa isang radikal na pagbabago na
lalahukan ng mga mamamayan. (Clemente Bautista, e-mail correspondence, 3 Mayo
2016)

Walang anomang pagbabagong magaganap sa isang eleksiyong ang mga nakatataas rin

lamang ang pagpipilian at nakikinabang. Nananawagan ito sa isang panibagong eleksiyon; sa

isang panibagong proseso. Magaganap lamang ito sa sama-samang kilos ng sambayanang

Pilipino.

Mga Sanggunian

Badilla, Nelson. 2015. “Mining chips in only 3% to GDP – research group.” The Manila Times.
http://www.manilatimes.net/mining-chips-in-only-3-to-gdp-research-group/219466 (24
Mayo 2016)

Bautista, Clemente. 2016. “Green Vote 2016.” UP Manila ACLE 2016.

IBON Foundation, Inc. 2006. The State of the Philippine Environment. 3rd ed. Quezon City:
IBON Books.

Indophil Resources NL. n.d. “The Mineral Sector.” http://www.indophil.com/


investorinformation/the-philippines/the-mineral-sector (23 Mayo 2016)

Kalikasan Partylist. 2012. Philippine Mining Situation. http://www.slideshare.net/


KalikasanPartylist/mining-sit-kalikasan-pl-2012 (25 Mayo 2016)

Morgan, Lee. n.d. “List of Natural Resources in the Philippines.” USA Today. http://traveltips.
usatoday.com/list-natural-resources-philippines-54929.html (24 Mayo 2016)

Nilad, Earth Island Institute, Philippine Animal Welfare Society, Miriam College-Environmental
Studies Institute, Miriam Environment and Planning Organization, Save Philippine Seas,
UP Green League, UP Minggan, Save Freedom Island Movement, Save Laguna Lake
Movement, Pull Out COALition, Wild Bird Club, PIGLAS, Eco Waste Coalition,
“Luntiang Bayan Results Media Release,” Luntiang Bayan, 21 Abril 2016.

Nilad, Earth Island Institute, Philippine Animal Welfare Society, Miriam College-Environmental
Studies Institute, Miriam Environment and Planning Organization, Save Philippine Seas,
UP Green League, UP Minggan, Save Freedom Island Movement, Save Laguna Lake
Movement, Pull Out COALition, Wild Bird Club, PIGLAS, Eco Waste Coalition,
“Luntiang Bayan Results of Study,” Luntiang Bayan, 2016.

Philippine Congress. Senate. 2015. Philippine Forests at a glance. AG-15-01.

Political Science 14 8 Encarnacion, PC


Apendise A

Transkripsiyon ng panayam kay Clemente Bautista


Tungkol sa pananaw sa mga kumakandidato sa pagkapangulo
3 Mayo 2016, E-mail (online)

1. Mahalaga ba ang ating kalikasan? Bakit ninyo nasabi?


Oo. Dahil bahagi tayo ng kalikasan at nakadepende dito ang ating buhay.

2. Sa inyong palagay, pinapahalagahan ba ng pamahalaan, mula sa dati hanggang sa


kasalukuyang mga administrasyon, ang ating kalikasan? Bakit ninyo nasabi? Ano-ano na
ba ang mga polisiyang naipasa?
Hindi. Ang mga polisiya ay nagdudulot ng matinding pagkasira ng ating kalikasan tulad
ng Mining Act, Forestry Code, EPIRA, Fishery Code, VFA, EDCA at mga katulad na batas at
kasunduan.

3. Sa inyong palagay, napapansin ba ng mga kasalukuyang kumakandidato sa


pagkapangulo ang mga isyung pangkalikasan ng ating bansa? Paano ninyo nasabi?
Sa kalakhan ay hindi. Walang kumprehensibo at seryosong plataporma na inihahapag ang
mga kandidato sa pagkapangulo at bise pangulo.

4. Sa inyong tingin, madalas bang napag-uusapan ang isyung pangkalikasan sa ating


bansa? Paano ninyo nasabi? Ano sa inyong palagay ang mga salik nito?
Oo subalit ito ay nasa antas komunidad lamang. Dahil pahapyaw o di kaya mababaw
lamang ang pagtalakay nito sa mga mainstream media. Ang mga pangunahing mga pamilya at
korporasyon na sumisira ng kalikasan ay sya ring nagmamay-ari at kumokontrol ng mass media
sa bansa. Kasama na ang gobyerno.

5. Sa inyong palagay, ano ang mga pangunahing isyung pangkalikasan na dapat ay


solusyonan ng ating pamahalaan? Bakit ninyo nasabi?
Ang pagdami ng mga malalaking minahan, pagtatayo ng bagong coal power plants at
paglawak ng mga plantasyon. Ang mga proyektong ito ang pangunahing nagdudulot ng
pagkasira ng ating kagubatan at kontaminasyon ng ating mga ilog at dagat.

6. Sa inyong tingin, sapat na ba ang plataporma ng mga kumakandidato sa pagkapangulo


sa usapin ng ating kalikasan (kung mayroon man)? Paano ninyo nasabi?
Hindi sapat. Wala kasi silang plataporma.

7. Bukod sa mga naitanong, mayroon pa po ba kayong nais idagdag?


Wala sa eleksyon o sa susunod na pangulo ang magreresolba ng problema sa ating
kapaligiran. Nangangailangan ito ng isang gobyernong tunay na naglilingkod sa mamamayan at
kalikasan. Magagawa lamang ito sa isang radikal na pagbabago na lalahukan ng mga
mamamayan.

Political Science 14 9 Encarnacion, PC


Apendise B.1

SURVEY FORM (SAMPLE)

Magandang araw!

Ako po si Paolo C. Encarnacion, isang mag-aaral na kasalukuyang kumukuha ng programang


Bachelor of Arts in Development Studies sa Unibersidad ng Pilipinas – Manila. Bilang isa sa
rekisito sa kursong Political Science 14 (Philippine Politics), nagsasagawa po ako ng isang pag-
aaral na pinamagatang Kalikasan, Kaunlaran, at Politika na siyang tatalakay sa layuning
pangkalikasan ng mga tumakbong kandidato sa pagkapangulo nitong nagdaang eleksiyon.

Layunin ng pananaliksik na ito na tukuyin ang dahilan ng kawalan ng layuning pangkalikasan


bilang isa sa pangunahing usapin noong nakaraang eleksiyon.

Upang mas mapabuti ang isinasagawa kong pananaliksik, nagsasagawa ako ng sarbey sa mga
Pilipinong 18 taong gulang pataas.

Kung mayroong katanungan, maaari akong kontakin sa aking e-mail


(paoloencarnacion@gmail.com). Maraming salamat sa iyong partisipasyon!

□ Pumapayag ako na magpartisipa sa sarbey na ito.


Pangalan (Opsiyonal):
Edad:
Kasalakuyang Tirahan:
Probinsya:

Alin sa mga sumusunod ang kadalasan mong pinagkukuhaan ng balita?


□ Telebisyon
□ Diyaryo
□ Social Networking Sites (Facebook, Twitter, atbp.)
□ Mga sikat na online news sites (Manila Bulletin.com, Inquirer.net, atbp.)
□ Mga alternatibong online news sites (Bulatlat.com, pinoyweekly.org, atbp.)
□ Usapan sa pang-araw-araw
□ Iba pa: _____________
1. Naniniwala ka bang mahalaga ang kalikasan?

□ Oo
□ Hindi
2. Sa tingin mo ba ay mahalagang mapag-usapan ang mga isyung pangkalikasan?

□ Oo
□ Hindi
3. Nakaapekto ba sa iyong pagboto ng kandidato sa pagkapangulo nitong nakaraang eleksiyon
ang pagsasama ng isyung pangkalikasan sa kaniyang plataporma? (Kung hindi nakaboto, isipin
na kung bibigyan ng pagkakataong makaboto)

□ Oo
□ Hindi
4. Naniniwala ka bang mayaman sa likas na yaman ang ating bansa?

□ Oo
□ Hindi

Political Science 14 10 Encarnacion, PC


5. Alam mo ba ang mga isyung pangkalikasan?

□ Oo
□ Hindi
5.1. Kung oo, i-tsek lahat ng mga isyung iyong nababalitaan o naririnig sa usapan.

□ Solid Waste Management


□ Pollution
□ Climate Change
□ Global Warming
□ Mining
□ Illegal Logging
□ Illegal Fishing Methods
□ Land-use Conversion
□ Land reclamation
□ Sustainable development
6. Saan mo ito madalas mabalitaan o marinig?

□ Telebisyon
□ Diyaryo
□ Social Networking Sites (Facebook, Twitter, atbp.)
□ Mga sikat na online news sites (Manila Bulletin.com, Inquirer.net, atbp.)
□ Mga alternatibong online news sites (Bulatlat.com, pinoyweekly.org, atbp.)
□ Sariling karanasan
□ Iba pa: ____________

7. Gaano mo kadalas marinig sa mga usapan sa araw-araw ang mga isyung ito? *

□ 1 (Hindi kailanman narinig)


□ 2
□ 3
□ 4
□ 5 (Palagi)
8. Sa iyong palagay, ang mga plataporma ba para sa kalikasan ng mga kumandidato sa
pagkapangulo ay tunay na makatutulong sa ating bansa?

□ Oo
□ Hindi tiyak
□ Hindi
□ Hindi nabalitaan ang tungkol rito
9. Nabalitaan mo na ba ang tungkol sa "Green Vote Campaign"?

□ Oo
□ Hindi

Political Science 14 11 Encarnacion, PC


Apendise B.2

RESULTA

Pangalan:
 Dimas  Alfreid  Jo
 Jian  Clark Tyrone A.  AA
 Rafael, Joshua Galapin  Elaine Lazaro
 Pretty Pau  Gigi Knifefish
 ETF  sarrah
Edad:
11

3 18 taong gulang
19 taong gulang
14
20 taong gulang
33
21 taong gulang
23 taong gulang

Kasalukuyang Tirahan:

Marikina
Rizal
Isabela
Pasay City
Bulacan
Caloocan City
Cavite

0 5 10 15 20 25

Probinsya:
 Bulacan  Pampanga  Batangas
 Metro Manila  Isabela  Cagayan Valley
 Wala  Isabela at Samar  Siquijor
 Metro Manila  Rizal  None
 Wala  Pangasinan  Batangas

Political Science 14 12 Encarnacion, PC


 Metro Manila  Quezon  Manila
 Rizal  cebu  Pampanga
 NCR  Isabela  None
 n/a  Metro Manila  NCR
 Pangasinan  Nueva Ecija  NCR
 Wala  Isabela  Camiling, Tarlac
 Pampanga  Pampanga  NCR
 Marilao, Bulacan  San Pablo, Laguna  Bicol
 Tarlac  Pangasinan,  San Jose del
 Metro Manila Bulacan Monte, Bulacan
 Batangas  Nueva Ecija
 Isabela  Laguna

Political Science 14 13 Encarnacion, PC


Political Science 14 14 Encarnacion, PC
Political Science 14 15 Encarnacion, PC

View publication stats

You might also like