You are on page 1of 3

Divisions of City Schools

LOZANO HIGH SCHOOL (NSNHS Extension)


Purok Cabuay, Sinawal, General Santos City
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
SY 2019 - 2020
ARALING PANLIPUNAN 7

PANGALAN:____________________________________________ Iskor: ____________________

PANUTO: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong bago sagutin ang bawat katanungan. Piliin ang titik
ng tamang sagot at isulat ito sa patlang bago ang bilang.

___1. Ito ay ang pag-aaral sa katangiang pisikal ng mundo.


a.Heograpiya b. kapaligiran c. Pisikal d. Kultura
___2. Ang bansang ito ay may pinakamalaking deposito ng ginto sa buong mundo.
a. Tajikistan b. Kyrgyztan c. Uzbekistan d. Pakistan
___3. Ito ay ang inaasahang haba ng buhay.
a. GDP per Capita b. GDP c. Migrasyon d. Life Expectancy
___4. Malayong lugar,malayo sa mga urbanisadong lugar ngunit apektado ng mga pangyayari sa teritoryong
sakop ng lungsod.
a. Habitat b. Hinterlands c. Ecological Balance d. Deforestation
___5. Ang kabuuang panloob na kita ng isang bansa sa loob ng isang taon.
a. Gross Domestic Product c. Unemployment Rate
b. GDP per Capita d.Literacy Rate
___6. Balanseng ugnayan sa pagitan ng mga bagay na may buhay at ng kanilang kapaligiran.
a. Habitat b. Hinterlands c. Ecological Balance d. Deforestation
___7. Ito ay ang pinakamalaking kontinente sa sukat at populasyon.
a. South America b. Antarctica c. Africa d. Asya
___8. Ang zero-degree latitude at humahati sag lobo sa hilaga at timog na hemisphere nito.
a. prime meridian b. latitude c. equator d. longitude
___9. Ang bansang ito ang may tagapagluwas ng petrolyo sa buong mundo.
a. Saudi Arabia b. Kuwait c. Oman d. Japan
___10.Tumutukoy sa bahagdan ng populasyon na marunong bumasa at sumulat.
a. Literacy Rate c. Life Expectancy
b. Population Growth Rate d. GDP
___11. Mga distansyang angular na nututukoy sa silangan at kanluran ng prime meridian.
a. latitude c. prime meridian
b. longitude d. International Date Line
___12. Ito naman ay ang zero-degree longitude.
a.prime meridian b. latitude c. equator d. longitude
___13. Ito ang bumubuo sa malaking bahagdan ng Bhutan. Karaniwan silang naninirahan sa gitna at kanlurang
bahagi ng bansa.
a. Tajik b. Arab c. Manchu d. Ngalops
___14. Isa sa mga produktong panluwas ng Hilagang Asya ay ang ___________
a. caviar (itlog) b. palm c. reptile d. silkworm
___15. Ano ang pangunahing ikinabubuhay ng mga tao sa mga bansang nabibilang sa Timog Asya?
a. Pangingisda b. Pagmimina c. Pagsasaka d. Pagtotroso
___16. Isa sa mga katangian sa populasyon ng Asya kung saan ang bansang ito ang may pinikamataas na
unemployment rate.
a. Tajikistan b. Turkey c. Yemen d. Syria
___17. Anong bansa ang may pinakamalaking populasyon?
a. Pilipinas b. Indonesia c. India d. China
___18. Ang bansang ito ang may pinakamataas na life expectancy.
a. Japan b. Jordan c. Maldives d. Pilipinas
___19. Ang bansang ito ang nangunguna sa produksiyon ng Dates.
a. Iran b. Pakistan c. Iraq d. Syria
___20. Tirahan ng mga hayop at iba pang mga bagay.
a. Habitat b. Salinization c. Red Tide d. Global Climate Change
___21. Tawag sa malaking masa ng lupain sa mundo.
a. Kontinente b. Asya c. Africa d. Daigdig
___22. Tawag sa pandarayuhan o paglipat ng lugar o tirahan.
a. Migrasyon b. Populasyon c. GDP d. Life Expectancy
___23. Tumutukoy sa dami ng tao sa isang lugar/bansa.
a. Life Expectancy c. Populasyon
b. Pandarayuhan d. Unemployment rate
___24. Tumutukoy sa bahagdan ng populasyong walang hanapbuhayo pinagkakakitaan.
a. Migrasyon b. GDP per Capita c. GDP d. Unemployment Rate
___25. Ito ay tumutukoy sa pagkakapareho at pagkakaiba ng mga tao ayon sa kultura,wika at etnisidad nito.
a. Non-Tonal Language b. Etnolingguwistko c. Rachu d. Tonal
___26. Isa sa mga sinaunang tao sa daigdig. Sila ay naninirahan mula pa noong huling bahagi ng panahon ng
paleolitiko.
a. Tajik b. Arab c. Manchu d. Ngalops
___27. Sa ilang rehiyon ba nahahati ang Asya?
a. 2 b .3 c. 4 d. 5
___28. Ang Tibetan Plateau ay itinuturing na pinakamataas na talampas at tinaguriang.
a. Roof of Asia c. Roof of America
b. Roof of China d. Roof of the World
___29. Ito ay isang tuyo at tigang na lupain.
a. Bulubundukin b. Kapatagan c. Tangway d. Disyerto
___30. Ano ang pinakamataas na bundok sa buong mundo na may taas na halos 8,850 metro na nakahanay sa
Himalayas?
a. Suez Canal b. Mt.Everest c. Tibetan Plateau d. Hundreds Islands
___31. Iba-iba ang vegetation cover sa iba ibang bahagi ng Asya. Ano kaya sa tingin mo ang dahilan?
a. Iba-iba ang klima sa buong Asya.
b. Hindi mataba ang mga lupa sa Asya.
c. Nagbabago ang klima ng buong Asya dahil sa pagbabago ng monsoon.
d. Namamatay ang mga halaman sa mga lugar na may pantay na tag-init at tag-ulan.
___32. Gaano ba kahalaga ang mga likas na yaman sa pamumuhay ng tao?
a. Nakakaaliw itong aksayahin.
b. Ito ay may hatid na delubyo sa atin.
c. Dito tayo kumukuha ng ikinabubuhay natin.
d. Nagiging malaki ang pakinabang ng mga likas na yaman sa atin.
___33. Ang bansang Japan ay nangunguna sa industriya ng telang sutla. Paano ba nila nasisiguro na
napaparami nila ang mga silkwormna pinanggalingan ng telang sutla?
a. Pinagmasdan nilang maigi ang mga silkworm.
b. Sinisigurado nila na marami silang produktong tela.
c. Nagtatanim din sila ng mulberry na pagkain ng mga silkworm.
d. Hinahayaan na lamang nila ito na mabuhay sa malamig na lugar.
___34. Dahil sa walang habas na pagpuputol ng mga puno, nauubos ang mga punongkahoy sa mga kagubatan.
Gaano ba kahalaga na mapanatili ang mga kagubatang ito?
a. Ito ay nagbibigay ng tulong sa atin sa pamamagitan ng mga bunga nito at mga punong maaaring
gawing kasangkapan.
b. Ang mga punong ito naglalabas ng oksiheno na kailangan ng mga hayop sa paghinga.
c. Pinipigilan nito ang pagbaha at landslide
d. Lahat ng nabanggit
___35. Bakit mahalagang pangalagaan ang ozone layer?
a. Ito ang nagpoprotekta sa mga may buhay sa mundo mula sa masamang epekto ng radiation na
dulot ng ultraviolet rays.
b. Nagiging tirahan ng mga ibon na limilipad sa himpapawid.
c.Nababawasan ang lubhang pag-ulan.
d. Tinatakpan nito ang sikat ng araw.
___36. Ang Asya ay nahahati sa ilang mga rehiyon. Sinasabing ang Hilaga at Kanlurang Asya ay kadalasang
tinitingnan bilang magkaugnay. Ano ang dahilan sa pagkakaugnay nito?
a.Iisa ang kanilang paraan sa paglinang sa kapaligirang pisikal.
b. Halos magkapareho ang mga porma ng anyong lupa at anyong tubig rito.
c. Ang dalawang ito ay may iisang uri ng klima na nakakaapekto sa pamumuhay ng mga tao rito.
d. Ito’y napasailalim sa halos parehong karanasan sa larangang historical,kultural,agrikultural at sa
klima.
___37. Ang pagkakaiba-iba ng klima sa Asya ay bunsod ng iba-ibang salik kabilang na rito ang lokasyon at
topograpiya ng isang lugar. Kung sa kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang Asya naman ay mahaba
ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
a. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init,taglamig,tag-araw at tag-ulan.
b. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyonna nababalutan ng yelo.
c. Mahalumigmig,taglamig,tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t ibang buwan sa
loob ng isang taon.
d. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.
___38. Alin sa sumusunod na pahayag ang hindi kabilang sa mga katangiang pisikalng kontinente sa Asya?
a. Ang hangganan ng Asya sa iba pang mga lupain ay maaaring nsa anyong lupa o anyong tubig.
b. Ang Asya ang tahanan ng iba-ibang uri ng anyong lupa,tangway,
kupuluan,bundok,kapatagan,talampas,disyerto at kabundukan.
c. Taglay ng Asya ang napakaraming uri ng mga kapaligiran batay sa mga tumutubong halaman.
d. Ana iba-ibang panig ng Asya ay nagtataglay ng isang uri ng klima na may malaking implikasyon sa
pamumuhay ng mga tao.
___39. Ano ang mahalagang papel ang ginagampanan ng mga anyong lupa at mga anyong tubig sa
pamumuhay ng mga Asyano?
a. Nagsisilbi itong tagasuplay ng mga kayamanan sa mga Asyano
b. Nagsisilbi itong pinagkukunan ng kabuhayan ng mga mamamayang Asyano
c. Nagsisilbing tanggulan laban sa mga kaaway
d. Wala sa nabanggit
Tunghayan ang talahanayan sa ibaba para sa sa mga katanungan mula sa bilang 40-43

BANSA POPULASYON BAHAGDAN NG


MARUNONG BUMASA
Afghanistan 28,149,916 29.0
Armenia 3,082,951 99.6
Bangladesh 162,220,762 56.8
China 1,345,750,973 92.2
India 1,198,003,272 74.04
Japan 127,156,225 99.0
North Korea 23,906,070 99
South Korea 48,332,820 97.9
Malaysia 27,467,837 88.7
Pilipinas 91,983,102 92.6

___40. Ayon sa talahanayan,alin sa mga bansang naisulat ang may pinakamalaking bilang ng populasyon?
a. China b. India c. Japan d. Pilipinas
___41. Alin sa mga bansa ang may pinakamaliit na bilang ng populasyon?
a. Malaysia b. Armania c. Japan d. India
___42. Alin sa mga bansa ang may painakamaliit na bahagdan ng marunong bumasa?
a. Bangladesh b. North Korea c. Afghanistan d. South Korea
___43.Ano ang bahagdan ng mga taong marunong magbasa sa Pilipinas?
a. 74.04 b. 88.7 c. 92.6 d. 97.9
___44. Paano nakaapekto sa using bansa ang mataas na unemployment rate nito?
a. Maraming pamilyang magugutom
b. Ana mga walang hanapbuhay ay gagawa ng hindi maganda bunsod na walang ipantustos sa
pamilya.
c. Mangibang bansa upang doon maghanapbuhay.
d. Lahay ng nabanggit.
___45. May kaugnayan ba ang edukasyon sa antas ng pag-unlad ng isang bansa?
a. Kahit hindi sapat ang edukasyon ng isang tao maaari parin itong makatutulong sa pag-unlad ng
bansa.
b. Mahalaga ang edukasyon sa antas ng pag-unlad ng isang bansa sapagkat mapabilis nito kaunlaran
kung ang bawat isa ay may sapat na kaalaman.
c. Hindi sa antas ng edukasyon ang basehan ng kaunlaranng isang bansa.
d. Lahat ng nabanggit.
___46. Uri o tawag ng mga halaman sa isang lugar tulad ng pagkakaroon ng kagubatan o damuhan.
a. Vegetation cover b. Land cover c. Land conversion d. Hinterlands
___47. Uri ng damuhang may ugat na mababaw o shallow rooted short grasses.
a. Prairie b. Tundra c. Steppe d. Savanna
___48. Lupaing may damuhang mataas na malalalim ang ugat o deeply rooted tall grasses.
a. Prairie b. Tundra c. Steppe d. Savanna
___49. Lupaing pinagsamang mga damuhan at kagubatan.
a. Prairie b. Tundra c. Steppe d. Savanna
___50. Tawag sa lupain na kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno dahil sa malamig na
klima.
a. Prairie b. Tundra c. Steppe d. Savanna

You might also like