You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Schools Division of Iloilo City
District VI-Molo
MOLO I ELEMENTARY SCHOOL
M.H. Del Pilar Street, Molo Iloilo City

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN IV

GURO: ANA MAE M. ALITAO PETSA: HUNYO 3, 2019


GRADE IV- VIRGO TIME: 8:00-8:50
ARIES 8:50-9:40
PISCES 10:00-10:50

Week 1 Day 1
I. LAYUNIN
Pagkatapos ng klase ang mga mag-aaral ay:
a. Natatalakay ang konsepto ng bansa;
b. Nakabubuo ng kahulugan ng bansa;at
c. Napipapaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.
A. Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay naipapamalas ang pag-unawa sa konsepto ng bansa.
B. Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay naipaliwanag na ang Pilipinas ay isang bansa.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
Isulat ang code ng bawat Natatalakay ang konsepto ng bansa. AP4AAB-la-1
kasanayan:
II. Nilalaman ARALIN 1 Ang Pilipinas ay Isang Bansa
A. Sanggunian:
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro: pahina 1- 4
2. Mga Pahina sa Kagamutang pang-mag-aaral: pahina 2-7
3. Mga pahina sa Teksbuk: pahina 2-7
4. Karagdagang Kagamitan mula sa portal ng learning resource(LR portal):
B. Iba pang mga kagamitang Panturo: Mapa ng Asya at Mundo, panulat, chalk, manila paper,mga
larawan,laptop,projector
III. Pamamaraan

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Balik-Aral sa nakaraang aralin
at/o pagsisimula ng bagong
aralin
B. Paghahabi sa layunin ng aralin Mga sagot:
1. Pilipinas
2. Dahil may mga taong
Ano ang ngalan ng ating bansa? Bakit naninirahan dito,may
sinasabing isang bansa ang Pilipinas? pamahalaan na
namamalakad,may teritoryo
at ganap na kalayaan.

C. Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong aralin Ano ang kaugnayan ng tao at bansa?
Dahil ang tao ang bumubuo ng
populasyon ng bansa.

D. Pagtatalakay ng bagong Ipalaro ang ‘’Sakay , Lakbay, Salakay”


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1 A. Sabihin sa mga mag-aaral na
kumuha ng ikaapat na bahagi ng
papel. Pasulatan ito ng pangalan ng
bansa na alam nila maliban sa Pilipinas.
B. Sabihan silang bumuo ng
malaking bilog na ang bawat isa ay
nakaharap sa loob nito. Ipalapag sa
sahig sa tapat nila ang mga papel na
may nakasulat na pangalan ng bansa.
C. Pupuwesto ang guro sa loob ng
bilog. Sabihan sila na kapag sinabi ng
guro na “SAKAY!” kailangan nilang
tumalikod at kapag sinabing “LAKBAY!”
kailangang lumakad paikot sa kanan
ang mga mag-aaral ( habang
ginagawa ito ng mga mag-aaral ,
magbabawas ng isang papel ang
guro). Kapag sinabi ng guro ang
“SALAKAY!” kailangang huminto ang
mga mag-aaral at tatapat sa mga
papel na may nakasulat na bansa. Ang
mag-aaral na walang matatapatang
papel ay hindi na kasali sa laro at uupo
na.
D. Maaaring gawin ang laro sa
loob ng 3-4 na minuto.
E. Bigyan ng mas mataas na
puntos sa pakikilahok at palakpak ang
mga mag-aaral na matitira sa laro.

E. Pagtalakay ng bagong
konsepto at
paglalahad ng bagong Mga Tanong: Sagot:
kasanayan #2 1. Ano-ano ang mayroon sa laro a. Tao o manlalaro, papel na
na inyong ginawa? may nakasulat na salitang
2. Kung wala ang mga bagay na bansa , sahig kung saan
bumubuo sa laro , magagawa nakapuwesto ang papel.
kaya ang laro? b. Maaaring hindi, dahil
3. Sa mga natanggal sa laro ano kailangan ng manlalaro at ng
ang nararamdaman ninyo? papel na nakalagay sa sahig.
4. Sa mga nanatili sa laro, ano ang c. Nalungkot dahil hindi na ako
nararamdaman ninyo? kasali sa laro.
5. Bakit mahalagang d. Masaya dahil may puwesto
makapuwesto ka sa tapat ng ako lagi.
papel na may nakasulat na e. Kasi hindi ako natanggal sa
bansa? laro.

F. Paglinang sa Kabihasnan 1. Ilahad ang aralin sa


(Tungo sa Formative pagpapasagot sa mga tanong
Assessment) sa Alamin Mo, LM, pahina 2.
2. Pakinggan ang mga sagot ng
mga mag-aaral. Tanggapin ang
lahat ng mga sagot nila.
3. Ipabasa ang tekstong
nagpapaliwanag sa kahulugan
at mga elementong bumubuo
sa isang bansa.
4. Ipasagot ang mga tanong
tungkol sa binasang teksto sa
LM, pahina 4.
Pangkatang Gawain:
Pangkat 1
 Ipaliwanag ang
pamamaraan sa
paggawa ng Gawain A
sa LM, pahina 5.
 Ipasulat ang kanilang
mga sagot sa notbuk.
Pangkat 2
 Ipaliwanag ang
pamamaraan sa
paggawa ng
Gawain B sa LM,
pahina 5.
 Ipakopya sa papel
ang saranggola at
ipasulat ang sagot
ditto
Pangkat 3
 Ipaliwanag ang pamamaraan
sa paggawa ng Gawain C sa
LM, pahina 5.
 Ipabasa ang tula tungkol sa
bansa.
Bigyang diin ang kaisipan sa TANDAAN
MO sa LM, pahina 6 at talakayin ang
sagot.

G. Paglalapat ng aralin sa pang-


araw-araw na buhay

Masasabi ba ninyong importante na


Bilang isang Pilipino, opo. Dahil dito
pag-aralan ang tungkol sa ating
tayo naninirahan.
bansa? Bakit?

H. Paglalahat ng Aralin Ang isang bansa ay maituturing na


bansa kung ito ay binubuo ng apat
na elemento – tao, teritoryo,
Paano matatawag na isang bansa ang pamahalaan at ganap na kalayaan
isang lugar? Ano-ano ang konsepto o soberanya.
nito? Ang Pilipinas ay isang bansa dahil
may mga naninirahan ditong tao,
may sariling teritoryo, may
pamahalaan at may ganap na
kalayaan.
I. Pagtataya ng Aralin Pasagutan ang bahaging Natutuhan Ko
1sa LM, pahina 6
J. Karagdagang Gawain para sa Magdala ng mapa ng Asya at ng
takdang-aralin at remediation mundo na nagpapakita ng
kinalalagyan ng Pilipinas.

Inihanda ni:

ANA MAE M. ALITAO


Teacher 1

Iniwasto ni:

EDNA A. DOMINGUEZ
Principal 1

You might also like