You are on page 1of 1

BIG IDEA:

Mama anong ulam?

"ma, nagugutom na'ko anong ulam?"


sambit ng paslit sa inang napasarap ang pagkakatulog.
"Ma! Anong ulam?"
Paulit-ulit nitong sambit habang hinihimas ang tiyang kumakalam. Naghahanap at
gutom na gutom sa atensyon.
"Ma! gutom na'ko!"
muling sambit nito na may kasamang pagpadyak at pagtalon. Gigil na makakuha ng
sagot, tumulo ang mga luha mula sa inosente nitong mga mata.
"Mama, gumising ka na gutom na 'ko!"
Hindi napapagod na pangungulit ng paslit. Dahan dahan, napaupo sa sahig. Nilunod
ang maliit na bisig sa sariling mga yakap.
Bagamat pagod na sa pangungulit, patuloy lamang ito sa paghingi, hindi ng pagkain,
kundi ng sagot.
Napataas na ang tono ng bata na naging dahilan para lumapit ang kanyang lola.
"Iho 'wag kang maingay nakakahiya sa mga bisita, may sopas doon at biskwit kumain
ka."

You might also like