You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
BATIA HIGH SCHOOL
Northville V, Batia, Bocaue, Bulacan

Mahal na Magulang/Tagakupkop:

Ipinagbibigay alam po ng pamunuan ng paaralan ang mga alituntunin at patakaran ng ating paaralan.

MGA GABAY NA SISTEMA SA PAGPAPATUPAD NG MGA ALITUNTUNIN AT PATAKARAN NG PAARALAN

1. Ang pagkakasunod-sunod ng mga gagabay para sa sistema sa pagpapatupad ng mga alituntunin at patakaran ng
paaralan ay ang mga class advisers (curriculum chairman), prefect of discipline/POD, guidance counselor (guidance
office) at principal (principal’s office)

2. Ang mga MINOR OFFENSES sa alituntunin at patakaran ng paaralan ay ang mga sumusunod:
* hindi pagsusuot ng ID sa loob ng paaralan
* pagkakalat
* pagtalon sa bakod (paloob o palabas)
* pag-iingay sa loob o labas ng silid-aralan o sa nasasakupan ng paaralan
* pagtambay sa mga restricted areas tulad ng principal’s office, guardhouse, comfort rooms at likod ng mga buildings
*paglabas sa classroom sa hindi takdang oras ng labasan tulad ng recess, lunch break at uwian ng walang paalam
* pag-upo sa teacher’s table at arm chair, pag-upo na nakataas ang paa, pagtungtong at pagtayo sa mga upuan
* sobrang – ingay sa mga programa ng paaralan
* hindi pagrespeto sa watawat ng Pilipinas at di wastong pag – awit ng Lupang Hinirang
* pagtitinda sa loob ng paaralan tulad ng yema, candy atbp ( case to case basis )
* pagdura kung saan-saan
* pagnguya ng chewing gum sa klase, sa loob ng paaralan at pagdikit nito sa mga gamit ng paaralan
* pagpupulbos, pagme-make-up at pagsusuklay sa oras ng klase
* mga dirty tricks tulad ng panunukso, pambabato ng papel, paghila sa upuan na may paupong kaklase at pagtitrip sa kaklase
* pananakot sa kaklase(case to case basis)
* panghihiya sa kaklase
* pagsusulat sa libro o gamit ng kaklase o iba pang mag – aaral
* pagkuha o pagtatago ng gamit ng kaklase tulad ng panyo, sapatos, bag atbp..
* pagkakasangkot sa isang paglabag sa patakaran at alituntunin ng paaralan
* pangangantyaw sa away ng kaklase
* paglalaro sa oras ng klase sa anumang pamamaraan
* paglalagay ng sobrang palamuti o burloloy sa katawan
* pagsusulat ng ball pen o pentel pen sa balat
* paglililis ng palda ng kaklase
* paglalaro sa loob ng silid-aralan tulad ng sipa, baskeybol atbp.
* pagsusulat ng kung anu-ano at walang katuturan sa pisara
* pagsusumbrero sa loob ng paaralan
* pagsusuot ng de-color na t-shirt
* paglalabas ng gamit sa kantina ng paaralan ng walang paalam
* paninira ng halaman ng paaralan
* paghaharutan sa loob ng klase
* hindi pagbibigay ng sulat sa magulang
* pag-ihi sa hindi tamang lugar
* pag-iingay at panggugulo sa kantina ng paaralan
* pag pasok ng mag-aaral sa hindi niya kwarto ng walang dahilan upang manggulo
* hindi pagsasauli ng mga hiniram na gamit sa silid-aralan o pag-aari ng paaralan
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
BATIA HIGH SCHOOL
Northville V, Batia, Bocaue, Bulacan

3. Ang mga MAJOR OFFENSES sa alituntunin at patakaran ng paaralan ay ang mga sumusunod:

 Panluluko katulad ng paggamit ng ibang ID o gate pass, Pagdala ng mga nagpapanggap na magulang o kamag-
anak o sa anumang paraan
 Pagpapakita ng PDA o public display of affection sa loob at labas ng sild-aralan o nasasakupan nito na nagiging
dahilan ng pagkagambala ng klase
 Paninilip o pamboboso
 Pagmumura o pagsasabi ng hindi magandang pananalita
 Pandaraya at pagnanakaw
 Panunugod sa guro o kahit sinong may awtoridad sa paaralan , mga tauhan ditto maging mag-aaral
 Pagdadala ng sigarilyo o paggamit nito sa paaralan
 Bandalismo, pagsusulat o paninira sa kagamitan ng paaralan tulad ng mga upuan, mga lamesa, mga bintana,
aklat, at marami pang iba.
 Pagsusugal kahit sa anumang pamamaraan o estilo
 Pag-inom o pagdadala ng mga inuming nakalalasing
 Pagpasok sa paaralan ng lasing
 Pagdadala ng mga nakasasakit o nakamamatay na kagamitan o kasangkapan
 Pangingikil o panghihingi ng pera sa kapwa
 Pakikipag-away na naging sanhi ng kapinsalaan ng kapwa
 Paggamit, pagdadala at pagbebenta ng mga ipinagbabawal na gamut
 Immoralidad o sexual harassment
 Panonood ng mga immoral na palabas
 Panghaharang at pagbabanta ng masama sa mga mag-aaral, guro at iba pang tauhan ng paaralan
 Pamamalsipika o pandaraya sa mga record ng paaralan
 Panghihikayat sa pagbuo ng anumang illegal na samahan
 Panggagaya o pamemeke ng pirma ng guro o sinumang tauhan ng paaralan
 Pang-iinsulto sa mga guro o kahit sino mang tauhan ng paaralan sa kaht anung paraan
 Pagtatago o pangunguha ng gamit upang makahingi ng perang pantubos
 Pagsusulat ng mga kasinungalingan o malisyosong impormasyon tungkol sa paaralan, guro, tauhan ng paaralan
at maging mga kapwa mag-aaral
 Paggamit sa pangalan ng paaralan na hindi pinapayagan para sa iba’t ibang dahilan o paraan
 Palagian o madalas na pagliban sa klase
 Patuloy na pagsasawalang bahala sa alituntunin at patakaran ng paaralan

4. Mga aksyon na gagawin sa bawat paglabag:


* MINOR OFFENSES
UNANG PAGLABAG – ORAL REPRIMAND
 aayusin ang naging problema sa pagitan ng mag-aaral at gurong tagapayo

IKALAWANG PAGLABAG – WRITTEN REPRIMAND


 Aayusin ang naging problema sa pagitan ng mag-aaral , gurong tagapayo at guidance counselor/POD
 Pasusulatin ng kasunduan

IKATLO O PAULIT-ULIT NA PAGLABAG – BRING PARENT(S) / GUARDIAN(S)


 Aayusin ang naging problema sa pagitan ng mag-aaral , gurong tagapayo at guidance counselor/POD
 Pasusulatin ng kasunduan kasama ang magulang ng mag-aaral
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
BATIA HIGH SCHOOL
Northville V, Batia, Bocaue, Bulacan

* MAJOR OFFENSES
UNA AT IKALAWANG PAGLABAG – BRING PARENT(S) / GUARDIAN(S)
 Aayusin ang naging problema sa pagitan ng mag-aaral , gurong tagapayo at guidance counselor/POD
 Pasusulatin ng kasunduan kasama ang magulang ng mag-aaral

IKATLO O PAULIT-ULIT NA PAGLABAG – BRING PARENT(S) / GUARDIAN(S)


 Aayusin ang naging problema sa pagitan ng mag-aaral , gurong tagapayo, Guidance Counselor/POD at Principal
 Pasusulatin ng kasunduan kasama ang magulang ng mag-aaral

5. Ang mga GURO ay siyang unang tatayo o gaganap bilang isang gurong tagapatnubay, na siyang unang gagawa ng
paraan na lutasin o hanapan ng solusyon ang mga problema bago makarating sa Guidance Counselor at Principal. Ang
mga guro ay gagampanan ang pagtuturo ng mabuting asal at gawi sa mga mag-aaral sa pakikipagtulungan ng mga Class
officers at SSG Officers.

6. Pagkuha ng GATE PASS.


* Ang proseso ng pagkuha ng gate pass ay ang mga sumusunod:
1. kumuha ng gate pass slip sa guidance office
2. isulat ang lahat ng impormasyong hinihingi sa slip
3. papirmahan sa guro
4. ibagay sa guard ang slip bago lumabas ng paaralan
* Ang mga maaring makakuha ng gate pass ay yung mga may karamdaman at dagliang kalagayan katulad ng matinding
sakit ng ngipin, ulo, at tiyan, mataas na lagnat, kinakailangan ng gamut, kinakailangang dalhin sa ospital at hindi
inaasahang pangyayari sa pamilya o bahay.

7. Ang mga alituntunin at patakaran ng paaralan na ito ay pinag-isipan, pinag-aralan at pinag-usapan ng mga guro,
Guidance Counselor at Principal upang mas maging maayos at mapayapa an gating paaralan. Ang mga alituntuning ito
ay ipinaaalam sa mga magulang at mag-aaral. Ang sistemang ito ay ipatutupad sa TAONG PAMPAARALAN 2019-2020
hanggang sa susunod na mga taon. Ang mga nakasaad ditto ay maaaring susugan o baguhin ayon sa hinihingi ng
pagkakataon.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
BATIA HIGH SCHOOL
Northville V, Batia, Bocaue, Bulacan
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
BATIA HIGH SCHOOL
Northville V, Batia, Bocaue, Bulacan
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
BATIA HIGH SCHOOL
Northville V, Batia, Bocaue, Bulacan
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
BATIA HIGH SCHOOL
Northville V, Batia, Bocaue, Bulacan
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
BATIA HIGH SCHOOL
Northville V, Batia, Bocaue, Bulacan
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Bulacan
BATIA HIGH SCHOOL
Northville V, Batia, Bocaue, Bulacan

You might also like