You are on page 1of 1

Simula sa pinakaunang pagtatalakay sa asignaturang ito, masasabi ko na ako’y natuto

ng lubos sa tamang pagsulat, pagsasaliksik, pag-iisip gamit ang wikang Filipino.


Napagtanto ko na hindi lang ang pisikal na pagsulat ang nagbibigay buhay sa isang
sulatin sapagkat ang tunay na bumubuo rito ay ang nilalamang nararapat at makatutulong
hindi lamang sa pansarili kundi sa pangmaramihan. Natuto rin akong magsulat ng isang
akademikong papel at natutunan ang mga disiplina at kahalagahan nito. Natutunan ko
ring hindi biro ang paggawa ng isang sulating pang-akademiko dahil nangangailangan ito
ng maraming oras ng pananaliksik at pag-oorganisa ng mga datos na iyong
nahanap. Hindi lamang pagsulat ang aking natutunan, kundi natuto din akong sumuri ng
ibang akademikong papel. Makatutulong ito sa akin lalo na sa mga susunod na mga taon
ko sa pagaral bagkus masasanay tayong mas mapaunlad ang ating isip at talento sa
pagsulat at pagsuri. Bilang pangwakas, maraming salamat sa aking magaling na gurong
ginawa ang kanyang lahat upang kami ay matuto.

You might also like