You are on page 1of 2

Bea Mickaella C.

Bulasa Abstrak

Nakitaang Kakulangan: Ang Pag-aaral ng Imposter Phenomenon sa mga nangungunang mag-


aaral ng ika-11 na baitang sa strand ng Science, Technology, Engineering at Mathematics
(STEM) sa Kolehiyo ng De La Salle John Bosco

Ang Imposter Phenomenon (IP) ay isang terminong ginagamit upang italaga ang isang
panloob na karanasan ng isang matindi o laganap na sindrom. Ang mga taong nakararanas ng IP
ay nasa impresyon na hindi sila nararapat sa kanilang mga tagumpay at ang mga gawad na
kanilang natatanggap ay hindi nakamit sa pamamagitan ng kanilang angking talino o kakayahan.
Dinadahilan ng mga taong may IP na ang kanilang mga nakamit sa buhay ay bunga ng swerte,
kasipagan o isang pagmamanipula sa impresyon ng iba.
Ayon sa mga pananaliksik, ang pagkakaroon ng IP sa mga estudyante ay lumilikha ng
“secret fear” sa kanilang sarili — takot na hindi magawa ang mga nakatalagang gawain dahil sa
kakulangan ng kasanayan at kaalaman. Kung kaya’t ang IP ay matinding naiuugnay sa burnout
phenomenon, anxiety at depresyon na maaring may malubhang implikasyon at epekto sa buhay
ng isang mag-aaral.
Sa kabila ng pagkakaroon ng maraming pananaliksik tungkol sa IP, iilan ang nakatuon sa
mga mag-aaral sa high school lalong lalo na sa Departamento ng Senior High School, STEM
strand. Karamihan ay nakatuon sa mga estudyante sa kolehiyo at mga propesyonal. Dahil sa
kakulangan ng mga nailathala na pag-aaral ng sindrom sa Senior High School sa Pilipinas, ang
epekto ng nasabing sindrom ay hindi pa higit na natuklasan at napag-aralan.
Kinakailangang isaalang-alang ang maaring presensya ng Imposter Phenomenon sa mga
mag-aaral ng SHS, kung kaya’t ang kwalitatib na pananaliksik na ito ay idinesenyo upang
matukoy ang presensya ng IP sa mga nangungunang mag-aaral sa ika-11 baitang sa strand ng
STEM sa kolehiyo ng De La Salle John Bosco. Ang pangkalahatang layunin ng pananaliksik na
ito ay mabigyan ang mga nangangasiwa sa paaralan ng mga hakbang upang mapabuti ang
pamamaraan sa pagtuturo.
Isang purposive sampling ang isinagawang metodolohiya ng mga mananaliksik at ang
Clance Imposter Phenomenon Scale ang naging instrumento upang masala at matipon ang hagad
na populasyon na kinakailangan sa pananaliksik na ito. Gamit ang phenomenological research
design, natuklasan ng mga mananaliksik na positibo ang presensya ng IP sa mga nangungunang
mag-aaral ng ika-11 na baitang sa strand ng STEM. Nakalikom din ng impormasyon ang mga
mananaliksik ukol sa iba’t-ibang pananaw ng mga mag-aaral.
Inirerekomenda ang karagdagang pag-aaral ukol sa sindrom upang mas mapalawak ang
kaalaman tungkol dito.

You might also like