You are on page 1of 1

ANG ARAW AT ANG HANGIN

Minsan nagtatalo sina Araw at si Hangin kung sino sa kanila ang higit na
makapangyarihan.

"Mas makapangyarihan ako, dahil sa init ko'y kaya kong sunugin ang lahat!" wika ni Araw.

"Higit ako, dahil kung nanaisin ko ay kayo kong paliparin ang lahat at itaboy kung saan ko
gusto!" ang sabi naman ni Hangin.

Habang nagtatalo ang dalawa, isang magsasaka ang dumaan. "Mabuti pa patunayan natin
ang ating kapangyarihan sa pamamagitan ng magsasakang iyan!" sabi ni Araw.

"O sige, payag ako!" sang-ayon naman ni Hangin.

"Kung sino sa atin ang makapagpapaalis ng damit ng magsasakang iyan ay siyang


mananalo." Ang hamon ni Araw na agad tinanggap ni Hangin.

At naunang nagpakita ng kapangyarihan si Hangin.

Umihip ito ng malakas patungo sa magsasaka. Agad namang napadapa ang magsasaka.
Niyakap nito ang sarili sa lamig at lakas ng hangin. Kung kaya't lalong hindi naalis ang
kanyang suot na damit. Sumuko na si Hangin.

Ang sumunod ay si Araw naman ang nagpakita ng kapangyarihan. Ngumiti lamang ito.
Ngumiti ng ngumiti hanggang sa lalong tumingkad ang sikat nito.

Pinagpawisan ang magsasaka, at sa init ay hinubad nito ang kanyang damit. At binati ni
hangin ang nagwaging si Araw.

Ang Gintong Aral:


1. Ang tunay na kapangyarihan ay hindi nakikita sa paggamit ng lakas at dahas, kung di sa
malumanay at maayos na pamamaraan.

You might also like