Noong ako'y bata pa, lagi kong naririnig sa aking mga naging guro, na ang
pagtuturo ay hindi birong propesyon, at napakalaking responsibilidad ang
nakaatang sa kanilang mga balikat. Ngayun nalaman ko na totoo talaga ang sinasabi nila. Sa aking karanasan, napagtanto ko na talagang hindi talaga biro ang ganong bagay ngunit gustong gusto ko itong gawin sapagkat nararamdaman ko ang kakaibang kasiyahan na walang katulad. Yung pakiramdam na may naibabahagi na kaalaman sa ibang tao ay hindi mapantayan na kagaanan sa pakiramdam dahil may nagawa kang maganda na nakabinipisyo sa ibang tao. Nalaman ko na ang pagtuturo talaga ang propesyon na para sa akin dahil nararamdaman ki na dito ako masaya.