You are on page 1of 2

Ako’y pumikit at nag-isip. Kalayaan ba’y makakamtam pa?

At nagsimulang umawit

ang mga ibon sa paligid. Para akong lumilipad sa himpapawid. Bumalik ang nakaraan. Buhay

na kahit kalian ay hindi ko inasam. Katauhang nababalutan ng rejas ng kasinungalingan.

Buhay na tinuturing na selda ng karamihan, kasama ang mga masasamang kaibigan.

Nagsimulang dumilim ang kalangitan. Nagsimulang mawala ang palamuti sa kalawakan, ang

buwan ay nagtago sa likod ng kaulapan, tila sila’y sumasang-ayon sa aking nararamdaman.

Nagpupumiglas upang makawala sa kadena. Pilit kong kumawala sa selda. At heto… ito na

nga. Ang aking pinakahihintay. Gamit ang aking lakas at ng dahil sa itaas, nakamtan na nga

ang kalayaang aking inaasam-asam. Ako’y Malaya… ako’y lumilipad sa lawak ng kalangitan,

malamig na hangin ang dumampi sa aking katawan. At ngayo’y aking napagtanto, ako’y isang

agilang nakawala sa hawla sa matagal na panaho’y nabilanggo.


Naalala niyo pa ba? Noong mga panahong tayo ay nasa ibaba? Hindi mailarawang

pagdurusa’t pasakit na ating tinamo sa mga dayuhang malupit? Pang-aalipusta’t pwersahang

patatrabaho, upang sa mga mananakop ay masunod ang luho? Ngunit hindi ito naging

hadlang upang ang mithiin ng mga bayani’y maglaho.

Naalala niyo pa ba? Noong mga panahong tayo’y minamaliit? Niyurakan an gating

pagka-Pilipino’t pinagmalupitan ng may bahid ng mga panlalait? Inangkin ang lupang hindi

sa kanila, inabuso pati mga bata’t matatanda na walang kalayaang tulad ng agila. Nang dahil

sa kawalan ng kapangyariha’y sa agos ng karahasa’y nagpahila. Naaalala nyo pa ba? Ang mga

iresponsableng gobernador-heneral na wala namang mabuting pangaral? Kundi mga pang-

aabuso’t kasakiman. Sa mga Pilipinong hindi natinag kalian man! Maraming inosente ang

dugo’y dumanak. At ang inang baya’y nagtangis para sa kanyang mga anak. Naalala niyo pa

ba? Marahil ay hindi na, o baka naman oo, pero napilitan.

Kahit ano pama’y minarapat lamang na ating pasalamatan. Ang hindi

maikukumparang katapangan ng ating mga bayani. Ang bunga ng kanilang paghihirap ay

atin din ngayong inaani. Tanging sigaw ng kanilang adhikain. Ang kalayaang tulad ng

kalawaka’y kanilang mithiin. Marahil ngayon ay naaalala niyo na. Paglaya ng ating

tinubuang lupa’y nakamtan, buhay man ang kapalit nitong ating kalayaan, dugo’t pawis

naman nila’y para sa kabutihan. Kanilang regalo’y nasa ating mga kamay, upang ang ating

kalayaa’y magsilbing gabay. At ngayong araw, tayo’y nakatakda upang sa kanila ay mag

bigay pugay!

You might also like