Week 88 Daily

You might also like

You are on page 1of 6

`

ARELLANO UNIVERSITY - MALABON


Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Cor Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan St., Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2019-2020

Agosto 12, 2019

I. Nilalaman (Pagsipi ng Konsepto Blg. 13)

Unang Wika

 Ang Unang Wika ay kadalasan ay tinatawag ding katutubong wika o sinusong wika
(mother tongue) ay ang wikang natutuhan at ginamit ng isang tao simula
pagkapanganak hanggang sa panahon kung kalian lubos nang nauunawaan at
nagagamit ng tao ang nasabing wika.
 Sa ibang lipunan, tinutukoy na katutubong wika o mother tongue bilang wika ng isang
etnolingguwistikong grupo kung saan nabibilang ang isang indibiduwal, at hindi ang
unang natutuhang wika.
Halimbawa: Kung ang isang bata ay Iloko at mula sa angkan ng taal na Iloko,
ngunit simula pagkapanganak ay tinuturuan ng wikang Ingles, mananatiling Iloko
ang kanyang katutubong wika o mother tongue.

II. Pamantayang Pangnilalaman


 Nauunawaan ang mga konsepto, ng unang wika sa gamit sa lipunang Pilipino

III. Pamantayan sa Pagganap


 Nasusuri ang kahalagahan ng unang wika sa lipunan ginagalawan ng mga Pilipino

IV. Kasanayang Pampagkatuto


 Nalalaman at naiuugnay ang unang wika sa sariling kaaalaman, pananaw at mga
karanasan.

V. Pagtataya (Pagsasanay Blg 13)

Pagsagot sa mga katanungan (Oral Recitation)

1. Sa tingin mo, maganda ba may magiging epekto ng paglalagay ng


mother tongue na asignatura sa elementarya?
2. Gaano kahalaga ang unang wika para sa pakikipagtalastasan sa kapwa?
3. Para sa iyo, ano ang unang wika batay sa iyong pagkakaunawa?

VI. Sanggunian

 Bernales, Rolando A et al.,.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
 Santos, Angelina L. et al.,.2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc.
ARELLANO UNIVERSITY - MALABON
Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Cor Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan St., Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2019-2020

Agosto 13, 2019

I. Nilalaman (Pagsipi ng Konsepto Blg. 14)

Pangalawang Wika

 Ang wikang natutuhan at ginagamit ng isang tao salabas pa sa kanyang unang


wika.
 Ang wikang ito ay hindi taal o katutubong wika para sa tagapagsalita ngunit isang
wikang ginagamit din sa lokalidad ng taong nagsasalita.
 Iba ang ikalawang wika sa dayuhan o banyagang wika sapagkat ang dayuhang
wika ay tumutukoy sa isang wikang inaral lamang ngunit hindi ginagamit o
sinasalita sa lokalidad ng taong nag-aaral nito.
Halimbawa: Maituturing na ikalawang wika ng mga Pilipino ang wikang
Ingles sapagkat bukod sa isa ito sa mga opisyal na wika ng Pilipinas ay
laganap ang paggamit ditto sa Sistema ng edukasyon at iba pang
larangan habang banyaga wika ang wikang aleman sapagkat hindi
natural na ginagamit sa ano mang larangan o lugar sa Pilipinas, liban na
lamang kung sadya itong pag-aaralan.

II. Pamantayang Pangnilalaman


 Nauunawaan ang mga konsepto, ng pangalawang wika sa gamit sa lipunang
Pilipino.

III. Pamantayan sa Pagganap


 Nasusuri ang kahalagahan ng pangalawang wika sa lipunan ginagalawan ng
mga Pilipino

IV. Kasanayang Pampagkatuto


 Nalalaman at naiuugnay ang pangalawang wika sa sariling kaaalaman, pananaw
at mga karanasan.

V. Pagtataya (Pagsasanay Blg 14)

Sa pamamagitan ng Venn Diagram, isulat ang pagkakaiba at pagkakatulad ng Unang


wika at Ikalawang wika. Bawat isa ay may isang puntos.

Unang Wika Pangalawang Wika

PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA

PAGKAKATULAD

VI. Sanggunian

 Bernales, Rolando A et al.,.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
 Santos, Angelina L. et al.,.2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc.
ARELLANO UNIVERSITY - MALABON
Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Cor Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan St., Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2019-2020

Agosto 14, 2019

I. Nilalaman (Pagsipi ng Konsepto Blg. 15)

GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

TUNGKULIN NG KATANGIAN HALIMBAWA


WIKA PASALITA PASULAT
Nakapagpapanatili / Formularyong
Liham
INTERAKSYONAL nakapagpapatatag ng Panlipunan/
pangkaibigan
relasyong sosyal pangangamusta
Tumutugon sa Pakikiusap/ pag- Liham
INSTRUMENTAL
pangangailangan uutos pangangalakal
Pagbibigay ng
Kumukontrol/gumagabay sa
REGULATORI direksyon/ paalala Panuto
kilos/asal ng iba
o babala

Nakapagpapahayag ng sariling Formal o di formal Liham sa


PERSONAL
opinion o damdamin na talakayan patnugot

Nakapagpapahayag ng
Pagsasalaysay, Akdang
IMAJINATIV imahinasyon sa malikhaing
paglalarawan pampanitikan
paraan
Naghahanap ng mga Pagtatanong, Sarvey,
HEURISTIK
informasyon/ datos pakikipanayam pananaliksik
Ulat,
Nagbibigay ng informasyon/ Pag-uulat /
INFORMATIV pamanahong
datos pagtuturo
papel

II. Pamantayang Pangnilalaman


 Nauunawaan ang pagkakaiba ng gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng
pagkakaroon ng interaksyon sa tao sa lipunan na ating ginagalawan.

III. Pamantayan sa Pagganap


 Nasusuri ang gamit at pagkakaiba ng gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan
ng maikling dayalogo.

IV. Kasanayang Pampagkatuto


 Nabibigyang kahulugan ang mga komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
(Ayon kay M. A. K. Halliday)

V. Pagtataya : (Pagsasanay Blg 15)

Panuto: Sa pamamagitan ng maikling dayalogo, tukuyin kung ano ang gamit ng wika
ang tinutukoy sa bawat na dayalogo. Bawat dayalogo ay magkakaroon ng isang puntos.
MALOU: Emma, Kamusta ka? (_______,________)
EMMA: Uy, Hi Malou! (_______) Mabuti naman ako. (________) Ilang taon na nga ba nang huli
tayong magkita? (________)
MALOU: Maglilima na yata. Nu’ng graduation natin ang huli nating pagkikita. (_________)
EMMA: Ikaw, kamusta naman? (__________,____________)
MALOU: Heto, medyo hindi mabuti. (___________) Pinagkaitan yata ako ng tadhana eh. Hindi na
nga pinalad na makikilala ang aking prince charming, nagbibilang ng poste sa ngayon! (________)
EMMA: Sa palagay ko, sinusubukan ka lang ng kapalaran. Darating din ang swerte mo.
(________)
MALOU: Teka, ano na ang trabaho mo ngayon? (_______) Mukhang big time ka na ah. Ang ganda
ng attire mo eh. Professional na professional! (_________)
EMMA: Naku, hindi naman. (_______) Personnel officer ako ngayon sa isang kumpanya rito sa
Malabon. (____________)
MALOU: Uy, tulungan mo naman akong makapasok sa kumpanya ninyo. Please! (_________)
EMMA: Ay, tamang-tama. Kailangang-kailngan namin ng sales representative ngayon. (_______)
Sa palagay ko, puwedeng-puwede ka roon! (________)
MALOU: Naku, Emma, hulog ka ng langit sa akin! Pinagtagpo siguro tayo ng tadhana ngayon!
(________)
EMMA: Naks! Ang lalim nun ha. (________)
MALOU: Paano ba ang pagpunta sa kumpanya ninyo? (________)
EMMA: Madali lang. Sumakay ka lang ng jeep mula rito hanggang Mc Arthur Highway. Sa
Barangay Potrero, bumaba ka sa harap ng Potrero Elementary School, tapos, sumakay ka ng
traysikel. Pahatid ka sa drayber sa Mutya Publishing House. Nasa third floor ako.
(________,___________)
MALOU: Sige, sa Lunes ng umaga, asahan mo ako. (__________)
EMMA: Sige, ingat ka ha. (_________,_________)
MALOU: Salamat ha, Emma. (__________)

VI. Sanggunian

 Bernales, Rolando A et al.,.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
 Santos, Angelina L. et al.,.2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc.
ARELLANO UNIVERSITY - MALABON
Elisa Esguerra Campus
Gen. Luna Cor Esguerra St. Barangay Bayan-Bayanan St., Malabon City
Tel # 932 52 09
S.Y. 2019-2020

Agosto 15, 2019

I. Nilalaman (Pagsipi ng Konsepto Blg. 16)

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA: PANAHON NG KASTILA

 Ang isinaalang-alang na ang unang pananakop ng mga kastila sa ating kapuluan


ay ang pananatili rito ni MIGUEL LOPEZ DE LEGAZPI noong 1565, bilang
kauna-unahang KASTILANG GOBERNADOR-HENERAL.
 Nang ilagay sa ilalim ng koronang kastila ang kapuluan, si RUY LOPEZ y
VILLALOBOS ang nagpasiya ng ngalang ‘’FELIPINAS O FELIPNAS’’ bilang
parangal sa HARING FELIPE II nang panahong yaon, ngunit dila ng mga tao ay
nagging ‘’FILIPINAS’’
 3G’S- GOD, GOODS/GOLD, GLORY- Itinuro ng mga kastila ang
KRISTIYANISMO sa mga katutubo upang aging sibilisado sa diumano ang mga
ito.
 Maraming pagbabago ang naganap at isa na rito ang Sistema ng ating pagsulat;
Ang dating ALIBATA na binubuo ng labimpitong letra (tatlong patinig, 14 na
katinig) A E/I O/U BA KA DA/RA GA HA LA MA NA NGA PA SA TA WA YA
(isulat pabaybayin) ay napalitan ng ALPABETONG ROMANO na binubuo
naman ng 20 titik, limang (5) patinig at labinlimang (15) katinig. A E I O U B K D
G H L M N NG P R S T W Y
 Nagtatag ang Hari ng Espanya ng mga paaralang magtuturo ng wikang kastila
sa mga Pilipino ngunit ito ay tinutulan ng mga prayle.
 Ang mga misyonaryong kastila mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo
1. Mas madaling matutuhan ang wika ng isang rehiyon kaysa ituro ito sa
lahat ng Espanyol.
2. Higit na magiging kapani-paniwala at mabisa kung ang bayaga ay
nagsasalita ng katutubong wika.
 Ang mga prayle ay nagsulat ng mga diksyunaryi at aklat-panggramatika,
katekismo para sa mabilis na pagkatuto nila ng katutubong wika.
 Naging usapin ang tungkol sa Wikang Panturong gagamitin ng mga Pilipino
 Iniatas ng Hari na ipagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ng
pananampalataya subalit hindi naman natupad.
 GOBERNADOR TELLO- turuan ang mga Indio ng wikang espanyol.
 CARLOS AT FELIPE II- kailangan maging bilingguwal ang mga Pilipino.
 CARLO I- itinuro ang doktrinang kristiyana sa pamamagitan ng wikang
kastila. Noong Marso 2, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos
tungkol sa pagtuturo Wikang Kastila sa lahat ng katutubo.
 CARLOS IV- lumagda ng dekrito na nag-utos na gamiti ang wikang
espanyol sa lahat ng paaralang itatag sa pamayanan ng mga Indio noong
29 Disyembre 1972

II. Pamantayang Pangnilalaman


 Nauunawaan ang mga konsepto ng Linggwistikong Komunidad na wika sa
lipunan.

III. Pamantayan sa Pagganap


 Nasusuri ang kahalagahan ng Linggwistikong komunidad sa wika sa pang-araw-
araw na pamumuhay ng isang tao.

IV. Kasanayang Pampagkatuto


 Nagbibigyang-halaga ang Linggwistikong komunidad sa lipunang Pilipino.
V. Pagtataya : (Pagsasanay Blg 16)

Panuto: Gumawa ng sanaysay hinggil sa paksang naitaas. Ibigay ang iyong ideya at
opinyon.

1. Sa tingin mo, maganda ba ang naidulot ng pananakop sa atin sa panahon ng kastila? Kung
oo, bakit? Ibigay ang mga magandang bagay na nagawa ng mga espanyol at kung hindi ibigay
ang dahilan kung bakit hindi maganda ang naidulot ng pananakop ng kastila sa mga Pilipino.

PAMANTAYAN BAHAGDAN
Nilalaman 40 %
Organisasyon 15 %
Kalinisan ng gawa 10 %
Gramatika 15 %
Kasiningan 20 %
Kabuuan: 100 %

VI. Sanggunian

 Bernales, Rolando A et al.,.2016. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at


Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc,
 Santos, Angelina L. et al.,.2016.Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino.Mutya Publishing House Inc.

You might also like