You are on page 1of 1

EASY STEPS TO PURCHASE ACQUIRED PROPERTIES

1 Tingnan ang listahan ng mga acquired asset sa website www.pagibigfund.gov.ph (Property Finder/Acquired
Assets/Properties under Negotiated Sale/Invitation to Submit offer to Purchase ) o bumisita sa pinakamalapit na
Pag-IBIG Fund housing Hub.

2 Puntahan at inspeksyunin ang lokasyon ng bibilhing acquired asset.

3 Magparehistro at sagutan ang Purchase Offer Form, isumite at ihulog ito sa Drop Box, kalakip ang mga sumusunod:
1. Purchase Offer
2. Kopya ng valid ID’s ng offeror at ng authorize representative kung kinakailangan
3. Kung sakaling ang offeror ay hindi makakapunta sa oras ng paghuhulog ng kanyang Purchase Offer form,
siya ay maaaring magtalaga ng kanyang representante na may dalang authorization letter/Special Power of
Attorney (SPA). Ang authorization letter ay limitado lamang sa paghuhulog ng Purchase Offer Form.
4. Dokumento na nagpapatunay ng pinagkakakitaan kung ang napiling paraan ng pagbabayad ay Long-Term
Installment (LTI).

Paraan ng pagbabayad, .
a. Kung Cash na babayaran:
- Diskwento: 30%
- Magbayad ng paunang 5% ng kabuuang halaga kasabay ng pagbayad ng reservation fee.
- Ang kabuuang halaga ay dapat na bayaran sa loob ng tatlumpong (30) araw mula sa araw ng pagpirma
ng Deed of Conditional Sale.
b. Kung Short-Term Installment na babayaran:
- Diskwento 20%
- Magbayad ng paunang 5% ng kabuuang halaga kasabay ng pagbayad ng reservation fee.
- Ang kabuuang halaga ay dapat na bayaran sa loob ng isang (1) taon na may kaakibat na interest na
6.375%.
c. Kung kukuha sa pamamagitan ng programang pabahay ng Pag-IBIG o Long-Term Installment (LTI ):
- Diskwento 10%
- Isumite ang kumpletong dokumento sa loob ng Tatlumpong (30) araw simula ng pagbayad ng reservation
fee kasama ang P2,000.00 processing fee, advance 1 year insurance premiums at documentary stamp
tax.

“Ang pagbubukas ng mga naisumiting Purchase Offer ay base sa nakatakdang oras at araw na nakalathala sa website ng Pag-IBIG
Fund. Ang mga nanalo na buyer ay makakatanggap ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng text message.”

4 Ang nanalong offeror o buyer ay magbabayad ng P1,000.00 Reservation Fee (non transferrable/non refundable) sa
loob ng limang (5) araw simula sa pagtanggap ng Notice of Award.

5 Pagtanggap ng Notice of Conditional Approval of Sale.

6 Pirmahan at isumite ang Deed of Conditional Sale atofibang


Pagtanggap ng Notice of Conditional Approval Sale.dokumento na nagpapatunay ng Loan sa Pag-IBIG Fund.

7 Simulan ang pagbabayad ng buwanang hulog pagkaraan ng tatlumpong (30) araw mula sa araw ng pagpirma ng Deed
of Conditional Sale.
Pagtanggap ng Notice of Conditional Approval of Sale.

You might also like