You are on page 1of 2

Not Just Your Ordinary Love Story

(Story inspired by SevenFirstKisses)

Written by: YourMillenialTeacher #TeachSir_Riggs

(The Original author of Multo University, Ang Mundo Ng Mga Bitter, My Future Husband, Ang Mr Right
Ng Kabilang Mundo,

Genre: Romantic Comedy, Horror, SciFi, Drama

For you, what is love?

“Love conquers all… Love is immeasurable… Love knows no boundaries… Love comes in the most right
moment, right place, and the right person… Love is a series of chemical chain reactions inside our brain…
Love is when you choose your own happiness… Love is HUWAG KANG MANIWALA! PWEEHH!
MAMAMATAY NAMAN TAYONG LAHAT HAHAHAHA!”- Nikka

Isa ka ba sa tulad ni Nikka Dee Minahal? Isang 100% Certified Bitter! But what makes her so bitter?
What’s her story?

Isang malakas na ingay ang gumising kay Nikka mula sa kanyang mahimbing na tulog.

“Nikka! Bumangon ka na! kaya hindi ka nagkaka lovelife lagi ka nalang sa kwarto mo! Lumabas ka naman
at lumandi!...”

“Lola! Please huwag ngayon!” sagot ni Nikka habang tinatabunan ng unan ang mukha.

“Aba iha! 25 years old ka na, lumandi ka naman pa minsan minsan….”

Bumangon si Nikka mula sa pagkakahiga, binuksan ang pinto at dumaretso sa kusina.”

“Ohh? Anak Nikka? Bakit nakasimangot ka na naman?” tanong ng mama niya.

“Kasi ma, si Lola…”

“Nikka, tigilan mo nga ako diyan sa third eye third eye mo at kumain ka na.”

Nikka: Ma, ano ba talaga kinamatay ni Lola?

Mama Bebe: Nikka? Diba sabi ko sayo sa sakit.

Biglang may bumulong kay Nikka… “sa honeymoon!”

Nikka: Huh? Sa honeymoon? Ma, sabi ni Lola sa honeymoon daw?!

Mama Bebe: kaya nga sabi ko, sa sobrang sakit ayun pumunta talaga ng langit.

Nikka: Ma, kumusta kaya si papa sa abroad?


Mama Bebe: Huwag kang feeling anak, nasa Cebu lang ang papa mo.

Nikka: Pero parang nasa abroad lang din yun ma, minsan lang din siya umuuwi dito sa bahay. Hindi niya
na ba tayo mahal?

Mama Bebe: Mahal niya tayo pero mas mahal na niya yung pamilya niya dun. Ganito talaga kalungkot
ang broken house

Nikka: Ma, broken “family” po hindi “house”

Mama Bebe: Tignan mo nga bahay natin diba broken! Eh di broken house. At okay lang yun anak, ang
mahalaga kasama mo ako.

Nikka: Ma, graduate na po ako

Mama Bebe: wow! Talaga! Kailan yung graduation mo?

Nikka: Last year pa po….

Mama Bebe: Anak, muntik ko na p

*May kumatok sa pinto*

“Tao po? Nikka?”

You might also like