You are on page 1of 8

“Kaya nga si Amalia ang dapay mong mapangasawa,” at halos manggigil

ako,” dahil sa siya ay mayaman. Di yayaman ka rin.”


“Hindi ang yaman lamang ang mahalaga sa buhay ng tao, Tata Porong. Ang
mahalaga, higit na mahalaga sa palagay ko, ay kung iniibig mo siya at kung
mauunawaan ka naman niya. Si Maring ang lalong nalapit sa aking loob at siya ang
inaakala kong makauunawa sa uri ng aking panggagamot dito sa atin. Hindi marahil
niya ako hahanapan ng malaking kita dahil sa mahihirap lamang ang lumalapit sa
akin, Kaya kung papalarin akong tanggapin ni Maring, humanda ka, Tata Porong, at
mamamanhikan tayo.”
Ang totoo ay kay Amalia parin ako. Subali’t natitiyak kong hindi na ako mag
kakamanugang ng tagabayan.
BAGAY- BAGAY ANG HAIN
By: ANGEL FERNANDEZ

DENVER JAY PABLICO

GRADE 10- TURQUOISE


May katapat ang bawa’t bagay na isasagawa.
Ang nayon naming Malumot ay hindi naiiba sa mga nayon. Gayong kaming
lahat ay mahihirap, mayroon kaming tinitingala at may binabalewala. Nabibilang sa
mga tinitingala ang may maraming kalabaw, o kaya’y may bahay na ang diding ay
tabla at ang bubong ay yero, o may anak na nag-aaral sa Maynila. Lalo na kung ang
isang anak man lamang ay nakatapos na ng karera.
Nakahanay ang aming mga bahay sa magkabilang gilid ng kalsada. May
ilang tindahan na mabibilhan ng mga pangkaraniwang kailangan. Mga tuyo at daing
na kung hindi naninigas na sa kalumaan kung tag- araw ay humuhulas naman kung
tag- ulan. May mga de- latang sardinas at salmon na namumuti na sa alikabok.
Hindi kataka- takang ang magulang sa aming nayon ay walang pangarap
kundi bumuti ang kanilang buhay kung hindi man yumaman. Sa pagpili ng
mamanugangin, ang unang isinasalang- alang ng mga magulang ay ang lumiligaw sa
anak na dalaga o ang nililigawan ng anak na binata. Hindi iilan ang mga dalaga sa
amin na napalungi sapagkat ang ipinalalagay ng maykayang lumiligaw ay wala
naman pala.
Dumating isang araw si Julio sa Malumot. Tubo sa aming nayon na si Julio.
Kapwa namatay ang kanyang ama at ina noong panahon ng Hapones at nagpalipat-
lipat ang bata sa mga kamag- anak. May labinlimang taon lamang si Julio nang
pumasok ang mga Amerikano.
Nanilbihan si Julio sa isang kampo ng mga Amerikano. Kinagiliwan siya sa
isang mataas na opisyal at isinama saa Amerika. Magmula noon ay hindi na
nabalitaan ng mga taga- Malumot si Julio. At di kasi naman, nagitla ang Malumot
nang walang anu- ano’y sumipot siya.
Dinalaw ni Julio ang mga kamag- anak. May ilang buwan na pala siya sa
Maynila at naglilingkod sa isang ospital doon. Isang manggagamot na pala.
Natural lamang na maluwat na maging paksa ng usapan si Julio. May
nagsasabing sana raw ay taga- Maynila ang mapapangasawa ni Julio nang malamang
binata pa siya. May nagpapalagay naman na tila alangan kay Julio ang mga dalaga sa
nayong iyon.
“At saka malayo naming may mapili si Julio rito,” may katigasang wika ng
isang matandang lalaki sa mga kaharap sa tindahan ni Ka Monang. “Biro naman
nasaktan ay alay niya. Pinunit niya ang kanyang mga kumot upang ibenda sa mga
sugat, at kung hindi sa ginawa niyang iyan, marahil ay may namatay. At hindi
hiniwalayan ni Maring ang mga nasaktan hanggang ang lahat ay gumaling at
makauwi sa kani- kanilang tahanan. Si Maring ang higit sa lahat ay dapat pag-
ukulan ng parangal na ito.”
KAhit na sa aking palagay ay panig ang mga naroroon kay Amalia, hindi rin
matapus- tapos ang palakpakan. At ako man ay panig pa rin kay Amalia. Magiging
malaking karangalan ng Malumot na mapangasawa ni Julio ang isang
tagakabayanan.
Humiling si Julio na humirang ang mga taga- Talahiban ng isang lupon na
maisasama niya kina Amalia upang kumatawan sa Talahiban sa pagpapasalamat kay
Amalia.
Binulungan ko ang punong- nayon.
“Ayos na pare. Makakamanugang na ako ng tagakabayanan.”
Dinala naming ang lupon sa botika ni Amalia at nahalata ko ang malaking
katuwaan Minaliit ni Amalia ang kanyang ginawang tulong at higit niyang binigyan
ng halaga ang ginawang tulong ni Julio. At kinamayan ni Amalia si Julio.
“Pambihira ka, Doktor,” wika ni Amalia, at napansin kong maluwat na hawak nito
ang kamay ni Julio.
Gabi na nang araw na iyon nang kami ay magkasarilinan ni Julio. Kumakain
kami ng hapunan.
“Talaga ba, Tata Porong, na ibig mong ako’y lumagay na sa mabuti?” tanong
ni Julio.
Nabigla ako sa aking narinig at muntik na tuloy akong mahirinan sa laki ng
tuwa.
“Sabi ko na nga sa iyo na mahirap ang tumandang binata,” sagot ko.
“Patulan kaya ako ni Maring, Tata Porong?”
“Ano ‘ka mo?” halos pasigaw kong tanong. “Isip ko ba’y si Amalia.”
“Tata Porong,” utol ni Julio na tumatawa, “may kasabihang bagay-bagay raw
ang hain sa kumakain. Hindi na tayo bagay kay Amalia. Mayaman siya at mahirap
tayo.”
ninyo, mediko na si Julio at sa Amerika pa nag- aral.”
Tila ang nakakarami sa magkakaumpok sa tindahan ay nasiyahan na sa
kanilang narinig sa matandang nagsalita. Binigyan nito ng tinig ang damdamin ng
marami na walang dalaga sa nayong iyon na nababagay kay Julio. Subali’t si Ka
Monang ang kontrabida.
“Bakit naman tayo mawawalan ng dalaga rito na makakabagay ni Julio? Si
Maring, halimbawa. Titser, maganda, marunong.”
“Pero, Monang,” sambot ng matandang lalaki, “mahirap si Maring. Bagay
kay Doktor ay isang dalagang mayaman, gaya ni Amalia sa kabayanan na may
botika. Malaki ang maitutulong ni Amalia kay Julio.”
Magmula nang matapos ang maliit na bahay na ipinatayo ni Julio sa
bakurang naiwan ng kanyang mga magulang ay sa Malumot na siya namalagi.
Madali naming kinagiliwan si Julio sa buong bayan dahil sa kabutihan ng kanyang
paglilingkod sa mga inaabot ng karamdaman. Araw at gabi natatawag siya kung ang
maysakit ay hindi madala sa kanyang klinika.
Nang lumaon ay kumalat ang balita sa aming nayon na madalas makita si
Julio sa botika ni Amalia. At ikinatuwa ng marami ang bagay na ito.
“Kung saka- sakali,” sabihan ng marami, “ito ang unang- unang pagkakataon
na ang isang tubo sa Malumot ay magkakaasawa ng taga- bayan.”
Hindi ninyo naitatanong ako’y malayong kamag- anak ni Julio. Ako’y
pinsang makaikatlo ng nasirang Joaquin na kanyang ama. Kaya Tata Porong ang
tawag niya sa akin. Ako’y matandang binata.
Nabubuhay ako sa pag- aanluwagi at awa ng Diyos ay nakatawid naman sa
buhay. Ako ang pinagkatiwalaan ni Julio sa pagpapagawa ng kanyang bahay. Dahil
sa wala akong sariling pamamahay at palipat- lipat lamang sa aking mga kapatid,
hindi na ako napatumpik- tumpik nang sabihin sa akin ni Julio na sumuno sa kanya.
“Dito ka tumira, Tata Porong,” sabi ni Julio, “at nang may makasama ako sa
bahay. Masasamahan mo rin ako sa pagdalaw- dalaw ko sa aking mga ginagamot.”
Mabalik ako kay Julio at kay Amalia. Totoo na madalas na madaan si Julio
sa botika ni Amalia. Iyon ang pinakamalaking botika sa kabayanan at doon laging
bumibili ng gamot si Julio. Kaya hindi kataka- takang sa tuwing madaraan si Julio sa
tapat ng botika ni Amalia, titigil muna siya upang batiin si Amalia at makipagpalitan
May binatang bumigkas ng tula, at isang dalaga naman ang nagparinig ng
magandang awit. Matapos iyon ay napagitna ang kapitan ng nayon.
“Ipagpaumanhin mo na, Doktor,” simula ng punong- nayon, “ ang maliit
naming nakayanan na handog naming sa iyo bilang pagpapasalamat sa ginawa mong
pagtulong sa amin sa panahon n gaming pangangailangan. Naiinggit kami, Doktor,
sa nayong Malumot sapagka’t doon isinilang ang isang gaya mo na tumalikod sa
magandang pagkakataon sa Maynila upang mapangalagaan ang kalusugan, hindi
lamang ng nyong tinubuan, kundi ang buong bayan.”
Mahaba at matunog na palakpakan ang isinunod ng mga nakikinig sa
binigkas ng ulo ng nayon. At dahil sa mapiling kahilingan ng madla, napilitang
pumagitna si Julio at nagsalita.
“Nagpapasalamat po ako dahil sa hindi man marapat ay nag- abala kayong
handugan ako ng ganitong parangal. Nasabi kong hindi marapat sa akin ang parangal
na ito sapagka’t ako’y isang maggagamot at wala akong ginawa kundi tuparin
lamang ang aking sinumpang tungkulin.”
“Kaya humihingi ako ng pahintulot sa inyo,” patuloy ni Julio, “nailipat ko sa
iba ang karangalang iniaalay sa akin. Ibig kong ipahatid sa inyo na ang mga gamot at
iba pang mga kagamitang nagpagaling sa mga nasalanta rito ay handog ni Amalia sa
kabayanan. Hindi tungkulin ni Amalia ang maghandog ng gamot na walang bayad.
Subali’t dahil sa kalakhan ng kanyang puso, dahil sa nasa niyang makatulong,
tinanggihan niya ang alok kong kabayran.”
Tumigil si Julio sa pagsasalita dahil sa umatikabong palakpakan at malakas
na hiyawan. May sumigaw na “palo kami kay Amalia, Doktor!” Ang umatikabo na
namang palakpakan ay patunay na sang- ayon ang mga naroon na si Julio at si
Amalia ay magkaugnay.
“Datapwa’t kung binanggit ko mang si Amalia ay pinagkakautangan ninyo
ng loob, pabayaan ninyong ipakilala ko sa inyo ang higit sa lahat ay marapat sa
inyong pagtatangi,” patuloy ni Julio.
Huminto sa pagsasalita si Julio. Lumakad siya at nilapitan si Maring.
Hinawakan niya si Maring sa isang kamay at itinindig.
“Ito, si Maring, ang tunay na bayani ng nakaraang sakuna. Siya ay isang
guro, at hindi niya tungkuling alagaan ang mga nasaktan. Walang nag- utos sa
kanyang maghandog ng tulong. Ang mga bendang itinali niya sa mga sugat ng mga
ng balita rito.
Tuwang- tuwa ako sa nangyayari. Sa loob- loob ko’y hindi malalaunan at
mauuwi sa pagkakaunawaan ang madalas na pagniniig ni Julio at ni Amalia. Hindi
nalilimutan ni Amalia na magtanong tungkol kay Julio.
Hindi raw kaya may asawa na si Julio sa Amerika o kaya’y nobya? At hindi ko
naman nalilimutang ibalita kay Julio ang napag- uusapan naming ni Amalia.
“Pagkakataon mo na iyan, Julio,” minsan ay sabi ko sa kanya. “Baka
pawalan mo pa.”
“Itong si Tata Porong,” wika ni Julio. “Kung anu- anong alimuom ang
sinasagap.”
“Baka ‘ika ko sa malaon ay lalagay ka rin lamang sa mabuti,” dugtong ko,
“mainam na si Amalia. Mag- asawa ka na. Mahirap ang tumandang binata.”
Nagtawa si Julio.
Minsan ay dumaan ang isang napakalakas na bagyo. Hindi naman nasalanta
ang Malumot, subali’t ang kanugnog na nayon ng Talahiban ay lubhang napinsala.
Hindi pa lubos na humuhupa ang hangin ay nakarating na ang balita sa Malumot na
malalim ang tubig sa Talahiban, maraming bahay ang nagibaga, maraming taong
nabalian at nasugatan. Inipon ang mga nasugatan sa paaralan na sa isang paltok
nakatayo at hindi inabot ng baha.
“Tena, Tata Porong,” kaagad sabi ni Julio nang matapos ang pagbabalita ng
puno ng nayon ng Talahiban na siyang may hatid ng balita at humihingi ng tulong.
“Kukuha muna tayo ng gamot kina Amalia at iba pang kagamitan.”
Madali namang nakuha namin ang mga kailangan ni Julio sa botika. Ni hindi
pinabayaran ni Amalia ang mga gamut at iba pang kinuha ni Julio.
“Hindi na kailangang bayaran, Doktor,” ani Amalia. “Iyan man lamang ay
maitulong ko sa mga napahamak sa Talahiban.”
Sa palagay ko ay lalo pang matulin ang takbo n gaming sinasakyang dyip
tungo sa Talahiban kaysa nang kami’y patungo sa kabayanan. At nang pumasok
kami sa eskuwelahan ay nahantad sa aming paningin ang nakalulunos na hanay ng
mga nasugatan at napinsala. Napansin ko agad na marami na ang may mga benda sa
ulo at sa mga bisig, at kasalukuyang binebendahan ni Marin gang isang batang lalaki
na tila may nagging diperensiya sa braso. Nilapitan ko si Maring.
“Nandito ka pala,” wika ko.
“Dito ako nagtuturo, Ka Porong,” ani Maring na patuloy sa kanyang
ginagawa. “Kasama mob a si Doktor?”
“Kasama namin ni Kapitan,” sabi ko. “Hayun at may ginagamot na.”
Sandaling tumingin si Maring sag awing kinaroroonan ni Julio.
“Salamat at narito na siya,” sabi ni Maring. “At, Ka Porong, pakialaman mo
nga iyong pagpapakulo ng tubig. Kailangan ni Doktor ng kumukulong tubig.”
Siyang paglapit ni Julio. “Maring, kailangan ko ang tulong mo. Mahusay ka
palang amglagay ng benda, pakibendahan mo nga ang mga nagamot ko na. Marami
akong dalang pambenda. At maalala ko pala, saan ka kumuha ng ibinenda mo sa mga
nasugatan?”
“Mga kumot ko, Doktor,” ani Maring. “Pero malilinis, bagong plantsa.”
Narinig kong nagtawa si Julio. “Pambihira ka, Maring,” sabi ni Julio at
lumakad na, kasunod si Maring.
At hindi tumigil ang dalawa hanggang hindi nagagamot na lahat ang dapat
gamutin. Gumagabi na nang matapos ang kanilang Gawain.
Bago umalis si Julio ay nilapitan niya si maring at hinawakan sa dalawang
kamay at pinisil.
“Bukas ay naririto rin ako,” ani ni Julio.
“Daratnan mo rin ako,” wika naman ni Maring.
Araw- araw, hapon at umaga, ay dinadalaw ni Julio ang mga pasyenteng
hindi pa nakaaalis sa paaralang- bayan ng Talahiban. Dinaratnan naman naming si
Maring at siya ang nag- uulat kay Julio ng kalagayan ng mga pasyente. Sa wakas ay
nakauwi nang lahat sa kani- kanilang bahay ang mga ginagamot ni Julio. At madali
kong nakalimutan ang nagyari sa Talahiban.
Subali’t ang mga taga- Talahiban pala ay hindi nakalilimot. Hindi namin
nalalaman na nagkaroon ng ilang pagpupulong ang mga tagaroon at ang kanilang
pinagpulungan ay kung paano maipakilala ng nayon ang kanilang pagtanaw ng
malaking utang na loob kay Julio. Sa wakas ay napagkaisahang magdaos ng isang
malaking handaan na ang magiging panauhing pandangal ay si Julio.
Idinaos ang parangal isang araw ng Linggo sa paaralang- bayan. Matapos
ang masaganang pananghalian ay nagkaroon ng isang palatuntunan. May mga batang
nagsisipag- aral ang nagsipagsayaw.

You might also like