You are on page 1of 1

“Minsan, kailangan muna nating maging malungkot at iiyak lahat ng sakit na

ating nadarama, bago tayo makaramdam ng saya”

Magandang araw po sa aking mga kamag-aral at sa aming guro sa Filipino.

Noong 2003, Disyembre 31, isinilang ako sa mga bisig ng aking mga
magulang na sina Carla G. Peñafiel at Rhico B. Peñafiel JR. ay inihayag na Rochelle
ang sa aki’y pinangalan. Opo, ako po si Rochelle Carls G. Peñafiel, na baitang siyam sa
paaralang ito na St. Therese School dito sa Tanay, Rizal. Sa pagtungtong ng aking mga
paa sa hayskul tangay ko ang aking mga natutunan noong ako ay nasa elemtarya pa
lamang. Ang lahat ng ito ay mananatiling buhay sa aking puso at isipan.

Ako ay isang batang laking tita at lola pero minsan ako ay inaalagaan din ng
aking ama kapag sya ay walang trabaho, bihira akong alagaan ng aking ina dahil sa
nagtratrabaho sya para sa amin ng ate ko. Naiintindihan ko naman na di ako
maaalagaan lagi dahil alam kong lahat ng ginagawa nya ay para din sa aming
kinabukasan. Dalwa lang kaming magkapatid, ako ang bunso. Ang aking ate ay
kolehiyo na at malapit na magtapos, sa susunod na taon ay magiintern o ojt na siya,
ang aking ate na si Richelle Carls G. Peñafiel.

Nakaraang taon ay naging kpop fan ako, paano? Nilason ako ng


pinakamamahal kong ate. Noong bakasyon, madalas kasi kami magpuyat dahil
bakasyon naman, naabutan ko sya sa sala noon na nanonood sya ng isang music
video na hindi ingles ang lenggwahe, tinanong ko sya kung ano ang pinapanood nya at
sinabi nya na “Dope ng BTS” nagtaka ako nun kung ano at sino ang BTS na sinasabi
nya. Hanggang sa kinabukasan ay pinanood ko yung mga pinanood nya at kinilala ang
bawat miyembro ng grupong iyon. Simula noon ay naging adik na ako sa kpop at
naadik na din ako sa kdrama at dumami ang aking na “oppa”.

Maraming Salamat Po!


Thank You So Much!
Kamsahamnida!

You might also like