You are on page 1of 1

5000-year-old na libingan, nahukay sa Kenya

Nahukay ng isang grupo ng mananaliksik mula sa Stony Brook University at Max Planck Institute for the
Science of Human History ang isang 5000-year-old burial monument sa Lothagam Valley, Kenya na
kinilala bilang pinakamatandang libingan na nadiskubre sa South Africa.

Tinatayang aabot sa 40 degrees Celsius ang temperatura sa ilalim ng mismong libingan habang
maikukumpara naman sa planetang Mars ang mabato at malawak nitong kabuuan.

Ayon sa grupo ng mga mananaliksik, matagal na nilang pinag-aaralan ang Lothagam na dating tirahan ng
mga sinaunang mangangaso, na siya ring gumawa ng libingan.

Napriserba ang naturang libingan dahil sa mga lokal na tribong naninirahan malapit sa lugar.

Matagal ng pinaniniwalaan ng mga siyentipiko na ang mga lumang libingan na kagaya ng nahukay sa
Lothagam at ng pyramid sa Gaza ay mahalaga upang mas mapag-aralan ang pamumuhay ng mga
sinaunang tao.

You might also like