You are on page 1of 4

Pagbati sa aking mga kamag-aral, guro, at lahat ng nakikinig sa akin ngayon.

Isang
magandang umaga sa inyong lahat. Ang paksa na naitalaga sa amin ay droga.
Alam kong marami sa inyo ang nag-iisip na ito ay ‘mainstream’ at masyado ng
gamit na usapin ngunit naniniwala ako na bilang isang teenager marami pa tayong
kailangan malaman tungkol ditto nangsagayon ay lalo natin maintindihan kung
ano ang mga salik at epekto ng illegal na droga. Ano ba ang droga?
Ang droga ay isang sakit. Isang sakit na kapag di natin nagamot at napigilan ay
kakalat ito ng kakalat sa lipunan hanggang sa mapahamak ang lahat lalo na ang
kabataan. Sa madaling salita ito ay sumisira ng buhay. Ito ang lalong
nagpapalugmok sa mga taong baon na baon na sa kahirapan, di man sa pera
ngunit sa moralidad at dangal. Halos 246 milyong tao ang gumagamit ng ilegal na
droga sa buong mundo noong 2013, tatlong taon na ang naklilipas, at 187, 100
ang namatay dahil dito sa parehong taon. Marami ng president ang nagtangkang
isulong ang war on drugs ngunit wala pang tuluyang nakakatalo dito. Hindi lang
droga ang tanging problema ng Pilipinas dahil maraming krimen ang sumasangay
sa ilalim ng droga. Ayon sa PNP, ang index crimes sa buong bansa ay tumaas ng
37.3% mula sa 256,592 noong unang anim na buwan ng 2014 hanggang sa
352,321 ngayong 2015. (magbigay ng halimbawa : 7-taong gulang na batang
babae ginahasa ng kumpare ng mga magulang- October 8, 2016) ang sinasabing
dahilan ng suspek ay dahil nasa ilalim daw siya sa impluwensiya ng droga ng
magawa ang krimen. Ito ay sumasangay sa kasong rape at murder.
Sa presidential election na isinagawa ngayong taon, may mga interesting
candidates na tumakbo sa pagkapresidente at isang tao ang nakahuli sa atensiyon
ng buong bansa. Ito si Rodrigo Roa Duterte na ang pangunahing propaganda ay
alisin ang droga sa Pilipinas, at dahil dito nakumbinsi ang mga tao na siya ay
karapat-dapat sa pwestong kanyang hinahabol. Dito nagsimula ang
pakikipagdigmaan ng bansa sa droga. Naniniwala ang ilan na sa ika-100 araw ni
duterte sa pwesto ay nakagawa na siya ng ‘breakthrough’ laban sa droga pero ang
ilan naman ay nadismaya dahil sa lumalaking bilang ng mga namamatay na
umanoý sangkot sa drugs. Ano nga ba ang resulta ng pakikipaglaban ng bagong
administrasyon sa isa sa mga pinakamatagal ng problema ng ating bansa? Ito ang
dalang isyu ng bagong administrasyong duterte. Ang pangakong pagsugpo sa
krimen at droga ang naghikayat sa mga Pilipino na maaaring nating makamit ang
matagal na nating kinakamtang pag-unlad kung pipiliin natin si Rodrigo Duterte
bilang ang bagong lider ng bansang naghihikahos na sa hirap. Ang pangakong
matapang at walang takot niyang haharapin ang mga notorious na kriminal upang
mabigyan ng hustisya ang bansa kahit na ang ibig sabihin nito ay patayin sila.
Dito pumapasok ang extrajudicial killings, hindi na bago ang extrajudicial
killings sa bansa ngunit simula ng maluklok si duterte ay biglang lumobo ang
bilang ng mga pinapatay. Ito ang pagpatay ng mga kasapi ng gobyerno ng isang
tao ng walang kahit anong judicial, legal, o dew process. Mahigit kumulang 4,400
na ang patay simula july 1 hanggang sa ikatlong linggo ng oktubre na hinihinalang
gawa pareho ng mga police operations at vigilante groups.
Death toll

4,441 total number of persons killed in #WarOnDrugs since


July 1

1,711 drug personalities killed in police operations, as of


October 24

2,730 victims of extrajudicial or vigilante-style killings, as of


October 14

Merong proyektong binuo ang pamahalaan upang mabawasan ang mga


gumagamit ng illegal na droga sa mas mahinahong pamamaraan kung saan
kakatok ang mga pulis sa mga bahay upang pasukuin ang mga gumagamit ng
illegal na droga at bibigyan silang pagkakataon na magparehab kapalit ng
pagpirma nila sa isang kasulatan na nagsasabing hindi na sila ulit magdodroga, ito
ay tinatawagh na óplan TokHang. Ito ay galing sa mga salitang ‘toktok’ at
‘hangyo’-isang salitang bisaya na nangangahulugang ‘pakiusap’. Maraming mga
tao ang sumuko sa takot na sila na ang susunod na mahahanap ng mga pulis na
nakahandusay sa daan at may plakang nagsasabing pusher o user sila.

Data below is as of October 24, 6 am.

32,761 number of police operations conducted


31,297 drug personalities arrested

2,550,330 houses visited via Project Tokhang

750,759 total number of surrenderers in Project Tokhang


- 54,646 pushers
- 696,113 users

Ito ang pinakapangunahing salik kung bakit ang ilan ay kumakapit sa droga.
Ayon sa survey na isinagawa ng social weather stations o SWS sa 1,200
respondents noong December 5-8, 2016, 50% na katumbas ng 11.2 milyong
pamilya sa pilipinas ay naghihirap. Ito ay sapat na ebidensya kung bakit mabilis
ang paglaki at paglawak ng transaksyon sa droga bago ang administrasyong
duterte dahil kung titignan natin ang droga ay ‘easy money’. May mga iba pang
salik na nakaaapekto kung bakit may mga nagdodroga tulad ng impluwensiya ng
kapaligiran. Ito ay ang overall environmental factor at kasali din ang peer
pressure. Ngunit simula noong july 1 hanggang September 1 bumaba ang
transaksyon ng droga ng mahigit 90% ayon sa malacanang noong ika-100 araw
nan i duterte sa pwesto.
Para sa ilan marahil may magandang naidudulot ang war on drugs ni duterte,
marahil epektibo ang kanyang kakaiba at marahas na pamamaraan ng pagsugpo
nito sa krimen. Marami mang tumututol dito dahil ito ay immoral, at walang
dangal marami ding sumusuporta dito dahil may nakikita silang pag-asa ngunit di
pa natin mahihinuha kung ano ba talaga ang magiging katapusan nito. Ngunit ako,
Estephany Rivera kasama ng aking mga kagrupo, ay nagpapaalala na wag
gumamit ng droga.
Tarlac Montessori School
La Puerta del-Sol Hi-Land Subdivision, Maliwalo, Tarlac City

“DROGA”
 KRIMEN
 DUTERTE’S WAR ON DRUGS
 EXTRAJUDICIAL KILLINGS
 OPLAN TOKHANG
 KAHIRAPAN

Isang paglalahad nina


Estephany Rivera
Anne Nicole Lacanilao
Zhannen Antonio
Mark Arceo
Rhandon Solomon
Kristopher Carreon

Gng. Jocel Palmones


Guro sa Filipino-9

You might also like