You are on page 1of 3

RIZAL TECHNOLOGICAL UNIVERSITY

Kagawaran ng Filipino
Reinforcement
Padilla, Patrick Lanz R. Fil110 Ugnayan ng Wika, Kultura at Lipunan
CED03-301A BSE-FILIPINO. Prop. Ariel Bosque

Ang kulturang Pilipino ay mayroong iba't ibang uri sa pagbibigay ng pahayag na mayroong
kahulugan. Parte na ng kulturang Pilipino ang hindi paglalahad ng tunay na nararamdaman at
pagbibigay ng opinyon at pahayag nang hindi lantad ang mismong kahulugan, hitik ang mga Pilipino
sa mga ligoy at mayroong mga pahiwatig na pakikipag-usap, Pahiwatig: Kagawiang
Pangkomunikasyon ng Filipino (2002) ni Melba Padilla Maggay. Ayon sa pagtukoy ni Zeus Salazar sa
Maggay (2002) nakuha sa Mortera (2019) magalang, maingat at di-tuwiran ang paggamit ng wika sa
ibang tao, marahil ang tao ay hindi ganoon kalapit sa kausap maaaring hindi niya kamag-anak o
kaibigan kaya't hindi direkta ang paraan ng pagsasalita. Maaaring magpakita o magbigay ng "
Pahiwatig" o pasaring na posibleng di-berbal sa pagpapakita ng pagkaasiwa sa usapan ng isang tao
sa ibang tao tulad ng paggamit ng bahagi ng katawan halimbawa ang haptics na gumagamit ng
paghaplos, paghawak o pagsalat sa paghahatid ng mensahe. Karaniwang pinakikita ng nakararami
na kapag nakakaramdam sila ng pagkaasiwa sa usapan sa ibang tao ay madalas paghaplos nang
paulit-ulit sa buhok o ulo o hindi naman kaya'y sa batok. Kadalasan ang pakikipag-usap sa ibang tao
ay nasa anyong casual na umiikot lamang sa isang tanong at isang sagot maaari rin na oo at hindi
lamang ang tugon sa tanong dahil ang kausap ay hindi kapalagayang-loob.
Lubos na nakaapekto ang psyche ng mga Pilipino sapagkat nakabatay ang
pakikipagkomunikasyon o pakikipag-usap ng Pilipino sa tao kung ito ay kapalagayan nila ng loob na
maaaring kaanak, kaibigan at matagal nang kakilala. Mas kabisado ng isang tao ang sistema ng pag-
uusap kung ito ay lubos na niya/nilang kilala na mayroong posibilidad na magagamit niya ang wika
ng tuwiran sa di-ibang tao. Hindi rin lantad ang pakikisama ng isang tao kapag ang kaharap o kausap
ay hindi niya gaano kilala ang personalidad kaakibat nito ang limitadong diskurso sa pagitan ng
dalawang ibang tao.

TALAKAYAN: PALITAN O BALIKAN NG KAALAMAN


Ang talakayan ay isang gawing pangkomunikasyon ng mga Pilipino na nasa sitwasyong pagsasalita
na mayroong layon na magpalitan ng opinyon, ideya at kaalaman mula sa dalawa o higit pang kalahok
sa pagsasalita. Ang talakayan ay maaaring pormal at impormal, maaari rin personal o face-to-face
tulad ng mga balita sa telebisyon o hindi kaya'y ginagamitan ng midya/medya. Karaniwang layon ng
talakayan ang matalinong palagay at paghihimay-himay ng mga isyu ng tao at lipunan upang
makakuha na rin ng mga impormasyon at aral, mabigyan ng kalinawan at pag-unawa at mayroong
posibilidad na makagawa ng desisyon at aksyon sa mga isyung naitatampok. Maaaring hindi maabot
ng talakayan ang sarili nitong layunin kung walang magaganap na pagpapalitan, pagbabalikan at
pagbabahagian ng mga nalalaman o kaalaman sa pagitan ng mga participant o kalahok sa talakayan.

Ang proseso ng talakayan ay tumutulay sa dalawang tao o higit pa na nagbabahagian ng matalinong


ideya at mga opinyon. Nagaganap ito kung ang dalawa o higit pang tao ay patuloy sa pagpapalitan ng
kani-kanilang sariling mga ideya at nalalaman. Inaasahan sa mga participant o kalahok sa talakayan
na may posibilidad na magbubunga ng pagpapalitan at pagbabanggaan ng pananaw maaaring
magkaiba o magkatulad. Maaaring mayroong lumitaw na pagkritik sa naibahaging ideya at
impormasyon. Mayroon posibilidad na magbunga ng miskonsepsyon o hindi pagkakaintindihan
maaaring dulot ng paksang pinaguusapan.
Mayroon mga karampatang pangangailangan para rito dahil bukod sa mga kalahok sa talakayan
mayroon dalawang bagay na mayroon mahalagang gampanin sa mundo ng talakayan, ito ay ang
facilitator at neutralizer. Una ang facilitator, sa mga pormal na talakayan, karaniwan nang may
itinalagang tagapagpadaloy (facilitator) na taga-tiyak sa kaayusan ng daloy ng diskusyon ng mga
kalahok. Pangalawa ang neutralizer, dahil mayroon mga pagkakataon na hindi naiiwasan ng mga
kalahok ang kanilang mga damdamin na nagbubunga ng pagtatalo-talo higit lal kung ang paksa ay
kontrobersyal at sensitibo at dito na papasok ang responsibilidad ng neutralizer, ito ang kalahok na
kalmado na siyang taga-awat at tagapagpalamig kapag ang diskusyon ay tumataas na ang tensyon.
Isinasagawa ito upang ang mga bagay-bagay na hindi mapagkaunawaan ay masolusyunan,
binibigyan nito ng linaw upang mailabas kung ano ang katotohanan. Sa pagsasagawa nito mayroon
nabubuong pamantayan na marapat akma ang mga salitang ginagamit o gagamitin, mayroong mga
katibayan o ebidensya at dapat ito ay malinaw, maaaring iwasan ang pagdadalawang-isip sa mga
pananaw at paniniwala.
Ang talakayan ay mayroong mga uri. Pormal na pagtatalakay, dito nakahanda ang mga kalahok sa
talakayan sa kanilang pagpapahayag sa mga opinyon at pagpaapliwanag. Di-pormal, dito naman ay
walang pormal na hakbang ang sinusunod madalas itong ginagamit sa talakayan sa loob ng paaralan.
Panel Discussion, dito naman nakapaloob ang paksang pampubliko na isinasagawa ng isang pangkat
ng mga eksperto na ipinipresenta sa madla. Sinisigurado rito na ang pag-uusap ay nakatuon lamang
sa paksa. Sampaksaan, katulad ng panel discussion mayroon tiyak na paksang tinatalakay. Forum,
maaaring marami ang tumatalakay sa maraming paksa.
Binanggit ni Maggay (2002) sa Mortera (2019) na ang pagkakaroon ng mga Pilipino ng isang
komunidad na ang lahat ay nakikihalubilo sa isa't isa. Kaya naman mainam na may kakayahan ang
mga Pilipino sa mga ganitong uri ng gawing pangkomunikasyon tulad ng talakayan. Likas na sa
katangian ng mga Pilipino ang pagbabahagi ng mga nalalaman, ideya at opinyon.
Ang ugnayan ng wika, kultura at lipunan na makikita sa talakayan ay pagkakaroon ng Pilipino ng
kultura na mahilig sa pakikipagtalastasan gamit ang sarilig wika bilang midyum ng komunikasyon at
hindi lamang ito umiikot sa isa o dalawang tao na nag-uusap dahil parte na ng katangian at kaugalian
ng mga Pilipino ang pakikihalubilo kaya naibabahagi nila ang mga nalalaman sa kani-kanilang
komunidad na kinabibilangan.
Sanggunian
Morter, Melvin O. (2019). Pantulong sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino. Madaluyong
City, Philippines: Books Atbp. Publishing Corp.
Cemena, John E. (2019). Mga Gawaing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino.
Nakuha sa: https://www.slideshare.net/mobile/JosephCemena/mga-gawaing-pangkomunikasyon-
ng-mga-pilipino
Maximo, John (2019). Workbook Para sa Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino
Nakuha sa: https://www.scribd.com/document/419857936/Workbook-Para-Sa-Gawing-
Pangkomunikasyon-Ng-Mga-Pilipino
Vera, Yna (w.t). Mga Gawing Pangkomunikasyon ng mga Pilipino
Nakuha sa:
https://www.academia.edu/38149372/MGA_GAWING_PANGKOMUNNIKASYON_NG_MGA_PILIPIN
O

You might also like