You are on page 1of 3

AUDITION PIECE

(Revised Version)

Characters:
MALE1 – May takot sa Diyos. 30-40 years old.
MALE2 – Barumbado. Walang pinaniniwalaang Diyos. 20-25 years old.
Setting:
Kulungan. Martial Law days.

(Both characters must be asleep for 5 seconds. Then after non, for another 5 seconds, si MALE1 biglang
magsasalita habang tulog; as if binabangungot)

MALE1: [From mahina hanggang papalakas ng papalakas] Hindi... Hindi… Hindi ako yun… Hindi ako yun!
Hindi… Sinabi nang hindi ako yun!! SINABI NANG HINDI AKO YUN!!!!!! [Biglang gigising; as if kagagaling
lang sa bangungot yung epek]

MALE1: [Kakausapin yung sarilil; aligaga] Bat ako andito?? Bat andito padin ako?? (Iikot sa mismong
kulungan) Hindi pwede ito. [Mag iimagine sa part as if andun ung bintana para makadungaw ang mga
preso; sisigawan yon] PALABASIN NIYO AKO DITO!!!!

(Habang sumisigaw/nag aadlib si MALE1 na palabasin siya ng kulungan, magigising si MALE2 na iritable
sa kakasigaw ni MALE1)

MALE2: [Sa sarili muna] Nakanaman ng totcha ‘to oh, [kay MALE1] Hoy, manahimik ka nga diyan, tanda!
Ingay ingay kala mo naman walang natutulog, buset.

MALE1: [Di padin pinapansin si MALE2 at patuloy padin sa pagsigaw]

MALE2: Hoy ano ba! Sinabi nang manahimik ka diyan eh!

MALE1: [Di padin pinapansin si MALE2]

MALE2: Hindi ka ba talaga mananahimik ha??!

MALE1: [Wala pading pake]

MALE2: Sinabi nang tumigil kana eh! Naiirita na ako ano ba!!!

MALE1: [Wala pa ring pake]

MALE2: [Mapupuno na sa inasta ni MALE1 at lalakad siya papunta dito sabay kukwelyuhan at sisigawan]
SINABI NANG MANAHIMIK KANA!!! KAHIT ANO PANG SIGAW ANG GAWIN MO WALANG MAKAKARINIG
SAYO, KAHIT ANO PANG GAWIN MO, WALA KANANG MAGAGAWA DAHIL ETO ANG KAPALARAN MO; SA
ISANG ORAS NA LAMANG AY MAMATAY KANA KAYA MANAHIMIK KANA TANDA, PWEDE?!?!?!!
MALE1: (Matatauhan; paranoid na maluha luha dahil hindi makapaniwala) [sa sarili] Hindi maaari yun..
Hindi pwede.. Hindi ko sinasadya.. [kay MALE2] Hindi k-ko s-sinasadya!! H-hindi ko s-sinasadya!!! [iyak na
acting]

MALE2: Psh, kahit anong luha at iyak pa gawin mo, gaya ng sabi ko sayo tanda, wala kanang magagawa.

MALE1: H-hindi. Nagkakamali ka, makakagawa tayo ng paraan pagkat hindi ako pababayaang mamatay
ng Makapangyarihang Diyos sa kalangitan.

MALE2: [tatawa] Tanda, alam kong nababaliw kana pero hindi ko inaasahang ganto kana kawindang!
[tatawa lang ulit]

MALE1: Anong ibig mong sabihin? Hindi Niya ako pababayaan ng Poong Maykapal! [sa ibang direksyon;
titingala sa langit na para bang nagdadasal] Panginoong Hesukristo, patawarin niyo po ako sa nagawa
kong kasalanan. Hindi ko sinasadyang.. m-masaktan ang asawa ko, mahal na mahal ko siya, alam niyo kung
gaano ko siya kamahal. Wag niyo ako pabayaang mamatay sa lugar na ito, bigyan niyo po ako ng
pagkakataon, Panginoon!!! Panginoon, kaawaan mo ako!!!! [yuyuko at bubulong ng ilang panalangin;
tensyonado]

MALE2: [tatawa] Sigurado ka bang nasaktan mo lang ang asawa mo, tanda? [tatawa] Eh pagkakaalam ko
kase.. napatay mo siya! [tatawa ulit ng malakas]

MALE1: H-hindi ko s-sinasadya!! N-nadala ako ng emosyon ko nang makita kong may kayapos siyang ibang
lalaki, n-nagdilim ang aking paningin, at n-nagawa ang karumal-dumal na… [maiiyak at titingala ulit na
para bang nagdadasal] Panginoon, patawarin niyo ako!!! Hindi ko sinasadya!!! Mahal ko ang aking
asawa!!! Wag niyo akong hayaang mamatay sa lugar na ito! Panginoon, iligtas niyo ako!!

MALE2: Puro ka “Panginoon!! Panginoon!! Patawarin niyo ako!!” Mahiya ka sa sarili mo!! Walang Diyos
tanda!! Kung meron mang Diyos, siya ang pinakamasamang Panginoon sa balat ng lupa!!

MALE1: [mapapaharap kay MALE2] Ikaw ang mahiya sa sarili mo! Alam mo ba kung ano ang sinasabi
mo?!?! Wag na wag mong kukwestiyunin ang kapangyarihan ng Diyos!! Wala siyang ibang ginawa kundi
mahalin tayong lahat at patawarin kahit gaano man karami ang ating pagkakasala!!!

MALE2: Wag kang tanga tanda!! Kahit kailanman, hindi niya tayo minahal! Isang malaking kasinungalingan
yan na dapat hindi na pinaniniwalaan!! Kung talagang mahal ka niya, kung talagang mahal niya tayo, wala
tayo ngayon ditto tanda. Hindi tayo ngayon papatayin sa loob na lamang ng ilang minuto tanda, [tatawa]
kaya itigil mo nayang kahibangan mo dahil wala kanang magagawa kundi harapin ang kapalaran mo; at
yun ay ang mamatay!

MALE1: Nagkakamali ka iho, mahal ka ng Diyos. Nagpapakabulag ka lang sa iyong isip dahil nilamon ka na
ng sarili mong papaniniwala! Mahal ka niya at kahit kailanma’y hindi ka niya pinabayaan!

MALE2: Wag mo akong pinatatawa tanda! Gaya ng sabi ko sayo, kung totoo man siya, hindi niya tayo
minahal!! Siya ang pinakamasamang Panginoon kuno sa balat ng lupang ito!

MALE1: At bakit mo nasasabi ang bagay nayan ha! Wag mong sinusubok ang Diyos, mayroon siyang
nakalaang plano sa ating lahat na makabubuti para satin!!
MALE2: Plano?? [tatawa] Seryoso ka ba diyan?? Ikaw ang pinakatangang taong kilala ko. Pinlano niya din
ba na ditto tayo mamatay?? Pinlano niya din bang kumaliwa ang asawa mo at patayin siya?? At higit sa
lahat… [galit na may pagkalungkot yung tono] Pinlano niya din ba na mapagsamantalahan ang kapatid
ko? Ang nakababata kong kapatid.. [mas tataas ung tono; galit na mas mangingibabaw] ang kaisa-isa kong
kapatid! [haharap kay MALE1 at pagalit na sisigawan] ANG KAISA-ISA KONG KAPATID!!! KUNG MAHAL
NIYA TALAGA TAYO, HINDI NIYA HAHAYAANG MANGYARI YON!! [medyo baba ung emosyon, pero galit
padin dapat yung tono] Walang ibang ginawa ang kapatid ko kundi ang pagsilbihan ang simbahan,
magdasal araw-araw na sa kabila ng kahirapan na aming nararanasan, walang mga magulang, at walang
permanenting tirahan, kahit kailanma’y hindi siya tumigil sa panininiwala sa Diyos mo, kahit kailanma’y
hindi siya nagreklamo sa Diyos mo. Pagkatapos ano? Ano ang ginawa ng Diyos mo??! Pinabayaan siyang
nakahandusay sa kanal na para bang isang hayop na walang kahit anong saplot, habang t-tadtad ng saksak
ang buong katawan. Ngayon, tatanungin kita.. [medyo malungkot na tono] yun ba ang plano ng Diyos???!
Yun ba ang plano niya???

(Mag-iimagine si MALE1 at MALE2 na para bang tinawag na pangalan ni MALE1 na siya na ang isusunod
sa mga papatayin)

MALE1: H-hindi!! H-hindi maaari ito!! H-hindi nila ako pwedeng patayin!! H-hindi ko s-sinasadya!!
[titingala ulit] Panginoon ko!! Kayo na pong bahala sakin!!! Patawarin niyo po ako!! (adlib ng prayer na
humihingi ng tawad at gabay sa Diyos)

MALE2: [tatawa habang nag aadlib ng prayer si MALE1] Yan din ba ang plano ng Diyos mo???! WALANG
DIYOS TANDA, MAMATAY KANA LAMANG NG MANINIWALA PARIN SA ISANG KASINUNGALINGAN!
[tatawa ulit] WALANG DIYOS TANDA!!! [tatawa lang habang sinisigawan si MALE1 na “WALANG DIYOS”]

MALE1: (Sumisigaw ng tulong sa Panginoon habang tumatawa si MALE2 at sinisigawan siya ng “WALANG
DIYOS”) PANGINOON!! KAAWAAN NIYO AKO!! KAYO NA ANG BAHALA SAKIN!!!

MALE2: MAMATAY KANA!!! [tatawa]

MALE1: HINDI NIYA AKO PABABAYAAN!! HINDI NIYA AKO PABABAYAAN!!!!

MALE2: AYAN NA ANG MGA GWARDIYA PARA KUNIN KA!!!! [tatawa]

MALE1: HINDI!! HINDI MAAARI ITO!!! M-MAHAL AKO NG DIYOS!!! HINDI NIYA AKO PABABAYAAN!!!

MALE2: HINDI KA NIYA MAHAL!! MAMATAY KANA LANG!!! [tatawa]

MALE1: [Mag iimagine na Nakita nang binuksan ng mga gwardiya ang gate ng kulungan nila at
magsisigaw; MALE2 tuloy padin sa pagtawa] H-HINDI!! HINDI KO SINASADYA!!! H-HINDI!!! W-WAG NIYO
AKONG KUNIN!!!! H-HINDI KO SINASADYA!!!! W-WAG!!!! H-HINDI PWEDE ITO, HINDIIII!!!!!!!!!!

-----END OF SCENE----

You might also like